Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Mahal ko pa
"Hi ex. Alam kong nagbabasa ka dito. Ewan ko kung mahal pa ba kita o miss lang kita?
Naging kami. Oo ex nga e. Haha. Kaso binalewala ko sya. Ang rason? Ang pinakamamahal kong si azi. Di ko napansin yung mga efforts nya. Kasi dahil sa ""jonaxx boys"" tumaas lalo ng super duper ang expectation ko sa lalake. At ikaw ang napagbuntunan ko. Pero okay lang yon sayo. Tinanggap mo parin ako kahit kasama na si azi. Kaya para okay tayo binasa mo din pati stories ni jonaxx. Sinabihan mo pa nga dati ako ng ""sige okay lang isipin ko nalang kabit mo yan"" Hindi kaoffend offend sayo yan pero naoffend ako. Mas lalo kitang nabalewala. Nalaman kong tinimer mo ko. And I was like ""Azi oh,sinasaktan ako"" hinayaan lang kita. Nasaktan ako oo. Kasama na din ang ego ko. Hanggang sa magbreak tayo.
After a month nagkabalikan tayo. Mas naging obsess ako kay azi and akala non na nilalaro mo nalang ulit ako. Tumawag ka pa nga non habang nakainom ka. Sobrang selos na pala ang nararamdaman mo nun kay Azi kaso ang nasa isip ko ambabaw mo. Mas lalo akong naging mean kaya nagbreak na naman tayo. Ngayon ko lang narealize sobra pa sa sobra yung mga effort mo. Kung pano mo tiniis lahat ng kapabebehan at pagiging cold ko sayo. Naobsess ako kay azi. Di kita naisip. Nakakatawa kasi habang binabalikan ko yung mga convo naten umiiyak na ko.
Now, youre happy sa bagong girlfriend mo. Were still friends pa din naman. Sabi mo pa nga sinabihan ako ng maganda ng girlfriend mo. Jusko. And then pagcheck ko ng messenger ko nakablock na ko sayo? Anyare?
Uwi ka na babe di na ko galit. Pahahalagahan na kita kaso huli na."
- Mistress ni Azi
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
