Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Forevermore
"It's like Yeshua and Piper story.
Warning: Please don't cry, beautiful ladies.
He's a playboy, asshole and stupid. Simula nung tumapak ako sa university na pinapasukan natin. Walang araw na hindi mo ako inaasar o pinapansin. Since highschool. Ilang beses ko na rin nakita kung paano ka magpaiyak ng isang babae of course nasa dugo mo na yata ang pagiging playboy. But it's all sudden changes when you told me that you like me, that you want to court me.
Gusto kong isampal sa'yo kung paano mareject pero may parte sa puso ko na nagsasabing 'GIVE HIM A CHANCE.' 4 months kang nagtiis kahit gusto na kitang sagutin, pero ang sabi mo 'No, it's ok. Gusto kong mapatunayan talaga sa'yo na totoo lahat ng ipinapakita ko.' 25th of October, 2011 sinagot na kita. Binigay ko lahat para maging maayos ang takbo ng relasyon natin, ganun rin sa'yo. Pero hindi talaga mawawala ang pagsubok sa isang relasyon. We had lots of fight, small things becomes bigger, lack of trust etc. But it's all worth it dahil sa paraan na 'iyon nasukat ang tatag ng relasyon natin.
4 years I gave up everything, wala akong tinira lahat ng meron sa akin binigay ko dahil ganun kita kamahal. Pero lahat ng ginawa ko para sa'yo ay kaagad rin gumuho, because of what you said to me 'Please set me free.' I want to punch your face and kick your ass, but I can't. Ilang beses akong nagmakaawa sa'yo halos halikan ko na ang mga paa mo h'wag mo lang ako iwan. Pero hindi ka nagpatinag, tinignan mo ako gamit ang malulungkot mong mata bago mo ako tinalikuran. Umuwi ako sa bahay na luhaan, kahit ang mga magulang ko hindi nila ako magawang patigilin sa pag iyak. Sinubukan kitang puntahan sa bahay nyo, but the door is already locked. Mas lalong gumuho ang mundo ko nang malaman ko mismo sa pinsan mo na lumipad na kayo patungong states. Pati facebook, skype or twitter hindi kita mahagilap dahil hindi ko na makita.
I got so depressed that time. Walang araw na hindi ako umiiyak, pati ang kumain nakalimutan ko na rin gawin. Hindi ko na rin magawang mag focus sa studies ko, kakaisip sa'yo. Pero lalo akong nasira nung minsan tinakbo ako nina daddy sa hospital dahil naabutan nila akong walang malay sa kwarto. Nagising ako nasa loob ng isang hospital room, nakita ko si mommy at daddy na umiiyak. I ask them what is happening here pero hindi nila ako magawang sagutin. Lumapit sa akin ang kapatid ko, pakiramdam ko namatay na ako sa mga oras na 'iyon. 'NAKUNAN AKO.' For pete sake! Paano nangyari lahat ng 'to! Hindi ko alam na buntis ako ng 2months.
Halos isumpa ko lahat ng tao at bagay sa mundo. Pati ang diyos sinisi ko rin, kung bakit kailangan ko danasin lahat ng pahihirap sa mundo. Nagbago ako. Natuto akong gumimik, naging bitch ako. Natuto rin ako makipag-flings, pero may limit just kiss not s*x. I became more rebellion because of what you did to me.
Isang taon na ang lumipas, bago ako makagraduate nakatanggap ako ng balita na narito na kayo ulit sa pilipinas. As if I care, sarado na ang puso ko. Ni magulang ko hindi na nila ako makausap ng matino. I got suprised when your mom went to our house. Gusto ko siyang pagsaraduhan ng pinto pero nakiusap siya na makinig ako sa lahat ng sasabihin niya sa akin.
F*ck this life! Why you didn't tell me about your situation?! Damn it, Bernard! Tinago mo sa akin ang lahat. Palagi mo ako tinatanong kung ok lang ba ako pero ikaw naman pala ang hindi ok? Kung sinabi mo sana sa akin ang totoo hindi ko hahayaan harapin mo mag-isa ang sakit mo. Tutulungan kita para palakasin ang loob mo para lumaban. You, you, you died! Cancer huh? Napaka-selfish mo ang daya daya mo! Hindi mo ako binigyan ng rights para malaman ko ang lahat. Dahil sa sakit at galit na naramdaman ko nung mga oras na 'iyon nasigawan ko ang mommy mo. I told her,
NATUTO AKONG MAGKIMKIM NG GALIT SA ANAK MO, DAHIL INIWAN NIYA AKO. PERO ALAM NYO KUNG ANO ANG MAS MASAKIT? PINAKAWALAN NYA AKO HINDI DAHIL SA HINDI NYA AKO MAHAL, PERO DAHIL AYAW NYANG MAG ALALA AKO. SA BAWAT PAGPATAK NG LUHA KO SA BAWAT PAGMUMURA KO HABANG NAALALA SIYA, HINDI KO ALAM NA NAGHIHIRAP NA SIYA DAHIL SA SAKIT NYA! AND WORST IS, NA YUNG BABY NA DAPAT INAALAGAAN KO NGAYON AY TULUYANG NAWALA DAHIL SA AKIN. I'M SO FVCKING STUPID TITA!
Niyakap niya ako para tumahan pero walang epekto para tumigil ako. Ang sakit sakit. Wala na ba talagang katapusan ang paghihirap ko, ngayon na nag uumpisa na muli akong bumangon. Hindi ko magawang bisitahin siya sa kanilang bahay. All our friends and collagues texted me para makilamay sa labi mo. But I can't hindi ko kayang makita na nasa loob ka ng kabaong.
At nung araw ng mismong burol mo. Nakaupo lang ako sa pinakadulo. Ang daming umiiyak isa na ako ron. Habang nagsasalita ang mommy mo sa harapan, bigla akong nagulat dahil bigla nya tayong nabanggit.
'My son loves you so much, Dana. Palagi ko siyang nahuhuling pinagmamasdan ang picture mo sa frame. He knows everything about what happened, since he left you. Nangako siya sa sarili nyang oras na gumaling sya babalikan ka nya. Pero ang malas ng tadhanang ibinigay sa kanya. Hindi nya talaga nakayanan.'
I can't take it anymore. I've done enough! Walang sabi sabing pumunta ako sa harapan, nakiusap ako sa mommy mo para magsalita sa harap. For the last time, I want to give you my last words.
'Tanggap mo na kailangan mo ng sumama sa diyos. Pero kami? Hindi. Bernard, In my heart there will always be a place for you. It will never change. I'll keep you with me forever.....'
And for the last time, kahit wala ka na. Gusto kong marinig ng lahat ang kantang palagi natin inaawit.
There are times when I just want to look at your face, with the stars in the night. There are times when I just want to feel your embrace, in the cold of the night. I just can't believe that you are mine now. (But you are gone now)
You were just a dream that I once knew, I never thought I would be right for you. I just can't compare you with anything in this world. You're all I need to be with forevermore.
Hindi na ako pumunta sa cemetery, umuwi na ako kaagad. Baka mahimatay lang ako sa sobrang panghihina na nararamdaman ko that time. Tinulungan ako ng mga kaibigan at pamilya ko para tuluyang makabango lalo pa at malapit na ako makagraduate sa college. Bumalik na rin ako sa pagsamba sa ating panginoon.
2 years had passed, marami ng nagbago. I know you love white roses kaya yun ang dinadala ko everytime na dinadalaw kita. And now, I am so happy dahil nakilala ko na rin ang lalakeng makakasama ko habang buhay. We're not married yet, kailangan muna namin mag ipon para sa bagong simula ng buhay namin. Lalong nadagdagan ang blessings ko, dahil anim na buwan na akong buntis.
Siguro lahat ng pinagdaanan ko, ay isang malaking pagsubok na ibinigay sa akin ng diyos. Alam kong masaya ka para sa akin Bernard. Kahit hindi kita nakikita, nararadaman kong nasa paligid ka lang habang pinagmamasdan mo ako.
Days will pass away. We may not be together forever, but you will always be in my heart forever.
Please take good care of our little angel. Alam kong magkasama na rin kayo ng anak natin. "
DanaVBo9
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
