Congrats. Riguel! You really deserve it

494 13 0
                                        

Jonaxx Boys
Experience
Congratulations Riguel! You really deserve it.

"Una ko siyang napansin sa school nung may ganap na 1 week activities para sa Career month-chuchu something. I dunno. Nakalimutan ko na ang tagal na kasi nun. Ayun maraming games about how to reach your dreams. To know yourself more and realise what your soul's searching for. Kung ano ang nababagay na career para sayo na swak sa mga nahiligan mo sa buhay. Tinuruan kami kung paano magpakatotoo sa mga gusto namin sa buhay at ineencourage din kami ng mga guro na kahit anong pagsubok dapat hindi susuko. Dream big, aim high. Reach your goals. So ayun nga. Ako iyong tipo ng taong madaling mawalan ng pag asa. Konting sablay lang give up na. Walang confidence. Bagsakbagsakin. Matinding kaaway si math. Pero hindi naman nagbibisyo talagang mahina lang talaga ang loob ko sa mga bagay bagay. So ito na nga. Last activity sa career month ay isang pageant kung saan bawat kalahok ay magsusuot ng damit sa kung ano sila sa future. Anong career/course na napili nila na tahakin after highschool. Nagsilabasan na ang mga nagagandahan at gwapong mga schoolmates ko. Sigawan. hiyawan. Maraming may gusto kay 1, kay 8 And bam! Lumabas ang isang taong hindi ko aasahang magpapakatanga saakin bigla. Buffering palagi ang sistema ko. Nakanganga, tulala or should i say nakatitig lang sa kanya na literal na nakanganga. "" Hi! I am your future Lawyer!"" At nag pose siya.Gosh! Jboy na jboy talaga siya. Lawyer talaga siyang tignan! Wala akong maexplain sa mukha niya kasi lahat naexplain na ni queen j eh! Riguel is that you?! Gusto kong magsisigaw. Parang nababaliw sa saya at bigla na. Seryoso?! Ang feels ko bes. Pinagtutulak ko na ang mga katabi ko tapos sigaw. "" Si Riguel! Si Riguel!"" Pero sad to say hindi nila ako naiintindihan. Hindi nila kilala ang Riguel ko eh. Kaya sinarili ko nalang ang kasiyahan ko na sobra sobra. Feeling ko nga nun na anytime sasabog na ako sa saya eh. Ang lapad ng ngiti ko habang nakatitig sa kanya. Sabay palakpak ng napakalakas. Syempre katulad ng ibang sumasali ng pageant. Palagi silang nakangiti. Kaya nung napatingin siya sa banda ko. Sigaw ng sigaw ako sa number niya sabay palakapak ng napakalakas at may thumbs up pa! Bahala na kung feeling close bes. Si riguel na yan! Supportive ang inday niyo bes. Feeling ko nga nun mawawalan nako ng boses kinaumagahan eh sa kasisigaw ng number ni Riguel my love. Pero okay lang para sa kaniya naman iyon eh. Syempre at the end siya ang panalo. Umuwi ako sa bahay na masaya. Kahit hindi ko alam anong pangalan niya. Anong section siya. Anong fb niya. Okay lang.
Ilang months ang lumipas. National achievement test na. I think month of November? Ah Basta. Kung minamalas nga naman. Ang layo ng bldg na napadpad ko. Tipong Iyong mga kaibigan ko nasa luzon lahat tapos ako mag isa napadpad sa mindanao. Ganun! Imagine sa bldg. Kung saan ako naassign as in lahat mga lalake! Ground floor to 3rd floor. Lalake! Kulang nalang kumapit ako sa paanan ng mga kaibigan ko para lang hindi ako iwan sa bldg na iyon pero sakasamaang palad kailangan na nilang umalis kasi magstastart na ang exam. Jusko! Kung alam niyo lang. Naiiyak na ako nung time na iyon na gusto ko nalang mawala bigla sa kahihiyan. Syempre lahat ng mga tao doon mga lalake tapos ako lang mag isa babae sa hallway na nakatambay doon. Pinagtitinginan nila ako para bang nagtataka kung bakit nandoon parin ako nakatayo na tapos na ang break time dahil nagbell na. Sarap sumigaw ng "" kuya kasalanan ko ba na ang pangalan ko sadyang naassign sa bldg na ito?!"" Wala akong magawa kundi ang tiisin ang isang buong araw ng kahihiyan sabay kakaisip kung paano tirisin ang principal namin. Walangya! Yung feeling na kahit pagkuha ng testpaper sa front ay hindi ko magawa. Kahit paggalaw ng mga papel parang kay hirap gawin. Kasi naman ang upuan ko nasa pinakaharap. Kulang nalang isumpa ko ang araw na iyon sa sobrang malas.
Lumabas na ako sa room after ng review. And bam! Biglang lumaki mga mata ko nang makita si Riguel! Si Riguel na naman! Grabe! Ang sipag niya. Ang dami niya hawak na mga Reviewers at seryoso siyang nagbabasa. Nakakunot ang mga noo. Nagaaral. Grabe! As in! Wow!
Review lang naman iyong gagawin namin sa araw na iyon pero kung makapagaral siya parang magbabar exam. Bes ako nga pumunta lang ako doon. Basta lang maydalang lapis na mongol2, makaupo, bilog bilogan ang mga letrang sagot and bwola! Done!
Grabe! Ang sipag niya. Talagang magkaiba kami. Sobra!
Atlast! Naadd ko siya sa fb after so many years! At inaccept niya naman. Lol. May nabasa kasi akong confession sa page ng school namin. And fortunately nabasa ko ang confession tungkol sa kaniya. Ex niya ata ang nagconfess nun.

Graduation day namin. April**2017
Para akong ina na nakatitig sa anak niyang dahan dahang natutong lumakad mag isa. Ang saya sa mga mata ko nung nakikitang lumalakad si Riguel patungo sa stage para sootin ang medalya. Sobrang dami niyang awards. Paulit ulit ma tinatawag ang pangalan niya. Paulit ulit siya ginagawaran ng mga karangalan kapalit sa lahat ng pagsisikap niya. Kasama ang ina niya patungo sa stage. Pang ilang balik niya sa stage. Sa sobrang daming medlaya ay hinubad niya ang iba para maisuot ang bagong award na ibinigay sa kanya. And all i can say is. "" You deserve it,Riguel."" Nakikita ko talaga na hindi imposibleng abutin ang pangarap niya. Alam ko unti unti mo itong tinutupad. Bawat pagtitig ko saiyo sa harap ng entablado kasama ang iyong ina. Nakikita ko kung gaano ka proud ang ina mo saiyo,Riguel. Nakadikit ang mga titig ko sa bawat hakbang mo at talagang napahanga mo ako. Hindi lang dahil sa panlabas na anyo. It is because you inspire me to be the best of me. Hindi ako nagkakamaling hangaan ka. Dahil karapatdapat kang hangaan,Riguel. Kaonti nalang ang mga lalakeng katulad mo. Matino, matalino, responsible, at mabuting anak. I am proud na may nakita at nasaksihan akong tao na katulad mo. Taong hinangaan ko ng sobra. For 1 year of admiring you and for inspiring me. Thank you, Riguel. Congratulations! You deserve it! I know and i believed that in the future you will be a successful Lawyer. Good luck for the next school year,Riguel! Keep on inspiring people. Kahit hindi mo alam. Marami kaming humahanga saiyo kahit pasikreto. Enjoy your summer! See you when i see you!"

-TheInvisiblegirl

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon