Bakit ganon?

544 12 0
                                        

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Bakit ganon?

"Niligawan niya ko nung 3rd year high school kami. Itago natin siya sa pangalang Jacob. Kayumanggi siya, matangkad, magaling maggitara(acoustic, bass, electric), drums, keyboard/organ, at maganda din boses niya. Kaya siya magaling sa instruments e, dahil nasa lahi na nila yung mahilig tumugtog ng instruments. So balik tayo nung 3rd year kami, crush ko na siya nun dahil mabait siya as in, magalang at basta nasa kanya na lahat. He asked if pwede siyang manligaw sakin, at ang sabi ko, pwede pero sasagutin lang kita kapag graduate na tayo pareho ng college. Okay lang daw sa kanya, he's willing to wait daw. So fast forward, 2nd year college na kami pareho (last year), nanliligaw parin siya, consistent parin siya sa mga ginagawa niya at di tulad ng iba na napapagod o nagsasawa 'pag nagtagal na. I felt soooo lucky to have him. Yung nagmamadali na kong gumraduate dahil gusto ko na siyang sagutin. Sobrang sipag niya mag-aral at never siyang nag-attempt na ikiss man lang ako dahil nirerespeto niya ko. Madalas ginagawa lang niya kinikiss niya ko sa gilid ng ulo, and I find it very sweet.

But just last february, things changed. It broke my heart so much. Simula nung feb 13, di na siya nagtetext o nagpaparamdam man lang. So I thought baka may surprise lang siya sakin for valentines kaya di siya nagpaparamdam, pero hindi, e. Umabot na ng feb 17, wala parin akong balita sa kanya. Di siya nagrereply, di sumasagot at di rin nag-oonline. Di ko siya mahanap sa school (iisang university lang kmi) at di naman nagsasabi ang mga tropa niya kung nasan siya. Those times, I sensed that something was wrong. At gabi-gabi umiiyak ako. Bat ganun. Asan ka na?

March 3, nasa football field ako kasama 2 friends ko, kumakain kami sa ilalim ng puno habang nanunuod sa nagpapractice na football players. At sa dulo, nandun siya, nakaupo sa ilalim din ng puno, tumutugtog ng gitara at nakatitig sa mata ng isang babaeng pamilyar sakin. Nanikip talaga dibdib ko nun na hindi ko na alam gagawin ko. Tumayo ako at umalis, nagpaalam nalang ako sa friends ko na may pupuntahan ako. Nagkulong ako sa isang cubicle at humagulgol. Wala na kong pake kung may nakarinig man o ano. Sobrang sakit. Bakit ganun? Hanggang ngayon di na siya nagpaparamdam at paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung anong nangyari, bakit bigla nalang ganon? Wala naman kaming away nun. At bakit di man lang niya sinabi sakin.

Hanggang ngayon malaking palaisipan parin sakin ang lahat. Bakit ganon?"

- Shattered

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon