Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Taekwondo
"My mom enrolled me to a taekwondo summer class. 3PM to 5:30PM ang oras para sa mga teens. My first day was nakakalaglag-panga-panty day because I'm telling you ANG DAMING SUPER HOT FAFAS my goodness. Nakakabusog sa mata araw-araw. It was my 7th day on my summer class when that embarrassing moment happened. Water break namin 'yon, inuhaw ako kaya bumili ako ng tubig. Madilim ang corridors nun kasi hindi pa na o-on ang mga ilaw. Habang naglalakad ako, biglang may nakaitim na dumaan sa gilid ko, natakot ako ng sobra kaya tumakbo ako ng sobrang bilis hanggang sa may nabangga akong kasamahan ko rin sa TKD na lalaki kasi ang sakit ng ulo ko nung naumpog ako sakanya eh, sa sobrang takot ko yinakap ko siya at nagtago sa likod niya habang pikit-pikit yung mga mata ko.
NV
Me: Kuya! Shet oh my gahd! May multo! May aswang doon! Tulungan mo ako!
Siya: Huh? Anong aswang? Multo? Tanggalin mo nga kamay mo saakin! Chansing ka lang eh!
Doon lang nabalik yung senses ko kaya napabitiw ako ng automatic sakanya. Babanatan ko na sana eh kaso pag tingin ko sa mukha jusko ang gwapo ni kuya, nakakaiyak ang bango pa! Naka TKD unif kami nun tapos may earring siyang itim sa isang tenga niya tapos matangkad siya then medyo magulo buhok niya basta mga bes mukhang si Azi tapos titig na titig siya saakin. Hiyang-hiya ako kaya naman tinakpan ko mukha ko at tumakbo kasi black belter siya baka mamaya sipain ako eh. So fast forward, uwian na namin nun tapos pumunta ako locker magbibihis na sana ako nang bigla siyang lumitaw sa harap ko eh sa magulatin akong tao kaya nahampas ko siya ng bag ko. Agad naman akong nag sorry. Sabi niya ""Ikaw diba yung babae kanina na chansing?"" inirapan ko na lang para kunware hindi kinilig tignan. Dagdag niya na naman ""Di pala ako mahilig sa flat"" then he smirked kaloka! Kikiligin na sana ako nun eh kaso linait ako aba loko siya!
Padabog akong pumunta sa cr at nagbihis. Pagkatapos kong nagbihis at nagpafresh lumabas akong nakasimangot parin. Nasira talaga mood ko as in super. Padabog akong naglakad papuntang labasan nang makita ko ulit siya BUT THIS TIME MAY KASAMA NA SIYANG ISANG LALAKI RING SOBRANG GWAPO. Nag-uusap silang dalawa habang tumatawa. Bilang may oh-so-landing hormones, pumunta ako sa harap nila para doon kunware magpara ng jeep nang bigla akong nadulas. MAY TUBIG PALA DOON MGA BES MAY TUBIG! Tumayo ako ng parang walang nangyari at palihim na tinignan ang reaksyon nilang dalawa and to my hula tumawa silang dalawa shet double kill! Sumakay na ako agad sa jeep na nakita ko. Savior! Thank you Lord! Kahit sobrang nakakahiya na talaga ako nung mga panahon na yun, nagawa ko paring makasakay agad.
Makikita ko pa sila palagi kasi may training kami. Naluluha ako sa sobrang hiya. Azi at Josiah na nga, sinayang pa. Bad first impression sila sakin saklap turn off agad. Kaya sa mga may oh-so-landing hormones rin dyan, habang maaga pa pigilan niyo na agad para di mapahiya tulad ko."
- Reyna ng kamalasan
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
