Azi ko, Klare niya

575 12 0
                                        

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Azi ko, Klare niya

"Hi mga bra! Sana pagtiyagaan niyo kahit medyo mahaba. Haha. So may nabasa akong confession dito about sa experience niya sa omegle, so ako din mag-she-share.

This happened last August 8,2016, 1:00am ('di ba tanda, lul) because of boredom at hindi pa ako makatulog ay tumambay ako sa omegle. So may naka-match na akong interest and to be clear, ang interest na 'yun ay walang kinalamang kahit ano kay Queen o kahit pa sa mga stories niya.

NV:

Me to stranger: My Azi?
Stranger: Nope. Your Elijah

That time 'yung ngiti ko abot tainga hahaha. Like omeghed, kilala niya si Elijah and Azi. Waaah.

Me: Whut? You know them?
Stranger: Yep. Not that really fanboying, but I admire all of her stories, so I'm nearly into that. Haha

Natagalan ako sa pag-iisip kung ano ba pwedeng sabihin, pero bigla ulit siyang nagchat.

Stranger: Are you fine with dirty talk, s*x talk?
Me: Lah? Dirty talk? Si Azi lang may hilig diyan. 'Di ka naman si Elijah eh. Si Azi ka haha.
Stranger: Nope. Ako nga si Elijah not Azi. So ano nga? Game ka? May experience ka na ba?
Me: Lah? Wala. Ikaw? Ilan na?
Stranger: 4
Me: Wow. Proud. Si Azi ka nga.
Stranger: How many times do I need to repeat that I'm Elijah. Not Azi.

Napapatawa na lang ako kasi pilit niyang pinagpipilitan na siya si Elijah kahit na ugaling Azi kasi mukhang tigang at, you know.

So ayun. The chat must go on hanggang sa nagpalitan na kami ng ig account. 'Yung peslak niya, Azi'ng Azi. Ngiting pervert haha.

Months passed by, November, nagpalitan na kami ng fb acc then nalaman niya na magkalapit lang kami ng place kung sa'n kami nakatira, we decided na mag-meet. There's nothing wrong about it. Hindi na lang siguro ako sasama kapag niyaya niya ako sa apartment niya hahaha.

January, nag-meet kami. Kahit sa personal sige pa rin ang push niya na siya si Elijah kasi willing daw siya i-break lahat ng rules para sa babaeng mahal niya. Daming keme 'di ba? At kung ano siya sa chat, gano'n siya sa personal. Mahangin at pervert. Unang pagkikita pa lang namin sinabihan kaagad ako na wala akong boobs pero bawi naman daw sa pwet. Kaloka 'di ba?

After no'n, napapadalas na ang chats namin at meet ups pero never niya akong niyaya gawin ""iyon"" dahil nirerespeto niya daw ako tulad ng pagrespeto ni Elijah kay Klare. Lakas 'di ba?

Valentines day. May dumating na j.co donut sa bahay at may sulat ng pentel sa harapan ng box na ""Klare/ *my name*"" inopen ko at may yellow sticky notes kaagad doon. Maraming sticky notes ang pinagdugtong-dugtong para makabuo ng isang letter(sulat). Daming alam. Haha. So obviuosly bukas na kasi nakapaglagay na ng note sa loob at may kagat ang isang donut. Dugyot hahaha.

So ito na nga ang laman ng note niya. ""To my real life Klare Desteen Ty, paano ko nasabing real life? Syempe wala kang boobs like Klare at may Elijah ka na. And ako 'yun, kaya sana tama na ang pagpipilitan na ako si Azi. Okay lang na wala kang boobs you know. Bawi ka naman sa p*ssy. Eat me, este this donuts, kagatan mo 'yung kinagatan ko, sinadya ko 'yun. Have a nice valentines! I love you, my real life Klare. -Your Elijah Riley not your Azi :)""

After no'ng mga pangyayaring iyon, napapadalas ang pagkikita namin ni "Azi" at nadala ko na rin siya sa bahay (walang nangyari okay?) Haha. Kilala na siya nila Mom and Dad. Nakapunta na din ako sa apartment niya. Lalaking lalaki, daming kalat hahaha. So ayun na nga, nanligaw siya sakin. 'Di marunong manligaw hahaha. Di daw siya sanay kasi siya daw ang nililigawan at nilalapitan.

Hanggang ngayon pinapanindigan ko pa rin na siya si Azi kasi pervert siya at hanggang ngayon, 'di ko pa siya sinasagot. Natatakot kasi ako na matulad ako sa 4girls na nakuhanan niya na. Nag-away nga pala kami dahil sa topic na 'yan but he never stops courting me. Pinagalitan ko kasi at sinabing ayaw ko sakaniya at ayaw kong matulad sa mga babaeng ginawa niya lang past time. Kaya ngayon hindi ko pa siya sinasagot, gusto ko kasi malaman kung hanggang saan siya aabot. Kung talagang ""iyon"" lang din ba ang habol niya sa akin.

Thank you for reading it. Huhu.

Ps. I wanna give picture doon sa sticky notes but nandito ako sa work. Pero kabisado ko naman 'yung nakalagay haha
Pps. Azi bias ako. I hate Azi now. ('Coz of Ate Jonaxx' tweet. Hehe)"

-Doughnut

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon