My Noah

701 11 1
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
My Noah

"Hi everyone. Im a Jsl since 2014. Lahat ng stories ni queen ay iniyakan ko and guess what? Iniyakan ko ng sobra ang worthless dahil naalala kita Noah.

Maraming babae ang nagsasabing ang unfair ko raw, bat di ko daw pinapansin ang mga patpatin na basketball player sa school natin, simple lang. Dahil ikaw ang gusto ko. Ikaw ang pipiliin ko pero bakit?

I have this classmate, I'll just name him Noah. Like Noah ay music lover ka rin. Marunong kang mag-gitara pero hinde ko pa naririnig ang boses mo. Palagi mong inaaway ang nanghahawak lang sa gitara mo. Palagi mong sinasabi sa kanila na huwag hawakan ang di sainyo.

Katulad kay Noah ay sobrang cold mo. Lahat ng babae ay napapatili na sa isang strum palang ng gitara mo. Una tayong nagkita dahil nagtransfer ako sa school na pinagaaralan ng kakambal ko. Aaminin ko na ang spoiled ko. Una wala ka lang sa akin dahil sobrang payat mo at ang tangkad. Para kang kawayan eh. Pero as the months passed napapansin kong nagkakalaman kana. Improvement!

Nang dahil sa kambal ko na kabarkada mo kaya tayo naging close. Sabi ni J (which is the first letter of my twinnie) na ayaw mo daw na lumalapit ako sa grupo niyo. But I dont care. Ikaw ba ang pinupuntahan ko hah! Hinde naman diba!

Nagkikita tayo dahil may mga jammings kayo sa house namin. Kahit ayaw ko sa music ay natutunan ko iyon mahalin dahil sayo. Hinde ko alam kung kailan pero nalaman ko na lang na gusto na kita. Yung tipo bang ikaw ang nagpapakulay sa banda niyo. Ang galing galing mo pero cold ka padin.

Naging third year tayo nung naging touchy kana sakin. Nakakapagtataka lang dahil you arent fond of me before. Sabi mo pa nga na ang conyo ko. Palaro na yung time na 'yon at magpeperform kayo nung bigla mo ako hinila sa likod ng building natin.

Sabi mo sa akin noon na ""I was never this touchy Megan. I can give you everything."" Napatawa pa nga ako non dahil 15 pa lang ako pero may pa ganyan kana. Ang bata pa natin pero akala ko kasi hinde pa tama.

Inamin mo na gusto mo ako at hinde ko alam kung maganda bang aaminin ko na gusto rin kita. Nagpakipot pa ako ng konti eh.

Everyday you spoiled with flowers, chocolates. Lahat sila ay nagtataka na bakit parang palaging valentines dahil palagi kang nagbibigay ng chocolates. Alam na ni J na you like me.

One day pumunta ka sa bahay at si Daddy ang bumukas ng gate para sayo. Akala ni Daddy may jamming lang kayo nila J pero sinabi mong gusto mo akong ligawan na agad inalmahan ng parents ko.

""Hinde mabuti si Noah para sayo Megan! Walang pangarap sa buhay ang lalakeng iyon kundi ang pagtutugtog! Hinde ako payag sa kanya! Bumalik ka na lang sa China dahil doon mo makikita ang para sayo!"" Palagi nalang nagaalburoto si daddy.

Umiyak ako ng umiyak dahil alam kong tama sila. Hinde ka pwede sa akin Noah. You are just a dreamless man. Musika lang ang alam mo! Hinde kagaya sa ate mo na nagmamahala ng negosyo niyo!

Hinde ko alam kung paano kita pagtutulakan palayo. Tinanong ko si J kung paano pero sabi niya ay ibigay kita kay Coreen na kaklase kong patay na patay sayo.

I did what J told me to. Pinagtulakan kita palayo. Binigay kita sa iba. Akala mo ang dali para sa akin pero hinde. Ang sakit na makita ko na lang na hinde na ako ang binibigyan mo ng bulaklak. Maganda naman si Coreen may pagka IU ang itsura niya. Bagay nga kayo. Malamig ka at Hot siya.

Akala ko ang dali para sa akin. Kung kailan kita binigay sa iba saka ko pa narealize na mahal na pala kita. Ang sakit Noah.

Fourth year nagtransfer na ako sa China at ganon rin si J. On the social media ay kalat na kayo na. Wala ako nagawa kundi pagsisihan ang sarili ko dahil binigay kita sa iba akala ko ang dali para sa akin? Hinde no! Ang sakit kaya. To tell you Noah mas nasasaktan ang nangiiwan kaysa sa iniwan dahil they might regret everything and look! I regret and I suffered too! Mas worst ang sa akin!

3 years later at umuwi na ako. Not for good. Sabi kasi ni Daddy na I can love you now and he will support me. Masaya ako.

But unlike Noah minahal mo ng sobra si Coreen at kinalimutan mo na ako. Nagkita tayo sa school dahil sabi ni J ay nandon ka daw at gusto mo akong kausapin. Akala ko makikipagbalikan ka. Magmamakawa ako na sasagutin na kita. Because I really love you until now. Kaso iba eh. Ang sakit nung sinabi mo sa akin nung last february 13.

""Megan, I just want to tell you that Im already over at you. Ayoko kaseng isipin ni Coreen na ikaw parin which isnt. Sana masaya kana ngayon. Salamat dahil tinulak mo ako palayo sayo at nandito si Coreen na mamahalin ako ng totoo. Salamat dahil binigay mo ako kay Coreen na mahal na mahal ko..""

Ang sakit. Kasalanan ko naman Noah eh. I didnt fight for you because I thought its still early. I thought you'll wait. Akala ko magiging katulad ka kay Noah na hihintayin ako pero hinde. You are already contented with her and Im here still lack by your love... You will be always my king eventhough Im not your queen. Bye Noah.."

- Megan Lim

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon