It's Still you

365 10 0
                                    

Queen J and Real Life Jonaxx Couple
Affirmation/Appreciation
It's Still You

"This letter is about my story with him and for you, Queen.
I was 24 that time nang makita kita Queen. Hindi ko pa alam nun na sikat kang author tapos na i kwento ko sayo yung about samin ng bf ko. Kakatapos ko lang yata mag apply nun that time tapos nung nasa mall nako para makipag meet sa friend ko, nakita kita kasama niya. Hindi ka mahirap pakisamahan kasi mabait ka tapos kwela pa. Sa loob lang ng ilang oras ang dami na nating napag usapan, kasama na dun yung nangyari samin ng bf ko.

Nasabi ko sayo na gusto kong maging isang writer dahil gusto ko isulat ang story namin pero hindi ako magaling sa paggawa nun. Sinabi ko sayo kung paano kami nagkakilala. Katropa siya ng pinsan ko at halos 3 buwan din siyang nanligaw sakin. sinagot ko siya saktong birthday niya. Nung una natatakot pa talaga ako, dahil baka lokohin lang niya ako katulad ng mga nababasa ko sa e book and wattpad (yeah..nagbabasa pa din ako kahit malaki na ko haha) pero sinunod ko pa din yung gusto kong makasama siya. Nawala lahat ng takot ko dahil kahit kami na, hindi nabawasan ang sayang nararamdaman namin.

Umabot kami ng 4 years at 11 months. Engage na din kami ng mag 4 years anniv kami. 2 days na lang before our 5 years anniv ng mangyari ang sana ay panaginip na lang.
One night, I was craving for ice cream and balot (hindi ako buntis..ganun talaga ako pag meron..haha) so I called my bf and asked him to buy me some and because he is a loving fiance- he bought me some. While driving papunta sa bahay namin, i didnt know that he already met his fate. Sinalubong ang sinasakyan niya ng isa pang kotse and like what everyone says-everything became history.

5 years na ang nakakalipas but im still messed up. hanggang ngayon ramdam ko pa din yung sakit. parang kahapon lang, sinasamahan mo ko sa book store para bumili ng mga libro na gusto ko, parang kaylan lang magkatawagan pa tayo at hinihintay na makatulog ang isa bago i end ang call, parang kaylan lang inaasar mo pa ko, parang kaylan lang nagseselos ka pa dahil parang mas mahal ko ang mga libro kesa sayo, parang kaylan lang ikaw ang clown ko at parang kaylan lang, tumatawag ka sakin para lang sabihin kung gano mo ko kamahal.

Im still holding to your memories, to our memories together. I was so inlove with you and you are too. Our friends always said that we are meant for each other. Naalala ko pa yung ginawa mong kwento. It is our story pero sa kwentong yun, masaya pa tayo. Ramdam pa dun kung gaano natin kamahal ang isat isa. Kaya lang hindi talaga pinalad. Hanggang ngayon binabasa ko pa din yung gawa mo. Hindi siya tapos pero mas gusto ko na yun kesa masama pa ang malulungkot na parte kung saan wala ka na sa storya.

And for you, Queen, thank you sa pagsusulat sa aming story. hindi man kagaya ng totoong nangyari, thankful pa din ako dahil ginamit mo ang pangalan namin at ang mga magagandang pangyayari na nangyari samin. Tragic ang story namin pero ginawa niyong happy ending. Salamat. Salamat kasi kahit sa story man lang, naging totoo ang happy ending namin, naging totoo ang mga dating pinapangarap namin at naging totoo ang kasal na pinapangarap namin.

Tanging ginusto ko lang ay maisulat ang story namin, naging isa ako sa mga tagahanga mo, hindi dahil sa sinulat mo yung kwento namin. Naging isa ako sa mga taga hanga mo dahil sa galing mong sumulat ng kwento. Salamat sa lahat. Deserve mo ang mga bagay na meron ka ngayon. Deserve mong maging isang sikat na author ng wattpad. Deserve mong magkaroon ng fandom na halos sakupin ang buong mall makalapit lang sayo. Deserve mo ang korona na nakakabit na sa pangalan mo.

Thank you Ms. A for making my love immortalized by writing our story and for you hubby, I love you."

-TR

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon