Bakit ba Ikaw?

152 32 3
                                    

"Happy Valentines Day class!" Bati ko sa mga estudyante ko pagkapasok ko sa room. I'm a teacher obviously, nagtuturo ako sa fourth year level ng high school.

"Happy Valentines Day Sir!" I was surprised when they gave me flowers and chocolates at may mga letters pa.

"Thank you guys. I really appreciate it, thank you." Nginitian ko naman silang lahat. "Pero, I will still have my class. Di nyo ako madadaan sa flowers, chocolates and letters." Actually, kahit naman di nila ko bigyan e wala talaga akong planong mag klase. Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon nilang lahat, hahaha! At di ako nagkamali, sumimangot agad ang mga mukha nila.

"Valentines naman Sir e." Sabi ng isa kong estudyanteng lalake.

"Sige na Sir, please?" Sabay-sabay na pagmamakaawa ng buong klase, hahaha!

"Okay-okay, I was just joking. Gusto ko lang makitang nakasimangot kayo, hahaha!" Ngayon naman ay ang lalapad na ng mga ngiti nila, automatic e. "Pero, magkakaroon tayo ng sharing. I mean since its Valentines Day, why don't we share our own love stories or heart breaks. Game?" At ulit, sabay-sabay silang sumagot ng "Yes Sir!" hahaha!

"Okay then, who wants to go first?" Nakangiti kong tanong sa kanila. "Walang may gusto?" Wala kaseng nagvo-volunteer, kanya-kanyang iwas ng tingin ang mga estudyante ko. "Ako na lang ang tatawag, let's start with--" Nilibot ko muna ang tingin ko sa paligid. "You, Abby." Tawag ko sa kanya habang nakangiti.

"Ako talaga Sir?" Turo nito sa sarili.

"May iba pa bang Abby dito bukod sayo?" Sarkastiko kong tanong, napakamot naman sya sa ulo niya. "Wala, diba? Sige na Abby, ngayon lang naman 'to."

"Abby, abby, abby!" Cheer sa kanya ng buong klase.

"Come on Abby." Tawag ko rito habang nakangiti pa rin. "Don't be shy." Arte nitong babaeng to, joke hahahaha!

"Sige na nga Sir." Pumayag na sya at nagsimula ng maglakad papunta sa harapan. Tumingin muna siya saken kaya't tinanguan ko ito at nginitian, sign na pwede na siyang magsimula.

"Go Abby!" Sigaw ng mga kaklase niya.

"Okay class, quiet na. Let's all listen to Abby." Itinabi ko ng konti ang table ko, sumandal naman ako rito ng bahagya  at nag cross-arms pagkatapos. "You can start now."

"Okay, so guys may boyfriend ako ngayon and actually wala kaming problema. Masaya naman ang relasyon namin, may away paminsan-minsan pero di naman namin pinatatagal pa. Pinag-uusapan agad namin para maayos and that's all thank you." Nag bow agad siya sabay takbo pabalik sa upuan niya.

"Wow, that was quick haha!" Sabi ko, sa mabilis e haha! "Okay, who wants to go next?" Tanong ko.

"Sir, si Bryan daw!" Sigaw ng isa kong estudyanteng lalake habang nakaturo sa katabi niya.

"Okay, let's hear it from you John." Tawag ko sa tumuturo kay Bryan. Natawa naman ang buong klase sa ginawa ko haha!

"Sir naman." Sabi nito.

"Come on, turo ka ng turo e. Magka-klase ako pag di ka pumunta rito sa harapan." Pananakot ko sa kanya. Agad naman siyang binuhat ng mga kaklase niyang lalake at dinala sa harapan. "Good job boys."

"Hoy mga traydor kayo!" Sigaw niya pero pinagtawanan lang siya ng mga kaklase niya. "Mga loko to." Sabay kamot niya sa batok haha!

"Go John." Utos ko sa kanya.

"Sige na nga. So, eto guys ha? Nagka-girlfriend ako pero wala na kami ngayon. Alam nyo kung bakit?" Tanong niya pero walang sumagot. "Itanong niyo naman kung bakit." Hahaha laugh trip tong batang to! Tawang-tawa kaming lahat sa kanya.

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon