"Dito na lang ako Lance, salamat sa paghatid." Paalam ko kay Lance ng medyo malapit na kami sa bahay. Nag-insist kase siya na ihatid ako para daw safe.
"Anong dito? Eh ang layo pa nga natin sa inyo, halika na." Hinila niya naman na ko papasok sa gate namin hanggang sa harapan ng pinto sabay katok niya.
"Huy, ano bang trip mo ha? Okay na ko dito." May sasabihin pa sana ako kaso naputol dahil biglang bumukas ang pintuan.
"Oh anak? Nandyan ka na pala-- oh si Lance ka, diba?"
"Opo ma'am, magandang umaga po." Halos masuka ako sa itsura ni Lance dahil nakangiti ito habang binabati si mama 😂 Di naman sa ano pero nakakapanibago kase e.
"Tuloy ka, pasok kayo." Alok ni mama, nauna pa nga sa pagpasok saken si Lance e. Akala mo siya may-ari ng bahay. "Sandali lang hijo ha at ipaghahanda ko lang kayo ng makakain." Ngumiti na lang si Lance kay mama bilang pagsang-ayon.
"Oy Lance, di ka pa ba uuwi ha?" Bulong ko sa kanya.
"Pinapauwi mo na ko?"
"Hindi naman pero ano lang kase, nakakapanibago ka kase. Tumatayo balahibo ko sa inaasal mo ngayon lalake ka." Sabi ko sa kanya, sa ganun ang nararamdaman ko e.
"Wala namang bago saken ah. From the time we met up until now, ganun pa rin ako. Isa pa, masama bang bisitahin ko paminsan-minsan ang mga in-laws ko?" 😏 Halos lumuwa ang mga mata ko sa mga narinig ko. Oh Diyos ko, alisin niyo po ang masamang espiritung nasa katawan ng lalakeng kasama ko.
"A-- ano bang pinagsasa-sabi mo ha? Nababaliw ka na ba?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. Bigla namang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya ng sabihin ko yun.
"Oh hijo? Nandiyan ka pala? Kumain na ba kayo ha?" Masayang tanong ni papa habang bumababa ito.
"Eto nga't ipinaghanda ko sila ng makakain nila dahil alam kong gutom ang mga batang iyan." Si mama na ang sumagot para sa amin ng saktong lumabas ito mula sa kusina. "Hali na kayo't sabay-sabay na tayong kumain." Nakangiti niyang yaya sa amin. Sabay kaming tumayo ni Lance pero ng naglakad na ko papunta sa hapag ay naiwan lang itong nakatayo pa rin.
"May problema ba Lance?" Tanong ko sa kanya.
"Ma'am, Sir. May gusto po sana akong sabihin at ipagpaalam sa inyo." Napaka-seryoso ng mukha niya, ano na naman kayang nasa isip nito? 😑
"Teka, ano ba yun hijo ha?" Tanong ni mama sa kanya.
"Payagan niyo po sana akong ligawan ang anak niyo."
* *
Natahimik ang buong bahay matapos sabihin ni Lance ang mga salitang yun. Maging ako man ay nagulat, di ko kase inaasahang gagawin ni Lance yun. Siraulo talaga tong lalakeng to, hirap ispelengin.
"Ta-- tama ba ang dinig ko? Gusto mong ligawan ang anak namin?" Tanong ni papa sa kanya.
"Yes sir." Diretsong sagot niya.
"Maupo nga muna tayo't para makapag-usap tayo ng mas maayos. Hali ka na dito hijo't baka lumamig pa ang pagkain." Yaya sa kanya ni mama. Habang nakaupo kaming apat ay di ko maiwasang kabahan. Ito kase ang unang pagkakataon na may nagpaalam kina mama na liligawan ako.
"Sigurado ka ba sa desisyon mong 'yan hijo?" Basag ni papa sa katahimikan. "Baka naman saktan mo lang ang anak ko't iwan mo sa bandang huli." Si papa na dating masayahin, ngayon parang mandirigma na handang sumabak sa gera 😣
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Cerita PendekMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?
