Chapter Ten: Friends?

56 29 0
                                        

"Congratulations to all of you here. Welcome to Quantum."

*insert clapping sound*

"Let's all now proceed to the board room for your job offer, follow me." Ang gandang babae nito. Ang kaso lang e di ko masyadong type yung pala-english though alam ko naman na sa BPO industry e normal lang ang mag ingles. "Have a sit guys. I'll be back in a minute."

Lumabas muna yung babae at iniwan kami sandali.

"Hi. First time mo?" Tanong nung babaeng katabi ko. Tumango naman ako bilang sagot. "Ako nga pala si Miracle, first time ko rin." Sabay abot niya ng kamay niya saken.

"Lance." Nakipagshake-hands lang ako at di ko na siya pinansin pagkatapos. Maya-maya naman ay dumating na yung babae. May dinistribute siya sa amin na makapal na papel. Basahin daw namin tapos may binigay din siyang guide para malaman namin kung anong susulatan namin at kung saan kami pipirma.

"Ang kapal." Bulong ko sa sarili ko. Sinimulan ko naman ng basahin kung ano mang nakasulat dito. Siguro kulang-kulang isang oras din ang ginugol ko bago ko natapos ang pagfill-up at pag pirma sa lahat ng 'to. "Natapos din."

"Ang dami nu?" Medyo nagulat naman ako ng biglang nagsalita ulit itong katabi ko. "Hehe."

"Yeah." Yun lang ang sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana tong katabi ko pero di na natuloy dahil nagsimula na ring magsalita yung babaeng inglesera. I-eexplain na daw niya at isha-share lahat ng dapat naming kailangan malaman tungkol sa Quantum.

"Ang tagal naman niyang matapos. Nagugutom na ko." Rinig kong sabi ng katabi ko. "Hays."

Di nagtagal ay natapos na siya. Mga dalawang oras din siyang nagsalita at mukhang di naman siya napagod. Pwede na raw kaming umuwi at ite-text na lang daw kami kung kailan kami magsisimula. Requirements na lang ang kailangan kong asikasuhin ngayon.

Lumabas na ko ng building at dahil medyo maaga pa naman at di pa nagdidilim ay naisipan kong pumunta muna ng mall. May malapit naman na mall dito, tatambay muna ako sandali at kakain na rin.

Ng makarating ako ay agad akong pumasok sa isang fastfood chain. Umorder lang ako ng pizza at lasagna at habang wala pa ang order ko ay nag sight seeing muna ako mula rito sa kinauupuan ko.

"Here's your order sir." Nag thank you naman ako at kakain na sana ng may biglang nagsalita sa gilid ko at pamilyar ang boses na yun.

"Uy Lance! Nandito ka rin pala? What a coincidence?" Yung babaeng katabi ko kanina. Di ko na siya pinansin at nagsimula na kong kumain pero ang kulit ng babaeng to. "Ba't di ka namamansin? Huy! Hehe." Naupo pa talaga siya sa harapan ko.

"Can't you see that I'm eating? Tss." Masungit kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang nag-pout at ngumiti pagkatapos. "What?" Parang nakakaloko e.

"To naman masyadong seryoso. Gusto ko lang makipag-kaibigan, yun lang naman. Di ba pwede?" Sabi nito habang nakangiti pa rin. Di ko na siya sinagot pa't tumayo na ko. Nawalan na ko ng gana.

Nasa labas na ko ng fastfood chain ng maramdaman kong may sumusunod saken. Hays, alam kong siya na naman tong sumusunod saken.

"Can you please stop?" Sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako sabay peace sign. "Tss." Ano bang problema nitong babaeng to?

"Nakikipag-friends lang naman e. Wala ka din namang choice dahil soon enough e lagi mo na kong makikita dahil sa iisang company lang tayo magwo-work." Parang baliw tong babaeng to. Kanina pa ngiti ng ngiti.

"You're right but do you think I care about that? Get lost before I lose my cool." Di ko na hinintay pa ang sagot niya't naglakad na ko palayo sa kanya. Ayoko ng kinukulit ako dahil madali akong mainis.


Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon