Epilogue

51 3 0
                                    

"Lance Requiem."

"Sir?" May dalaw na naman siguro ako, sila ate talaga oo. Sinabihan ko na silang okay lang kahit weekends sila dumalaw.

"Magbalot-balot ka na bata, laya ka na." Se-- seryoso?

"Ta-- talaga po Sir?" Di ako makapaniwala, ang buong akala ko talaga e di na tuloy ang pardon ko.

"Oo, mag impake ka na at ng maka-uwi ka na." Gaya ng sabi niya, nag simula na kong mag-impake at habang nag-iimpake ako ay nagpapaalaman kami ng mga kasama ko sa selda.

"Wag ka ng babalik dito kosa ha? Magtino ka na." Sarkastikong sabi saken ng isa sa mga kasamahan ko. Matapos kong magpaalam sa kanila ay lumabas na ko. Sa paglabas ko ay naghihintay sila Skye at Heaven, di nila kasama si ate. Maging si Aspen ay wala rin.

"Woah! Ang angas ng dating mo tol ah? Haba ng hair! May balbas pa, ano yan? James Harden? Hahaha!" Malokong bati saken ni Skye.

"Loko." Sabay bato ko ng bag ko sa kanya. "Ganyan talaga pag nagbabago, pati itsura guma-gwapo."

"Baka may nakakalimutan ka Lance?" Singit ni Heaven sa amin.

"Di ako nakakalimot, salamat sa'yo. Di na masama ang mahigit dalawang taon sa loob." Oo, tumagal din ako sa loob. "Nga pala, si Aspen?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa at nagtulakan pa. "May problema ba?" Dagdag tanong ko.

"Ikaw na magsabi babes." Tulak ni Skye kay Heaven. "Sige na!" Pilit nito.

"Anong ako? Ikaw na magsabi ah!"

"Teka nga, ano ba kase talagang problema ha? Bakit nagtutulakan pa kayo?" Pati ako naguguluhan sa dalawang to.

"Ikaw na kase magsabi e! Babalian kita kapag di mo sinabi!" Banta ni Heaven sa kanya.

"Oo na, oo na!" Bago tumingin saken si Skye ay huminga muna ito ng malalim. "Ano kase tol, si Aspen nasa ospital."

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Alala kong tanong. Syempre mag-aalala ako, kaibigan ko yun e.

"Ikwe-kwento namin sa'yo tol habang nasa byahe tayo, tara na." Napag-desisyunan naming puntahan si Aspen sa ospital kung saan ito naka-confine. May brain tumor daw si Aspen at mabilis ang naging pagkalat nito. Late na rin daw ng malaman nila na may cancer ito sa utak kaya ng madiagnose ito ay nasa stage 4 na. Nag undergo pa rin daw ito ng chemotheraphy pero tila mas lalo itong nanghina.

Di naglaon ay narating din namin ang ospital kung saan naroon si Aspen. Di ko alam kung anong una kong sasabihin sa kanya pag nagkita kami.

Ng marating namin ang kwarto nito ay nagkatinginan pa kaming tatlo bago binuksan ni Skye ang pintuan.

"Oh kayo pala?." Boses ng mama ni Aspen yun, nasa labas pa rin kase ako. "Pasok kayo." Di ko alam kung papasok ba ako o ano e.

"Halika na, matagal ka ng hinihintay ni Aspen." Hinila naman ako ni Heaven papasok ng kwarto at dun ko nakita ang kalagayan ni Aspen. Ibang-iba na ang itsura nito ngayon. Lumapit ako sa kama nito't mas nasilayan ko ang anyo niya.

"Sino siya?" Turo saken ng mama ni Aspen, nandito rin pala ang papa niya.

"Ako ho ito, si Lance. Kakalaya ko lang po." Magalang kong tugon sa katanungan niya.

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon