Chapter Three: Consequences

65 30 0
                                        

"As I was saying--"

KNOCK, KNOCK!

"Excuse me Mr. Requiem." May istorbo sa klase ko. "Sorry for interrupting but the principal has asked for you." Sabi na e.

"Okay. I'll be there." Umalis naman na agad yung istorbong assistant ng principal. "Behave while I'm gone, okay?"

"Sir. Tungkol po ba to dun sa nangyari kanina?" Tanong ni Keilla.

"Probably." Kita ko naman na nag-aalala silang lahat. "Wag kayong mag-alala, I'll take care of it." Sabi ko sa kanila sabay ngiti para mabawasan ang pag-alala nila kung nag-aalala man sila. "I'll be back, behave."

Di ko rin maalis na mag-alala, di sa sarili ko kundi sa mga estudyante ko. Baka mamaya e mapalitan ako ng teacher na walang pagmamahal. Di rin nagtagal ay narating ko rin ang principal's office. Kumatok muna ko ng tatlong ulit bago pumasok.

"Good morning Ma'am." Bati ko sa matandang nasa harapan ko.

"Good morning. Have a sit." Naupo naman ako sa isa sa mga bangko na nasa harapan ng lamesa niya. "How may I help you?"

"You probably knew why I asked for you, am I right?" Panimula niya.

"Yes." Bumuntong-hininga naman ang principal tanda ng pinipigilan niya ang galit o ano mang nararamdaman niya.

"I am so disappointed in you Lance." Wala na kong nagawa kundi yumuko na lang. Tama naman siya, di gawain ng teacher yung ginawa ko. "Teacher ka, you should have known better. Now, what? Alam mo bang pwede kang mawalan ng trabaho dahil sa ginawa mo at what's worst, they can file a case against you."

"I know Ma'am but I was just trying to protect my students--"

"But you did it the wrong way! Goddamn it! Alam mo ba kung anong sabi nila? Their parents want you out of this school and have you blacklisted in all other schools. Do you know what that means? Sinayang mo lang ang pinag-aralan at pinaghirapan mo ng matagal. And for what? For such a petty reason?" Nakayuko lang ako habang nagsasalita siya but this time, since mawawalan din naman ako ng trabaho e sasabihin ko na kung anong gusto ko.

"Ma'am." Tumayo ako at humarap sa kanya. "With all your due respect, di ko po ginawa yun dahil wala lang. I did that 'cause I don't wanna see my family getting hurt. Kung ginusto ko lang e di lang yun ang inabot nila saken. You know what, it's very easy to judge people and their doings kahit alam nila na wala naman sila dun sa pangyayari. Judgemental people tend to rely on second hand informations. They are family to me, they are important to me and they are a part of me. If protecting them means losing my job, then so be it." Naglakad na ko palayo pero bago ako lumabas ay nilingon ko muna si tanda. "How 'bout you? Do you still have someone to protect? If you have then I'm sure you'll get my point, excuse me." At sa paglabas ko, di ko inaasahan na makikita ko sila.

"Sir." They're all here. "Iiwan mo na kami?" Di ko alam kung anong dapat sabihin sa kanila. Bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan, ayokong nalulungkot sila but there are things na di natin maiiwasan.

"Julie." Nginitian ko siya at pati na rin lahat ng estudyante ko. "This will be--" Shit! My voice cracked. "Napuwing pa ata ako ah haha." I saw them cry one by one, kahit yung mga lalake na matitigas e naiiyak na di lang nila pinapahalata. "Julie, this will be my last task for you so listen." Tumatango-tango naman ito habang nagpupunas ng luha. "Take care of your classmates, okay? At kayo rin." Sabay tingin ko sa kanila. "Walang mag-aaway at lagi kayong magtutulungan. If you need me, just let me know." At ngumiti uli ako sa kanila to show na I'm okay kahit na hindi naman talaga. "Oh sige, aayusin ko lang mga gamit ko ha? Bumalik na kayo sa classroom, I'll meet you there pagtapos."

Dumiretso na'ko sa faculty room at pagpasok ko pa lang e tinginan na agad lahat ng mga co-teachers ko saken. Mga tingin na mapanghusga 😂 Akala talaga nakapatay ako e hahaha! Sige idaan mo lang sa tawa Lance. Agad akong dumiretso sa table ko at inayos ang mga gamit ko. Mas mabuti na rin na unahan ko na sila, matapos kong mag-ayos ay tumingin ako sa kanila at ngumiti.

"Di ako nakapatay mga Ma'am and Sir haha!" Pero ang sumunod na nangyari ang di ko inaasahan.

"Lance naman kase e! Di mo na dapat pinatulan." Bigla akong niyakap ni Ms. Sonya habang umiiyak.

"Di kami against sa'yo Lance. Alam naman naming di mo gagawin yun ng walang sapat na dahilan." Sabi naman ni Mr. Reyes sabay tapik sa balikat ko.

"Di rin kami sang-ayon sa naging desisyon ng board. Naging one-sided sila, di man lang kayo pinagharap." Tama sila. Di kami pinagharap pero wala na kong pakialam dun.

"Hayaan mo na sila. Ganyan talaga pag malalaking tae este tao, mahirap patulan hahaha!" Pinipilit kong tumawa pero sila naman itong parang pinagbagsakan ng langit at lupa. "Ngiti-ngiti naman dyan, para namang kayo ang nawalan ng trabaho e hahaha!" Maya-maya lang e nakaramdam ako ng mainit na yakap at tapik mula sa kanila.

"Take care of yourself, okay? Kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang kami." At sa huling pagkakataon, nagyakapan kaming lahat bago ako tuluyang lumisan.

* * *

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon