Chapter Fourteen: Four Way Deadlock

56 19 0
                                    

Ang bilis talaga ng araw. Akalain mong isang oras na lang e sabado na, yung araw na ayokong dumating e palapit na 😏

"Huy Lance! Are you excited?" 😁 Ang lapad ng ngiti nitong babaeng to. Di ko na siya pinansin at itinuon ko na lang sa monitor ang atensyon ko. Mabuti na lang at hindi queing ngayon kaya nakaka-relax ako kahit papaano. "Huy! To naman, birthday na birthday ko pero sinusungitan mo pa rin ako."

"Masyado kang excited, may isang oras pa bago ang birthday mo kaya manahimik ka muna dyan." Isang oras na lang din bago dumating ang araw na dating importante saken at imbes na makinig e nag make face pa sya. "Ewan ko sa'yo."

"Sungit." Yan na lang ang huli kong narinig mula sa kanya. Ng lingunin ko siya ay nakita kong kausap niya yung taga kabilang team, di ko kilala pero lalake.

"Tss." Ayokong tawagin siya pero may alam akong paraan para makuha ang atensyon niya. Dahan-dahan akong lumapit sa station niya, ini-loudspeak ang phone at tsaka ko tinawagan mula sa station ko.

Ng magsimula itong mag ring ay nataranta si Miracle 😂 at ng naideliver niya ang opening spiel ay in-end ko na ang call 😂 Tawang-tawa ako sa expression niya pero nagpipigil lang ako para di niya mahalata na pakana ko yun.

"Ano kayang nangyari?" Rinig kong tanong niya sa sarili. "Huy Lance, ba't biglang nag ring to?" Tanong niya saken.

"Ba't ako'ng tinatanong mo? Ba't di ka dun magtanong sa kausap mo kanina?" Takte! Bakit ko sinabi yun? 😑 Imbes na magtaka siya e lumapad pa tuloy ang ngiti niya.

"Uuuuyyy! Ikaw ha?" Asar niya habang tinutusok-tusok ako sa tagiliran. "Selos ka no?"

"The f*ck? Ang feeling mo din e no?" Bakit ko ba kase sinabi yun? Kung anu-ano tuloy pumapasok sa isip nitong babaeng to.

"Sus. Kunyari ka pa e 😂 Aminin mo na lang kaseng inlove ka na saken kaya nagseselos ka." Bilib talaga ako sa confidence ng babaeng to 😏 Sasagot pa sana ako kaso biglang may pumasok na call. Buti na lang, mas pipiliin ko pang makausap tong customer kaysa sa kanya 😂

Mabilis lang ang naging call ko, di pa nga ata umabot ng sampung minuto e. Nasa kalagitnaan din ng tawag si Miracle kaya walang nangungulit saken ngayon. Dahil sa wala akong ginagawa e tumayo muna ako at nag-inat ng konti.

Lumapit na muna ako sa station ni Miracle, actually magkatabi lang naman kami. May distansya lang ng mga isang metro. Pinapakinggan ko lang siya habang nakikipag-usap siya sa customer. Kalog tong babaeng to pero napaka-professional niyang magsalita kapag may customer na siyang kausap. Buti di niya nadadala kakengkoyan niya kapag may tawag siya.

"Hmm." Isang minuto na lang pala at araw niya na. Ilang taon na kaya tong manang na to? 😂

"Thank you for calling D&D. Again, this is Miracle. Have a nice day!" Ng matapos siya ay sakto ring nag 12am, meaning birthday niya na. "Oh? Nandyan ka pala. Miss mo ko no? 😂 Hahaha!" Baliw talaga to kahit kailan.

"Sira. Araw mo na, happy birthday." Ako lang ba o sadyang nag blush siya pagkatapos ko siyang batiin. "Ba't namumula ka? May sakit ka ba?" Hahawakan ko sana ang noo niya pero agad niyang pinigilan ang kamay ko.

"Wa- wala akong sakit ah. Ganyan talaga pag mestisa, bigla-bigla na lang namumula." Utal niyang sagot habang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Bitawan mo na ko. Nanyayansing ka na e." Asar ko sa kanya na mas lalong nagpa-pula ng mukha niya 😂

"Che!" Sabay talikod niya habang hawak-hawak ang mukha niya. Kunyari pa tong manang na to. Ayaw pang aminin na kinilig siya ng batiin ko 😏

Lumipas pa ang ilang oras at eto kami ngayon, nag-hihintay na lang na matapos ang shift namin. Mabuti na lang talaga at fix ang day off namin tuwing weekends. Ten pm hanggang seven am ang duty namin ni Miracle. Sa team namin ay kaming dalawa ang may parehas na schedule kaya siya lage ang kasabay ko tuwing break, wala akong choice e. Kahit papaano naman ay malapit kami sa iba pa naming ka-team, maging sa TL namin na napakabait. Ang kinaiinisan ko lang sa kanila ay lagi nilang pinipilit na mag-syota kami nitong manang na katabi ko 😑

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon