Chapter Nineteen: Realizations

33 5 0
                                        

"Ate, can I talk to you for a minute?" Tanong ko kay ate pagkabukas ko ng pinto ng opisina niya.

"Can't you see that I'm busy? Sa bahay na tayo mag-usap Allie." Di ako pupunta rito ng walang dahilan. I wanna get even with Lance, masyado na siyang maraming atraso saken. Oras na para bawian ko siya.

"One minute with your brother won't hurt you, right? And besides, I'm just gonna ask a small favor from you." Sagot ko sa kanya. Tinignan niya ko sandali sabay buntong-hininga.

"What is it? Don't take too much of my time, I have important things to do."

"Alright, I want you to fire one of your agents as soon as possible. His name's Lance Requiem, can you do that for me?" Tumaas naman ang kilay niya ng marinig niya ang sinabi ko.

"And why should I?" Seryoso niyang tanong saken. "Is this the guy who punched you because you cheated?"

"Enough. Just do it, okay? I want him out of Quantum." Ayoko ng maalala pa ang nangyari dati sa beach.

"Who are you to decide? This is my company young man and I get to decide what's good or not for it. You understand me? Now get out." Mas lalo akong nang-galaiti sa naging sagot ni ate. Di ko sukat akalain na di niya ko pagbibigyan.

"Napakaliit lang ng hinihiling ko sa'yo ate, bakit di mo pa ko mapagbigyan? At tsaka, sino ba ang lalakeng yan at parang ayaw mo siyang mawala ha?" Inis kong bulyaw sa kanya.

"This is business Allie, walang lugar sa mundong to ang taong katulad mo na ang babaw mag-isip. And who is he, you ask me? He's the best agent I ever had. He's on the top of the list and clearly, napakaganda at napaka-ayos ng record niya. So now tell me, for what reason am I going to fire him? For punching you? Don't make me laugh Allie. You deserved that punch, kasalanan mo rin naman kung bakit kaya if I were you lalaban ako ng patas kung gusto kong makabawi. Now get lost, I have important things to do." Di na ko nakasagot pa, lumabas na ko ng opisina niya't padabog kong isinara ang pinto.

Napaka-swerte talaga ng bwiset na lalakeng yun. May araw ka rin saken Lance, makakabawi rin ako sa lahat ng atraso mo saken. Maghintay ka lang 😠


* * *


Hays 😔 Ano ba tong nangyayari saken? Para akong lageng walang gana, di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Gulong-gulo na ko 😩

"Okay ka lang Ma'am?" Nagitla ako ng bahagya ng may biglang magsalita malapit saken.

"Ikaw lang pala Julie, akala ko kung sino. Oo okay lang ako, ba't mo natanong?" Pinipilit kong ngumiti pero di ko magawa ng maayos.

"Kanina ko pa po kase napapansin na tila may iniisip kayo e. Kung may maitutulong po ko, wag ho kayong mahiyang magsabi saken ma'am." Sabi niya saken sabay ngiti. Naaalala ko tuloy sa kanya si Lance, ganyang-ganyan din si Lance. Isang tingin niya lang saken, alam niya na kung may problema ako o wala.

"Salamat Julie, di mo rin kase maiintindihan kase bata ka pa e." Sagot ko sa kanya.

"Try me ma'am. Wala naman hong mawawala, diba?" Nakangiti pa rin siya habang sinasabi iyon saken. "Alam niyo ma'am, may naaalala po ako sa inyo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Sino naman?"

"Si Sir Lance po. Ganyan din po kase ang itsura niya nung nag share siya tungkol sa heart break niya. Kung di ako nagkakamali, broken hearted ka rin ma'am no?" Wasak 😵

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon