Chapter Seven: Heartbreak

61 29 0
                                    

Sa apat na taon na nagtuturo ako e ngayon lang ako nagkaroon ng mga estudyanteng sobrang close. Kaya pala ganun na lang ka-protective si Lance pagdating sa kanila. Wala naman ng bago dun dahil noon pa man e ganyan na siya. Ayaw niyang nasasaktan ang mga taong malapit at mahalaga sa kanya. Pero minsan nagiging overprotective din siya sa ilang mga bagay gaya ng--

"Ma'am!" Nagulat ako ng may biglang humawak saken. "Sorry po Ma'am, kanina ka pa ho kase tinatawag ng principal." Sabi ni Julie. Ako tinatawag ng principal?

"Ha-- ah eh ganun ba." Ngayon ko lang napansin na lahat ng estudyante at mga guro e nakatingin saken.

"Are you okay Ms. Rose? Is everything alright?" Tanong ng principal.

"I'm okay Ma'am." Tumayo naman na'ko at lumapit sa kanya. Sinalubong naman ako nito ng ngiti sabay abot ng Mic saken.

"Go ahead and introduce yourself." Sabi niya. Tumango naman ako. Bago ako nagsalita ay tumingin muna ako sa kanilang lahat at huminga ng malalim.

"Good evening everyone." Simula ko. "My name's Aspen Rose and I'm the new adviser of section Virgo. I hope we can all get along, thank you." Ibinalik ko naman na ang mic sa principal pagkatapos.

"Thank you Ms. Rose and I hope you'll enjoy your stay at Lavender High."

Nagsimula naman ng magligpit ang mga staff ng resort ng matapos sa pagsasalita ang principal. Bukas na lang daw ang campfire dahil medyo late na rin at nag decide na lang sila na pagpahingain ang mga bata.

"Di pa po ba kayo babalik sa cottage Ma'am?" Tanong ni Camille.

"Mamaya na siguro, parang gusto ko na munang magpahangin." Sagot ko sa kanya. "You all go ahead and rest, okay?"

"Yes Ma'am." Sagot nilang lahat at sabay-sabay na silang naglakad pabalik sa cottage. Pumunta naman ako sa tabing-dagat para magpahangin. Di pa naman kase ako inaantok and wala naman akong gagawin sa kwarto. Mamaya na ko babalik kapag inaantok na'ko.

Malakas at malamig ang simoy ng hangin. Mas na-aapreciate ko ang atmosphere ng paligid lalo na ngayon at nag-iisa lang ako rito. Di ko na maalala ang huling beses na napag-isa ako gaya ngayon.

"Wag dito. Baka mamaya e may makakita sa atin." Ano kaya yun? Tumingin-tingin ako sa paligid at di sa kalayuan ay may nakita akong dalawang tao. Di ko makita ang mga itsura nila dahil medyo madilim na rito. Di abot ang mga ilaw sa parte na kinaroroonan namin pero di naman lahat.

"Do you really think that someone will go here? At this dark place?" Bakit parang pamilyar ang boses na yun? Di ko alam pero bigla na lang akong napatayo at naglakad papunta sa kinaroroonan nila. "Come on babe, I can't wait any longe--

"A-Allie?"


* * *


Dalawang oras ko ng pinipilit matulog pero di talaga ako makatulog 😑 Nung nasa event hall ako e medyo inaantok na ako pero ngayong nakahiga na ako e biglang nawala, letsugas!

"Aish!" Sa inis ko e tumayo na lang ako at tiningnan kung anong oras na.

12:11 AM

"Hays." Lalabas na lang muna ako sandali para magpa-antok. Mabuti na lang at may vendo sila dito na may mga canned beer. "Ilan kaya? Apat na lang muna siguro." Matapos kong kumuha ng apat na beer ay lumabas ako ng hotel. Buhay na buhay ang nightlife dito sa resort kaya medyo madami pa rin ang tao sa labas pero di ko trip makisaya sa kanila. Mas trip kong mapag-isa dahil kakausapin ko sarili ko 😂 Mas may sense kase sumagot sarili ko kesa sa ibang tao.

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon