Mag-uumaga na pero di pa rin ako makatulog 😑 Nagre-rewind pa rin sa isipan ko yung nangyari kay Aspen. Oo galit ako sa kanya at kahit di ko man aminin ay aminado akong deserve niya yun. Kumbaga iyon ang naging karma niya sa ginawa niya saken pero ang di ko maintindihan ay kung bakit pati ako nasasaktan din? Dahil ba sa mahal ko pa rin siya? Dahil ba sa di ko pa rin siya makalimutan? Ang daming bakit ang nasa isipan ko ngayon. Isa na ron ay kung bakit ayaw pa kong dalawin ng antok? 😑
"Mukhang di na ata talaga ako makakatulog." Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama at kinuha ang phone ko na nasa ibabaw ng drawer. "Mag-aalas sais na pala." Pahiga na sana ako uli ng may biglang mag doorbell sa labas. "Istorbo." Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto para tingnan kung sino ang nasa labas.
Ding, dong! Ding, dong! Ding, dong!
"Sandali lang!" May balak pa ata tong sirain ang doorbell e. "Oh Keilla? Bat nandito kayo? May problema ba?" Tanong ko ng makita ko sila ni John, Bryan at Julie sa labas.
"Sir, pasensya na ho sa istorbo pero nag-aalala lang po kase kami may Ma'am e." Halatang nag-aalala nga sila.
"Why? What happened?" Tanong ko. Putcha, pati tuloy ako nag-aalala na.
"Kanina pa kase namin kinakatok si Ma'am Aspen pero di niya po kami pinagbubuksan. Di naman po kase siya ganyan e. Agad niya po kaming pinagbubuksan once kumatok kami lalo na po't umaga na dahil alam niyang may activity pa." Ng marinig ko yun ay agad akong lumabas at tumakbo pababa. Di ko na nasagot yung mga bata dahil maging ako ay nag-aalala na.
"Bilis."
DING!
Agad na kong tumakbo palabas ng elevator matapos nitong bumukas.
"Sandali lang Sir!" Dinig kong tawag nila Keilla pero di ko na sila hinintay. Masama ang kutob ko.
"Shit!" Nandito na ko sa cottage nila pero di ko alam kung saan ang kwarto niya.
"Sir sa pinakadulo!" Sigaw ni John. Napansin niya atang di ko alam kung saan. Agad naman na kong tumakbo at pumunta sa pinakadulong kwarto.
BLAG! BLAG! BLAG!
"Aspen? Aspen? Open the door!" Halos gibain ko na ang pinto pero walang sumasagot. "Aspen! Open the goddamn door!" Wala talaga. "Sigurado ba kayong nasa kwarto si Aspen?" Tanong ko sa kanila.
"Opo Sir. Nakita po siyang pumasok kaninang madaling-araw nung nag cr ako." Sagot ni John saken.
"Tss. Aspen!" Dahil sa wala talaga e napagdesisyunan kong gibain na ang pinto. "Bryan, John help me break down this door!" Tumangon naman sila. Sabay-sabay naming binangga ang pintuan at di naglaon ay nabuksan na ang kwarto ni Aspen. "Aspen." Nasa sahig si Aspen, walang malay. Agad ko siyang nilapitan at pilit ginigising pero ayaw niyang magising. Napansin ko sa di kalayuan ay may isang lagayan. Agad ko itong kinuha at tiningnan. "Sleeping pills?" Binuhat ko na si Aspen at dali-daling lumabas.
"Sir! Tumawag na po kami ng masasakyan, dito po!" Sinundan ko na sila at agad naming isinakay sa taxi si Aspen. "Sa pinakamalapit na ospital po manong." Sabi ko sa driver.
"Sige po Sir." Bago ko isinara ang pinto ng sasakyan ay sinabihan ko sila na wag na silang sumama't sabihan na lang ang principal.
Ng makarating kami sa ospital ay agad naman kaming tinulungan ng mga doktor. Habang naghihintay sa doktor ay tinawagan ko si Keilla at sinabi ko sa kanya kung nasaang ospital kami. Maya-maya lang ay lumabas na ang doktor at lumapit sa akin.
"How is she doc?" Tanong ko sa kanya ng makalapit siya saken.
"She's okay now. Overdose ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Mabuti na lang at nadala mo agad siya dito dahil kung hindi ay maaaring may nangyari sa kanyang mas masama."
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
ContoMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?