Chapter Twenty-five: Closure

26 3 0
                                    

"Walanghiya ka talaga Lance! Pati ate kong walang kamalay-malay pinatay mong hayop ka!" Bulyaw niya habang nagmamaneho. "Papatayin kitang hayop ka- agh!" Hinampas ko siya ng baril sa mukha dahil kanina pa siya putak ng putak.

"Nauna ka, gantihan lang yan." Sagot ko sa kanya. "Sige, iliko mo diyan." Nasa likurang bahagi kami ng sementeryo kung saan nakalibing si Miracle. Walang masyadong tao rito kaya dito kami dadaan. "Baba."

"Ano?!- Agh!" Bababa din naman pala, kailangan pang hatawin bago sumunod.

Nakatutok lang ang baril ko sa kanya habang naglalakad kami. Ng makarating kami sa puntod ni Miracle ay sinipa ko ang likuran ng tuhod niya na naging dahilan para mapaluhod ito.

"Gaya ng pangako ko sa'yo Miracle, igaganti kita." Agad kong itinutok ang dulo ng baril sa ulo niya.

"Te-- teka Lance, baka naman pwede nating pag-usapan to? Magkano? Sabihin mo lang kung magkano, ibibigay ko sa'yo. Magsabi ka lang kung anong gusto mo."

"Hindi mo kayang ibigay ang gusto ko, magpaalam ka na sa sarili mo."

"Ganyan ka na ba kaduwag ha Lance? Papatay ka ng taong walang kalaban-laban ha! Hahaha wala ka pala e." Kahit kailan talaga napaka-ingay ng baklang to.

"Tarantado, lumang tugtugin na yan. Eto ang bago."

BANG, BANG, BANG!

"Mahal ko, naiganti na kita. Panahon na para ako naman ang magbayad ng mga kasalanan ko." Naupo ako sa tabi ng puntod ni Miracle at dumukmo, maya-maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Di ko alam kung sa panahon ba talaga ito o sadyang gusto lang makisabay ng ulan sa kalungkutan na nararamdaman ko. "Miracle, baka matagalan bago kita mabisita rito ulit ha? Hintayin mo lang ako, pangako ko sa'yo babalik ako."

* * *

"Kumusta ka na rito Lance? Ayos ka lang ba? Di ka ba nila pinapahirapan dito?"

"Okay lang ako ate, wag mo kong alalahanin." Kada pupunta si ate rito para bumisita e lagi na lang ganyan ang tanong saken.

"Nga pala, regarding your case. Umamin na yung apat na gwardya na si Allie ang nag-utos na ipadukot ka at willing na rin daw sila na tumestigo against him."

"As if naman na makukulong pa ang gago. Tsaka paano mo sila napa-amin at napapayag na tumestigo?" Tanong ko sa kanya.

"About that, si Heaven ang tanungin mo. Siya ang kumausap dun sa apat habang naka-confine pa ang mga ito." Knowing Heaven, di na ko magtataka na nakumbinsi niya yung apat. "At pinapasabi  rin niya na inaasikaso na niya pati pardon mo." Oo nga pala, sobrang lakas ng pamilya niya sa presidente. Di ko alam kung sinasadya ba to ng tadhana o sadyang swerte lang talaga ako sa mga kaibigan.

"Pakisabi ate na salamat." Hinawakan ni ate ang mga kamay ko't ngumiti. "Bakit ate?"

"Why don't you tell them yourself?" Ng mapansin kong nakatingin sa bandang likuran ko si ate ay lumingon ako. Kaya naman pala e, kasama niya pala tong mag-syota at maging si Aspen nandito rin.

"Ano yung sabi mo pink cotton candy?" Nakangiting tanong ni Heaven saken habang naka-akbay.

"Do I have to repeat it? Narinig mo naman na ata." Sagot ko sa kanya.

"Ulit o cancel ang pardon?" Siraulo talaga tong babaeng to 😑

"Ang sabi ko salamat, okay na?" Pati ako napapasunod nitong babaeng to. Natawa na lang sila ate sa kalokohan niya. Naupo lang silang lahat sa harapan ko hanggang sa magpaalam na si ate na mauuna na raw siya at may gagawin pa ito.

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon