Chapter Six: Feelings

68 29 0
                                    

"We'll be starting our activities students, are you all ready?!"

"Yes Ma'am!" Mukhang tama lang ata ang dating ko ah. Magsisimula pa lang ang palaro nila.

"For today's first activity, we'll start with banana boat racing."

Nasa malayo lang ako nakikinig kay tanda habang pinapanuod sila. Matapos niyang i-explain ang laro e pumunta na sila sa seaside kung nasaan ang mga banana boats. Lumapit naman ako sa kinaroroonan ng mga estudyante ko at tila may problema ata sila.

"Sorry guys pero ayoko talaga e." Rinig kong sabi ni Aspen sa kanila.

"Sige na Ma'am, di tayo makakasali sa laro kapag wala kaming kasamang nakakatanda." Pilit sa kanya ni John.

"Oo nga naman Ma'am, sayang yung prize." Dagdag naman ng mga kaklase niya.

"Ayoko talaga guys e. Sorry talaga."

"Pero Ma'am--

"Wag niyo ng pilitin Ma'am niyo. Ako na ang sasama sa inyo." Di ko talaga mapanindigan yung sinabi ko na di ko na siya papansinin 😑

"Talaga Sir?" Tanong ni Bryan, tumango na lang ako. "Tara na guys! Si Sir daw sasama sa atin!" Sigaw niya habang tumatakbo palapit sa iba niya pang kaklase.

"Ihanda niyo na ang boat John, susunod ako." Agad naman na silang umalis at inihanda yung boat. "Wag kang mag-alala, ako na munang bahala sa kanila. Bumawi ka na lang sa ibang activity na hindi sa dagat gagawin."

"Salamat Lance." Di na ko sumagot pa. Pinuntahan ko na lang sila at magsisimula na ang racing.


* *


"Hooo! Ang saya nung banana boat racing!" Hiyaw ni Bryan habang nagpapatuyo ng damit niya.

"Talo naman hahaha!" Hahaha tama si Keilla, natalo nga kami 😂

"Panalo sana tayo kung di lang nahulog sa dagat si John hahahaha!" Asar ni Camille.

"Paanong di ako mahuhulog e ang laki-laki ng nasa harapan ko." Bawi nito, si Camille kase ang nasa harapan niya kanina 😂 At dahil asar-talo si Camille e sinabunutan nito si John.

Iba talaga ang saya ko kapag kasama ko ang mga batang to, parang nabubuo ako 🙂

"Sayang Ma'am at di ka nakasama." Sabi ni Julie kay Aspen na pangiti-ngiti lang habang nagkwekwentuhan ang mga bata. "Bakit nga po pala ayaw niyong sumama kanina Ma'am?"

"Eh kase ano--"

"Takot kase sa syokoy si Ma'am Aspen niyo kaya ayaw niya sa dagat, yun na yun. Wag ng madaming tanong." Ako na ang sumagot para sa kanya. Natawa na lang silang lahat sa sinabi ko. Ng magawi naman ang tingin ko kay Aspen e nag 'thank you' uli ito, tumango naman na lang ako bilang tugon.

Marami pang activities ang sumunod. Si Aspen naman na ang sumasama sa mga bata dahil di naman na sa dagat ang setting. Pinapanuod ko na lang sila mula rito sa kinauupuan ko habang umiinom ng juice 😁 No to alcohol muna ako for now kase may mga bata. Matapos ang mga activities ay nagkaroon ng budol fight dito sa may event hall. Mukhang malaki-laki ata ang budget ng school ngayon ah 😂 Last year lang e halos nag ambagan pa kaming teacher & staffs ah.

"Bilisan niyo ang pagkain at baka maubusan tayo hahaha!" Loko-lokong Bryan 😂

"Kumain kayo ng maayos at baka mabilaukan kayo." Paalala sa kanila ni Aspen na isang estudyante lang ang pagitan sa akin.

Ano na naman ba tong nararamdaman ko? Galit ako sa kanya, ayoko siyang makita pero bakit di ko maiwasang mamangha sa tuwing naririnig at nasisilayan ko ang mga ngiti at tawa niya. Nababaliw na ba ko? Tae, ganitong-ganito ako dati nung nainlove ako sa kanya 😑

"Uy!" Bigla na lang may bumangga saken at dahil di ko inaasahan yun ..

THUD!

Ay bumagsak kami sa sahig.

"Aray naman. Ayos ka lang ba--" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil ng lumingon ako sa harapan ko ay nakita ko si Aspen na nakadagan saken. "A-- Aspen?" Utal kong sabi.

"La-- Lance? So-- sorry!" Dali-dali naman itong tumayo at nag ayos ng sarili habang ako ay nakahiga pa rin dito. Di pa rin makapaniwala sa nangyari.

"Okay ka lang Sir?" Tanong ni Keilla saken.

"Ha? Ah oo." Agad naman na kong tumayo at baka mapagkamalan pa kong sira dito. "Ano bang nangyari't bigla na lang nagkabanggaan?" Tanong ko.

"May nagtulakan kase sa unahan Sir, nagkaroon ng domino effect. Eh kayo yung nasa dulo kaya kayo ang tumumba." Sagot ni Julie.

"Ah." Di ako makatingin ng diretso kay Aspen, teka ba't ako ang nahihiya? 😑 Dapat siya ang mahiya dahil dinaganan niya ako. Ang bigat kaya niya. Kasalanan din to ni Camille e, biglang nawala sa pagitan naming dalawa. "It's getting late, I'll head back to my room now." Paalam ko sa kanila.

"Di ka ba sasama sa campfire Lance?" Tanong ni Aspen saken, gustuhin ko man e quota na ko ngayong araw sa kanya.

"Di na siguro. Medyo napagod ako ngayong araw, magpapahinga na muna ako." Sagot ko sa kanya without looking directly at her.

"Ah ganun ba, sige Lance. Salamat nga pala." Tinanguan ko na lang ito at umalis na ko pagkatapos. Mabuti na lang at di na nangulit pa ang mga bata na sumama ako. Di naman talaga ako pagod. Ayoko lang munang mapalapit sa kanya dahil na rin sa nararamdaman ko ngayon.

Ng makarating ako sa kwarto ko ay agad akong nahiga at pilit inaalis sa isipan ko ang mga nangyari ngayong araw. Dapat kong pigilan ang kung ano mang nararamdaman ko dahil di to dapat. Wala na kong plano na mahalin pa siya dahil sinaktan niya na ko at ayokong magpakatanga muli.

"I'll kill my feelings inside me if I have to."

I'll make sure that I won't experience the same pain I've experienced before, I promise.

* * *

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon