Chapter Eleven: Lance

58 28 0
                                    

"Can we still be friends?"

Halos tatlong buwan na ang lumipas pero naaalala ko pa rin ang tanong na yan ni Aspen nung huli naming pagkikita. Di ko siya nasagot at wala rin naman akong balak na sagutin siya dahil sa totoo lang e ayaw ko ng magkaroon ng anumang ugnayan sa kanya. Gusto kong alisin lahat ng pwedeng maging rason para mapalapit sa kanya. Kahit na imposible ay gagawin kong posible para lang tuluyan na kong mapalayo sa kanya.

"Huy Lance? Parang wala ka ata sa sarili ah." Guess who the hell is with me? 😏 "Wag mo nga kong dedmahin lalake ka. Pag ako nainis, di na kita sasamahan tuwing break mo."

"Shut up, will you? Wala akong pakialam kung di mo ko samahan. Ikaw lang naman tong sama ng sama saken kahit ayoko." Sabi ko sa kanya pero ang loko nginitian lang ako 😑

"Habang tumatagal lalong humahaba sinasabi mo saken ah. Ibig-sabihin ba niyan e comfortable ka na saken? Ha? 😁 Ha? 😁"

Di ko alam kung manhid to o sadyang bingi lang talaga. Ni di man lang nagalit o nainis man lang sa sinabi ko.

"Tss."

"Huy! San ka pupunta?"

Di ko na siya pinansin pa't naglakad na lang ako palayo sa kanya. Susubukan kong humanap ng lugar na tahimik at walang istorbo. Maganda naman siya kaso naaalibadbaran ako sa pagmukmukha niya 😑 Yung tipong maganda nga, sobrang kulit naman. Masyadong papansin kaya naiinis ako.

"Yosi sir?" Alok ng isa sa mga tinderang nadaanan ko habang naglalakad ako sa labas.

"Bigyan mo ko ng isa." Sagot ko sa kanya. Matagal na kong tumigil sa bisyo kong 'to. Simula nung naging kami ni Aspen, pati nga pag-inom ay tinigilan ko pero since di na kami e wala namang masama kung babalikan ko ang dating buhay ko.

"Isang piraso lang sir?" Tanong ng tindera.

"Isang kaha." Napangiti naman siya sa sagot ko sabay bigay ng isang kaha saken. "Salamat." Matapos kong magbayad ay dumiretso ako sa smoking area malapit sa building namin. Ayokong mahuli ng mga pulis na malapit dito no.

Buti na lang at konti lang ang nandito. Ewan ko ba pero dati'y ayos lang naman saken na maraming tao ang nasa paligid ko pero ngayon hindi na. Parang gusto kong laging mapag-isa.

"Can we still be friends?"

Ayan na naman 😑 Bigla-bigla na lang nagre-rewind sa utak ko ang mga katagang yan. Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong na yan? Tanong na nanggaling sa taong nanakit saken.

"Huy Lance!" Muntik ko ng masapak tong babaeng to ng bigla na lang tumalon sa harapan ko. "Masama yan." Bigla niya na lang kinuha mula sa bibig ko ang yosi at itinapon. Imbes na mainis pa lalo sa kanya ay kumuha na lang ako ng panibagong yosi pero di pa man din ako nakakakuha ay agad na niyang hinablot ang kaha mula saken sabay bulsa nito. "Ang kulit mo din e no?"

"Ano bang problema mo? Ba't ba napaka pakialamera mong babae ka? Para kang asong ulol na sunod ng sunod saken ah. Stalker ba kita? Tang-ina, masyado kang papansin." Dun ko lang namalayan na dahil sa maliit lamang ang lugar na kinaroroonan namin ay rinig na rinig ng ibang taong nandito ang lahat ng sinabi ko sa kanya pero wala akong pakialam. Mabuti na rin to para layuan niya na ko. "Get lost before I lose my cool." Pagkatapos kong sabihin yun ay tumakbo na siya palayo.

"Hanep pre. Alam mo bang tulo laway ang karamihan ng lalake sa babaeng yun? Pero ikaw, ikaw na ang nilalapitan niya pero ginanun mo lang. Bilib ako sayo pre." Sino naman ang mokong na'to?

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon