Ano ba tong nangyayari saken? Di ko maintindihan kung bakit nag-iba ang pagtingin ko kay Miracle. Kung dati rati ay ayoko siyang nakikita at naiinis ako sa presence niya, siya namang kabaligtaran ngayon. Kapag wala siya sa tabi ko hinahanap ko siya. Kapag walang nangungulit saken, mas nabwi-bwiset ako. Tss, ayoko tong nararamdaman ko para kay Miracle. Ayokong mauwi to sa isang bagay na pagsisisihan ko.
"Tara Lance?" Speaking of Miracle. Hinihintay ko lang siyang matapos makuha ang gamit niya sa locker dahil tapos na ang shift namin.
"Okay." Sagot ko sa kanya. Agad niya namang isnukbit ang kamay niya sa braso ko. Di na ko nakapalag pa at kapag pumalag ako ay siguradong gulo na naman ang kalalabasan kaya di ko na lang siya sinita. Isa pa, pagod din ako kaya wala ako sa mood para makipag-away sa kanya.
"Nga pala Lance, punta ka sa amin this Saturday ha?" Yaya niya habang naglalakad kami papuntang elevator.
"Why? Anong meron?" Tanong ko sa kanya ng makapasok na kami sa elevator.
"Birthday ko hihi!" Sagot niya na may kasamang tawa. "Bawal tumanggi." Inunahan na ko, alam na alam kung anong isasagot ko e.
"Tatanggi pa sana ako kaso inunahan mo na ko." Bigla namang sumimangot ang mukha niya ng sabihin ko yun. Kung dati wala akong pakialam sa nararamdaman niya ngayon parang meron na. Alam ko kung anong nangyayari saken kaya habang maaga pa lang pipigilan ko na to. "Pasensya ka na pero I got plans this weekend e, di ako makakapunta sa birthday mo." Wala naman talaga akong gagawin, ayoko lang mas mapalapit sa kanya dahil si Aspen pa rin ang nilalaman ng puso ko.
Yun nga, ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang kabilis na nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Naaalala ko si Aspen sa kanya. The way she talks, moves and even her attitude is similar to Aspen. No wonder agad akong napalapit sa kanya.
"Kasasabi ko lang na bawal tumanggi tapos ngayon di ka pupunta? Di pwede, di matutuloy ang birthday ko kapag wala ka." Pamimilit niya.
"Ano ako? Clown? Di nga kase ako makakapunta ba't ba ang kulit mo ha?"
"Bahala ka na nga dyan."
DING!
"Hoy himala!" Naglakad agad siya palabas ng bumukas ang elevator. "Psh, mga babae talaga." Di ko na siya tinawag uli dahil di rin naman yun makikinig. Magsasayang lang ako ng laway. Ng makalabas ako sa building ay dumiretso agad ako sa malapit na convenience store dito. Magpapalipas lang ako sandali ng oras, parang ayoko pa kaseng umuwi.
"Good morning sir. Welcome to Crown's." Bati nung babaeng nasa counter ng makapasok ako. Tinanguan ko na lang ito at humanap na ng pwede kong kainin.
Kumuha lang ako ng dalawang club sandwich at medium cup na kape. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ko't naupo sa upuan na nasa labas. Habang kumakain ako ay di ko maiwasang mag reminisce. Di lang dun sa panahon namin ni Aspen pero pati na rin sa buhay ko pagkatapos naming maghiwalay. Ang laki pala talaga ng nawala saken. Pati yung bagay na gusto kong gawin nawala saken.
"Gago ka kase Lance, kasalanan mo lahat ng to." Bulong ko sa sarili ko.
"Sinong kinakausap mo?"
"Anak ng-- anong ginagawa mo rito?" Bigla-bigla na lang sumulpot sa harapan ko tong si Miracle.
"Ayaw mo kaseng pumunta sa birthday ko e." Nag-pout pa talaga. Akala niya siguro e madadaan niya ko sa pagpapa-cute niya.
"May lakad nga kase ako, diba? Mahirap bang intindihin yun?"
"Kung may lakad ka edi sasama na lang ako sa'yo. Tapos ilibre mo ko ha? 😊" Ang kulit talaga ng babaeng to 😑
"No." Tumayo na ko't iniwanan ko na siya. "Ang kulit." Di pa man ako masyadong nakakalayo ay narinig ko na naman ang nakaka-bwiset niyang boses, lalo na yung pet name niya saken 😑
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Short StoryMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?