"Pinaghahanap na ng mga awtoridad sa ngayon ang gunman na kinilala sa pangalang Lance Requiem."
BLEEP!
Di ako makapaniwala na si Lance ang may gawa nun, di niya kayang pumatay ng tao. Lalo na't wala naman itong kasalanan sa kanya.
"I need to find him." Agad akong lumabas ng bahay gamit ang kotse ko, dis oras na ng gabi pero wala akong pakialam. Kailangan kong mahanap si Lance bago pa siya mahanap ng mga pulis. "Lance, pick up the phone." Dina-dial ko ang numero niya habang nagmamaneho. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan maaaring pumunta si Lance. Di ko kabisado ang takbo ng utak niya kahit noong kami pa but that doesn't matter. I need to find him as soon as possible. "Pick up the phone Lance, come on."
"Who the f*ck is this?"
"Lance, finally! Where are you? Alam mo bang hinahanap ka na ngayon ng mga pulis? Ano bang pumasok sa isip mo't ginawa mo yun ha?"
"Si Miracle, siya lang ang pumapasok sa isip ko't siya lang ang laman nito."
"My God Lance! Sa tingin mo ba gusto ni Miracle to? Sa tingin mo ba masaya siyang nagkaka-ganyan ka? Mag-isip ka nga Lance."
"I'm not asking for your opinion Aspen and who are you to talk? Hindi ikaw ang nawalan kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan."
"Lance? Lance!" Binabaan ako, haist! Nag park muna ako sandali para mas makapag-isip ako ng maayos. Saan ka pwedeng magpunta Lance? Wala akong alam na pwede mong puntahan. "Lance naman. Why now?" Sa sobrang pagka-dismaya ko ay napadukmo na lang ako sa manibela.
RING, RING!
Si Ate George tumatawag.
"Hello ate?"
"Hello Aspen? Do you know where Lance is? Hindi niya kase sinasagot ang mga tawag ko, I'm worried about him." Bakas sa boses ni Ate George na galing ito sa iyak at talagang nag-aalala ito.
"Nakausap ko siya kanina ate pero binabaan niya rin agad ako e, wala rin akong ideya kung nasaan siya."
"Ganun ba, sige Aspen. Please let me know kapag nagkausap kayo uli ni Lance and kung nasaan siya, salamat Aspen."
"Opo ate." Pagkatapos naming mag-usap ay nagmaneho na ulit ako. "Nasaan ka na ba Lance?" Napuntahan ko na lahat ng maaaring puntahan ni Lance pero wala e. Sa eskwelahan, sa pinasukan namin dati, sa DATI at sa lahat ng tinatambayan niya noon pero di ko siya nakita doon. "Lance, magpakita ka na." Sandali, alam ko na kung nasaan siya. Binilisan ko ang pagpapatakbo ko dahil malakas ang kutob ko na nandun siya sa lugar kung nasaan si Miracle.
At di nga ko nagkamali, nandito si Lance sa sementeryo kung saan nakalibing si Miracle.
"Miracle, miss na miss na kita." Nakaluhod si Lance habang umiiyak, di ko lubos akalain na ganito niya kamahal si Miracle. "Kailangan kita Miracle, ayoko sa iba. Ikaw lang ang gusto ko Miracle, ikaw lang." Patuloy lamang siya sa pag-iyak. Naaawa ako kay Lance pero wala man lang akong magawa. Napagdesisyunan kong lapitan siya para kausapin pero di pa man ako masyadong nakakalapit ay humarap ito saken at tinutukan ako ng baril.
"Lance, it's me Aspen." Pero nanatiling nakatutok saken ang baril niya.
"Get lost before I lose my cool." Ang linya niyang iyan, nung huling narinig ko yan ay bumagsak si Allie.
"Pero Lance--
BAANG!
"I'm warning you Aspen, di ako magdadalawang-isip na tapusin ka kapag nagpumilit ka pa." A--ang buong a-- akala ko talaga ay ako ang binaril niya. Nabato ako sa kinatatayuan ko, ni hindi ko na siya nagawang habulin pa ng umalis ito.
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Short StoryMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?