Chapter Five: Outing

77 29 0
                                        

"To all the advisers of each section, kindly proceed with the attendance of your class and go to your respective buses afterwards. Same goes para sa mga additional na kasama per section, stick with the section you belong. Thank you and let's all have a safe trip." Sabi ni tanda habang naka-mic. Hmm, so di pa rin pala nagbabago yung style nila sa outing. Five sections pa rin per week. Di pa ko lumalapit sa section ko pero tanaw ko naman na sila mula rito sa kinatatayuan ko. Katabi ko si manong guard, di niya na ko pinigilan sa pagpasok dahil sinabihan ko na siyang kasama ako sa outing.

Nagsisimula ng mag-attendance si Aspen and take note, ang ganda niya ngayon. Simple lang ang suot niya, naka white shirt lang siya at high waist pants with matching white converse shoes. Di pa rin talaga siya nagbabago, ganun pa rin siya pumorma. Simple pero maganda.

"Aish. Kung anu-anong iniisip ko." Napansin ko naman na palinga-linga si Aspen sa paligid, maging yung mga estudyante ko na parang may hinahanap. Maya-maya naman e napabuntong-hininga na lang si Aspen. "Hays. Kawawa naman." Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksyon nila at ng medyo malapit na ko e narinig ko silang nag-uusap.

"Di po ba ang sabi ni Sir e sasama siya, diba Ma'am?" Tanong ni Julie kay Aspen.

"Oo Julie. Yun ang sabi niya nung nagkausap kami, di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon e di pa siya dumadating e." Nakatalikod kase sila saken kaya di pa nila ko nakikita.

"Baka nagbago na ang isip ni Sir at di na siya sasama." Tama si Keilla, yun din naisip ko kanina kaso nagbago e.

"Ano ba naman yan si Sir, akala ko pa naman may isa siyang salita pero wala pala. Paasa si Sir, paasa siya!" Natatawa tuloy ako sa batang 'to.

"Sinong paasa ha?" Nakangiti kong tanong sabay hawak sa ulo ni John.

"Sir!" Sabay-sabay nilang tawag saken.

"Akala namin di ka na sasama Sir e!" Masiglang sabi ni Keilla saken.

"Sabi ko sa inyo sasama si Sir e, kayo lang tong walang tiwala!" Sabi ni John.

"Kung di lang kita narinig kanina John, maniniwala sana ako sa'yo." Hahaha! Habang nagtatawanan kami e nakita ko na palihim na nangingiti si Aspen sa gilid. "Pasensya na kayo't pinaghintay ko kayo."

"Okay class. Let's go." Tawag ni Aspen sa kanila sabay tingin saken. "Thank you." At nginitian pa talaga ako, galit ako sayo huy 😏 mukha mo. Pumunta na kami sa bus namin. Kanya-kanya na sila ng upo, sa likod ako umupo para wala akong kahati. Di naman napuno ang bus e. Sa harap naman nakaupo si Aspen, sa likod ng driver habang ang mga estudyante e sa gitna halos nagsi-upuan. At dahil busy silang lahat, nag soundtrip na lang ako at pumikit muna. Matutulog muna ako sandali.


* *


"Wag na, baka mamaya magalit Sir niyo."

"Di yan Ma'am at tsaka dare niyo po yan, wag kayong madaya."

Ang ingay naman, kita ng may natutulog e. Di ko na sana papansinin pa ang ingay pero may naramdaman akong umupo sa tabi ko at ang bango. Sino naman kaya 'to? At tumabi pa talaga saken. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bigla ring nanlaki ng makita ko kung sino ang nasa tabi ko.

"Aspen? What are you doing here?" Ba't nasa tabi ko tong babaeng to?

"Sorry, naistorbo ko ata pagtulog mo. Yung mga bata kase e, naglalaro kami kanina and eto yung dare nila. Ayoko sanang gawin kase baka magalit ka kaso mapilit sila." Sinulyapan ko naman sila at ang mga loko, nag peace sign lang saken 😑

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon