"Ma, Pa. Si Lance nga po pala." Pakilala ko kay Lance sa kanila.
"Boyfriend mo anak?"
"Mama talaga, katrabaho ko po. Siya lang ininvite ko kase eto lang pinakamalapit saken sa team." Sagot ko kay mama sabay akbay kay Lance.
"Ah, akala namin e boyfriend mo anak. Excited na excited pa naman tong mama mo na makilala yang kasama mo." Nakangiting sabi ni papa.
"Magkaibigan lang po kami ma'am, sir." Singit ni Lance sa usapan.
"Napaka-pormal mo naman hijo. Tito at tita na lang itawag mo sa'min, yan din ang tawag sa'min ni Allie." Sagot ni mama sa kanya.
"Okay na po ko sa ma'am at sir. Ayoko po kasing may kagaya ako ng tawag sa inyo, magkaiba po kase kami." Baliw talaga tong lalakeng to 😑 Kung anu-anong sinasabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Allie, yung tono niya parang may inis.
"Gusto mo talagang malaman? Ayos lang ba na sabihin ko sa kanila?" Napaka-intense ng usapan nila. Pati sila mama natameme habang si Aspen naman ay nakaupo lang at nakayuko. Teka, ano bang meron sa dalawang to? 😑
"Hep, hep, hep. Enough, okay? Ayoko ng may nag-aaway lalo na sa bahay namin at mas lalong sa birthday ko." Pumagitna na ko dahil baka magsuntukan pa tong dalawa. Di ko alam kung anong meron sa kanila pero mabuti ng sigurado.
"Kalma lang kayo. Pumunta na tayo sa hapag-kainan para makakain na tayo't anong oras na." Pag-iiba ni papa sa usapan.
"Hali na kayo Allie." Tawag ni mama kina Allie at Aspen. Nanlilisik pa rin ang mata ni Allie habang nakatingin kay Lance. Etong si Lance naman parang wala lang, napaka kalma.
"Kayo anak?" Tanong ni papa sa amin.
"Sunod po kami pa, sandali lang po." Tumango na lang ito at sumunod na kina mama. "Huy, hanggang dito ba naman makikipag-away ka pa rin ha?"
"Di ako nakikipag-away. Kaibigan mo ba talaga yun ha? Pipili ka na lang ng kakaibiganin, yun pa." Bakas sa mukha niya ang pagka-inis kay Allie.
"Sabihin mo nga, ano bang meron sa inyong dalawa ha?"
"Wala. Paano ba kayo nagkakilala ng asungot na yun ha?" Balik-tanong niya. Ayaw niya kong sagutin tapos siya tanong ng tanong.
"Classmate ko yun nung high school hanggang college. Di naman kami close talaga, naging malapit lang kami nung minsang pinagtanggol niya ko nung binu-bully ako. Crush ko nga sya nun e hihi!"
"Tss. Ewan ko sa'yo." Anong problema nun? Iwanan daw ba ako mag isa. Sumunod na lang ako sa kanya dahil sa hapag-kainan din naman ang punta niya.
"Oh maupo ka na anak at ng makakain na tayong lahat." Bungad ni papa ng makita niya ako. Naupo naman na ako sa tabi ni Lance. Magkaharap naman sina Lance at Aspen habang ang kaharap ko ay si Allie. Si mama at papa naman ay magkatabi.
"Magdasal muna tayo. Sinong gustong mag lead?" Nakangiting tanong ni mama sa amin.
"Si Lance!" Sigaw ko hihi. Nanlaki naman ang mata ni Lance. "Sige na Lance, gift mo na to saken. Please!" Hehe ano kayang itsura ni Lance kapag nagle-lead ng prayer?
"Di ako nagdadasal." Nge, nabigla naman ako sa isinagot niya saken. Magsasalita pa sana ako pero may sumingit sa usapan.
"Ako na lang, kung okay lang sa inyo." Pagpre-presenta ni Aspen.
"Sige hija, ikaw na lang." Sagot ni mama. Yun, si Aspen na ang nag lead at matapos niyang mag-pray ay nagsimula na kaming kumain.
Nung simula ay napakatahimik ng hapag-kainan kaya naisipan kong mag simula ng usapan hanggang sa lahat na kami ay nagkwe-kwentuhan bukod sa katabi kong lalake 😑 Di ko alam kung sadyang gutom lang ba siya o sadyang ayaw niya lang talagang makisali sa amin.
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Historia CortaMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?