Ang sakit. Akala ko may pag-asa kaming dalawa ni Lance pero ako lang pala itong umaasa. Si Aspen pala ang babaeng nagpapatibok ng puso ni Lance. Siya pala ang babaeng minamahal ng lalakeng minamahal ko. Di ko sukat akalain na dito pa talaga kami sa amin magkaka-kilala. Tadhana nga naman oo, sadyang mapagbiro.
Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, hindi na lang sana ako sumunod sa kanilang dalawa. Nakita at narinig ko lahat-lahat. Pati na rin ang paghalik ni Lance sa kanya, maging ang pagluha nito. Pagluha na tanda ng tunay na nararamdaman nito para sa kanya.
Matapos ng tagpo nilang 'yon ay agad akong pumasok sa loob. Nagligpit ng mga kalat at nagpanggap na walang nangyari. Nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit ng dumating si Aspen, nakahawak sa mga labi niya.
"Oh? Okay ka lang? Si Lance?" Maang-maangan kong tanong sa kanya kahit alam ko naman ang lahat.
"Ha? Ah o-- okay lang ako. Umuwi na ata si Lance, di ko na nga inabutan e." Sinungaling.
"Ah ganun ba." Nagkunwari akong kumbinsido sa mga sinabi niya. "Nga pala Aspen, patulong naman oh? Ilipat natin sa sofa si Allie para makapag-pahinga siya ng maayos." Pakiusap ko sa kanya, sa tingin ko e siya rin ang ex-fiancee ni Allie. Wala kase akong alam sa personal na buhay ni Allie gawa ng di naman kami ganun ka-close pero kung pagbabasehan ko ang mga nangyari ngayong gabi ay masasabi kong tumutugma ang lahat ng nasa isip ko sa lahat ng nasaksihan ko. Tsaka di rin naman kase sinabi ni Allie kung sino ang ex-fiancee niya nung nag-uusap kami kanina, marahil dahil kasama namin ito't kaya rin siguro ganun na lang kainit ang dugo ni Lance sa kanya.
"Sige." Lumapit ito sa amin ni Allie. Dahan-dahan naming itinayo si Allie at inilipat sa sofa. "Ang bigat."
"Hoo, nailipat din. Kuha lang ako ng kumot, dito ka muna ha?" Umalis ako saglit para kumuha ng kumot ni Allie. Pagbalik ko ay nandun pa rin naman si Aspen, nakaupo't tila ang lalim ng iniisip. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya sabay upo ko rin.
"Yes, I'm okay. By the way, ayos lang bang iwan ko si Allie rito? Uuwi na sana ako." Mukhang wala na ata talagang halaga sa kanya si Allie.
"Ganun ba. Sige, ihahatid na kita sa labas." Tumango na lang ito, paglabas namin ay kapwa lang kami tahimik. Hanggang sa nakasakay ito ay wala kaming napag-usapan. Oo, madaldal ako pero parang wala ako sa mood dumaldal ngayon.
Ang malas naman ng birthday ko. Akala ko si Lance na ang regalo ni God, hindi naman pala.
"Hays. Lance."
* * *
Lance, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa? Di ko sukat akalain na matapos ang ilang taon ay may matitira pa rin akong pagmamahal para sa'yo. Ano bang meron ka't ganito na lang ang epekto mo sa akin?
"Nandito na po tayo Ma'am."
"Here, salamat." Bumaba na ko ng taxi matapos kong makapagbayad. Mabuti na lang at gising pa ang mga kasambahay namin kaya't may nagbukas pa ng gate.
"Gusto niyo pong kumain ma'am?" Tanong nito ng makita ako.
"No, I'm good. Pagtimpla niyo na lang po ko ng gatas, pakihatid na rin sa kwarto ko. Salamat." Walang gana kong utos sa kanya. Gusto kong makatulog agad para makalimutan ko ang lahat ng nangyari ngayong araw.
Ng makapasok ako sa kwarto ko ay nagtungo agad ako sa terrace. Gulong-gulo ang isip ko ngayon, sana makatulong ang malamig na simoy ng hangin para makapag-isip ako ng dapat kong gawin.
TOK, TOK!
"Come in."
"Ma'am, eto na po ang gatas niyo."
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Short StoryMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?
