Chapter Twenty: Misunderstanding

45 7 0
                                    

"Aspen, mahal kita."

"Ta-- talaga Lance? Ibig-sabihin ba nito--

"Wait Aspen, let me finish first." Putol ko sa kanya. "Mahal kita, dati." Biglang napalitan ang ngiti sa mukha niya ng isang malungkot na ekspresyon.

"What do you mean? I don't understand."

"Mahal kita Aspen pero dati yun. Hindi na ikaw ang nilalaman ng puso ko ngayon. Matagal-tagal na rin simula nung natanggap ko na di na tayo pwede and that's all because of a certain someone. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong ayusin muli ang buhay kong muntik ng masira ulit. Siya ang nagpakita sa akin na kahit ganito ako, meron pa ring magmamahal saken. Ni minsan di niya ko iniwanan kahit ang hirap kong intindihin. She love me for who I am and this time, I'm willing to take the risk again." Nakayuko lang siya habang nagsasalita ako.

"Si-- si Miracle ba? Siya ba Lance?" Bakas sa boses niya na umiiyak siya.

"Yes." Diretso kong sagot. "Siya ang babaeng minamahal ko." Ayoko ng patagalin pa ang tagpo naming ito dahil kapwa lang kami mahihirapan.

"Kung-- kung sinasabi mo yan Lance just to get back at me, okay lang. Wala akong pakialam kung pagsalitaan mo ako ng masama 'cause I know I deserve it." Basag na ang boses niya habang nagsasalita. "Just please, come back to me." Bigla niya kong niyakap ng mahigpit at kasabay non ay ang pagbagsak ng ulan. "Mahal na mahal kita Lance, patawarin mo ko. I need you in my life, I want you back again. Let's make things right, please?"

"I am making things right Aspen. I'm not making this up and I'm not using her just to get back at you. Please, let's just accept the fact na di na natin pwedeng maibalik ang kung ano mang meron tayo dati." Kasabay non ay ang pagkawala ko mula sa kanyang pagkakayakap. Patuloy pa rin siyang umiiyak habang nakatingin saken. "I want you to be happy, okay? I wanna be happy too."

"But you're my happiness Lance, you-- you are my happiness."

"You had your chance Aspen, I'm sorry."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ko palayo sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya pero mas mabuti ng ganun. Ayokong magsinungaling sa kanya.

"LANCE! LANCE I'M SORRY! I'M SORRY LANCE, PLEASE!" Paulit-ulit niyang sigaw pero pinili kong wag na siyang lingunin pa dahil ayokong ipilit ang isang bagay na di na pwede.

Ng tuluyan na kong makalayo ay huminto ako sandali at tumingala sa langit. Patuloy pa rin ang pagpatak ng ulan at ramdam ko ang bawat butil na tumatama sa mukha ko. Lumuwag ang pakiramdam ko, alam kong nakasakit ako ng damdamin pero alam ko ring di ko kasalanan na ngayon niya lang napagtanto ang lahat.

"I know I did the right thing." Umuwi muna ako saglit para magpalit, basang-basa ako sa ulan e. Maaga pa naman, alas-siyete pa lang kaya magpapahinga muna ako sandali.


* * *


Lance 😢 Come back to me, please! Wala akong lakas para pigilan siya, nawalang lahat bigla ng pag-asa ko ng sabihin niyang di niya na ko mahal. The moment he turned his back on me made me realized that I just wasted someone's love for nothing. I can't help but cry, wala akong pakialam kung magmukha akong tanga na nakasalampak dito sa daan. Sa mga oras na 'to, isang bagay lang ang gusto ko. Yun ay ang maibalik ang dating meron kami ni Lance.

"Ma'am? Ano pong nangyari sa inyo? Bakit ho kayo nagpapa-ulan? Ayos lang ho ba kayo?" Bago ko hinarap si manong guard ay pinunasan ko muna ang mga luha ko na alam ko namang wala ring silbi dahil nga umuulan.

"A-- ayos lang ho ako, na-- natapilok lang ako manong." Sagot ko sa kanya habang tinutulungan niya kong makatayo. "Sa-- salamat po."

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon