Chapter Nine: Pain

54 25 0
                                    

"Daig mo pa girlfriend ko Lance ah. Yun nga di ko sinusundo kapag sobrang layo pero sa'yo di ako maka-hindi hahaha!" Bungad ni Skye ng makarating siya sa beach resort.

"Alam naman nating mas importante ako kaysa kay Heaven hahaha!" Sagot ko sa kanya. Meant to be talaga silang dalawa, sa pangalan pa lang kase e halata na 😂

"Lul! 😂 By the way, nakapag-paalam ka na ba sa mga estudyante mo?" Tanong nito saken habang ipinapasok ko sa backseat ang mga bag ko.

"Di na kailangan. Kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko na malayo sa kanila dahil sooner or later yun din naman ang mangyayari kaya uunahan ko na." Umupo na ko sa harapan at nag suot ng seatbelt. "Isa pa, darating din ang panahon na makakalimutan nila ako. Nakalimutan nga ko ng babaeng mahal na mahal ko e, sila pa kaya?"

"Alam mo, kalalake mong tao pero ang drama mo 😂 Tigasin ka sa labas pero may pagkabading ka rin pala sa loob hahaha!"

"Kung nasa mood lang ako, kanina ka pa tumalsik sa labas. Pasalamat ka't wala pa kong tulog kundi patutulugin kita." Nag peace sign lang siya saken sabay ngiti.

"Hahaha titigil na 😂" Titigil pero tumatawa pa rin. "Anyways Lance, bakit mo ba naisipang umuwi agad? Minsan ka na nga lang mag gala, di mo pa susulitin." Tanong niya habang nagdra-drive.

"Gustuhin ko mang sulitin e di ko rin naman magawa. Isipin mo, malapit lang si Aspen saken at kahit lumayo ako sa kanya e parati pa rin kaming pinaglalapit. Kung tao lang yang tadhana e kanina pa nakatikim saken yan."

"Baka naman kase, may pag-asa pang magkabalikan kayong dalawa kaya ganun. Sign na pala yung nangyayari sa inyo pero di nyo lang pinapansin."

"Engaged na siya Skye."

"Ano naman? Gusto mo ipatumba ko fiancee nya para wala ng sagabal? Sabihin mo lang-- aray ko! Ba't ka nambabatok ha? Ikaw na nga tong pinagmamalasakitan tapos ganyan ka pa. You're hurting me, you know!" 🤣

"Siraulo ka kase. Hayaan na natin sila and besides sa tingin ko naman e di na matutuloy kasal nila." Inaantok na ko 😑 Ang daldal kase nitong katabi ko e.

"Ows? At bakit naman? Wag mong sabihing naitumba mo na? Oh my God, I'm with a killa!" At sa pangalawang pagkakataon ay nakatikim na naman siya ng batok. "Nakaka-dalawa ka na Lance ha? Isang-isa ka na lang, isang-isa na lang."

"At ano ha?"

"At magiging tatlo na, yun na yun." Siraulo talaga 😑 "Sandali nga, serious mode na tayo." Eh siya lang naman tong di seryoso. "Bakit mo naman nasabing walang kasalang magaganap?"

"Her fiancee cheated on her. Nahuli siya ni Aspen na nakikipag-landian kaninang madaling araw sa ibang babae dun sa tabing-dagat." Sagot ko sa kanya.

"And paano mo nalaman yan?"

"I was there. It was a coincidence though. Di ako makatulog that time kaya naisipan kong uminom ng konti sa tabing-dagat."

"Ah. And then? Ituloy mo ah."

"Narinig ko habang naglalandian sila tapos bigla na lang dumating si Aspen, di ko alam kung ba't nandun siya. Tapos yun, nagkagulo na." Tango lang ng tango si Skye habang nagkwe-kwento ako.

"Tapos? Wala kang ginawa?"

"Wala." Ayoko ng pag-usapan pa kung anong ginawa ko't iba na naman ang iisipin nito.

"Ako pa talaga lolokohin mo Lance ha? Ano nga? Binasag mo mukha nung lalake? Pinilayan mo? Tinapon mo sa dagat? Ano?!" Ang daming tanong 😑

"Wala nga sabi. Ba't ba ang kulit mo ha? Alam mo, wag mo na kong kulitin at inaantok ako. Gisingin mo na lang ako kapag nasa bahay na tayo." Sagot ko sa kanya at pumikit na ko pagkatapos.

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon