Ang sakit ng ulo ko, agh! 🤕 Teka, paano ko napunta sa kwarto ko? Wala akong maalala kahit konti. "Sakit ng ulo ko, agh."
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga para makapaghanda ako. May klase pa ko ngayon, di pwedeng umabsent dahil madaming kabataan ang umaasa saken 😂
"6:00 AM." Maaga pa, gusto ko pa sanang matulog e. "Teka, di naman ito suot ko kagabi ah." Hala? Di kaya na-rape ako kagabi? 😳 G*go! Hahaha. Kung anu-anong iniisip ko 😂 Lumabas na ko ng kwarto ko para maghanda ng makakain.
"Mabuti naman at maaga kang nagising Lance Requiem."
"Ate? What are you doing here?" Tanong ko sa kanya habang bumababa ako.
"Hoy nandito rin ako Lance!" Napalingon naman ako sa tumawag saken, isang babae na nakasunod saken.
"Lia Mama Mia, pati ikaw nandito. Anong meron at nagawi kayo rito? Wait--" Tumango tango naman si ate and I know what that means. "Sh*t!" Napaupo na lang ako sa hagdan habang sabunot ko ang buhok ko. "Sorry ate. Alam mo namang di ako pumapatol sa mas matanda saken at tsaka di ko type si Lia-- aray!" Isang malutong na batok ang tinanggap ko mula sa likuran.
"Sira! Kung wala ka lang pinagdadaanan e kanina pa kita itinulak dyan!" Hahaha 😂
"Chill. Nagbibiro lang ako, alam nyo namang dalawa na ayokong maalala kung ano mang nangyari kagabi e."
Nagsimula naman ng maghanda si ate ng pagkain sa dining table, di kumikibo. Alam kong galit to saken dahil sa nangyari. Binatukan naman uli ako ni Lia sabay nguso sa direksyon ni ate.
"Oo alam ko." Pabulong kong sabi sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko napagdesisyunang lapitan si ate. Iniisip ko pa kung anong mga sasabihin ko sa kanya para maging okay kami.
"Hays, bahala na nga." Sabi ko sa sarili ko sabay tayo. "Ate." Tawag ko sa kanya pero di niya ko pinapansin. Patuloy lang sya sa ginagawa niya. "Ate." Hinarangan ko ang dadaanan niya pero parang basketball player kung umiwas e, crinoss-over ako. "Ate." Iniwasan na naman ako. "Ate." Yinakap ko sya mula sa likod kaya di na siya nakapalag. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim, kinakalma niya siguro ang kanyang sarili. "Sorry na ate, sorry talaga."
"Yan din ang sinabi mo saken last year pero naulit na naman. Ang akala ko di kita aabutan sa ganung sitwasyon pero mali ako." Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ako. "Ano na lang sasabihin nila mama't papa Lance? Na wala kong kwentang kapatid? Na di kita kayang gabayan? Lance naman, di ka na bata. Malaki ka na, teacher ka nga e oh. Mag move-on ka na, pwede ba? Paano kung may nangyari sayo? Paano kung mahuli na naman ako gaya kagabi? Paano kung pagdating ko--"
"Sorry ate." Niyakap ko si ate ng mahigpit. Ayokong nakikitang umiiyak ang ate ko. "Promise, last na yun. Promise ate." Ng kumalma na si ate ay pinaupo ko sya at pinunasan ang mga pisngi niya.
"Tama na yan. Kanina pa ko nagugutom." Singit ni Lia, natawa na lang kami ni ate.
"Oh sya, kumain na tayo at may trabaho ka pa Lance. Tayo rin Lia, kain na."
* *
Matapos naming kumain at matapos akong mag-prepare e hinatid muna ako ni ate sa school na pinagtratrabahuan ko.
"Salamat ate. Pasok na ko." Paalam ko.
"Sige. Yung pangako mo Lance, wag mong kalimutan." Nag salute naman ako kay ate sabay ngiti. "Good. Bye na!"
"Bye ate, bye Lia Mama Mia!" 😂
"Che! Bye iyakin!" Di ako nakapalag dun ah? 😂 Umalis naman na sila agad at ako naman e pumasok na. Dumaan muna ako sa faculty room para kunin ang iba ko pang mga gamit bago ako pumunta sa room.
Habang naglalakad ako papunta sa teritoryo ko e tanaw ko mula sa malayo na may nagkukumpulan sa labas ng room.
"Ano kayang meron dun?" Binilisan ko ng konti ang paglalakad at ng medyo malapit na ako e nakita kong isa sa mga estudyante ko'y pinagtutulungan ng isang grupo ng mga lalake. "Hays." Si Keilla yun ah. Pumagitna si Keilla at tila umaawat. Nag-init bigla ang ulo ko sa sunod na nangyari. Itinulak ng isa sa mga lalake si Keilla at tumama ito sa pader.
"Wag kang makialam kung ayaw mong pati ikaw e banatan ko!"
"Oy."
BOOGGSSSHH!!
"AGGGHHHH!!"
"Sir!" Naramdaman ko na lang na may pumipigil saken ng akmang lalapitan ko pa ang tarantadong lalakeng to. Ng tingnan ko kung sino ay nakita ko si Keilla at ang iba ko pang mga estudyante na nakahawak saken. "Ayos ka lang ba Keilla?" Tanong ko sa kanya.
"Opo Sir, okay lang ako." Si John pala ang pinagtutulungan nila. Liningon ko naman yung estudyanteng sinapak ko. "Oy ikaw." Tumingin to saken, nanlilisik ang mata sa galit pero wala kong pakialam. "Sa susunod na saktan mo ang kahit isa sa mga estudyante ko, babalian kita." Pumorma naman bigla ang mga kasama nito. "Lalaban kayo? Siguraduhin niyong di niyo pagsisisihan yan." Lalapitan ko sana pero pinipigilan ako ng mga estudyante ko.
"Tama na Sir." Nangingilid naman na ang luha ng karamihan sa mga estudyante kong babae. Yung mga lalaki naman, pinipigilan din ako.
"May sasabihin lang ako sa kanila, pwede niyo na kong bitiwan." Ng bitiwan nila ako ay lumapit ako sa mga lalakeng nasa harap ko. Napapaatras naman sila. "Di sa nagyayabang ako pero sa tingin ko e di niyo ko kilala."
"Kilala ka namin. Teacher ka nila." Sagot ng isa.
"Tama ka, teacher ako nila." Tiningnan ko sya gamit ang aking killer eye 😂 at tila natakot naman sya. Hinawakan ko ang ulo niya at bumulong sa kanya. "Pero di mo alam kung sino ako bago ako naging teacher nila kaya't kung ako sa inyo e di na'ko mang-gugulo rito kung ayaw niyong magsisi." Sabay tapik ko sa pisngi nito dahil tila nawala sya sa sarili. "Layas." Dali-dali naman silang nagsitakbuhan palayo sa kinaroroonan namin.
"Get inside." Utos ko sa mga estudyante ko. Sumunod naman na ko at naupo muna ko dahil masakit pa rin ang ulo ko 😑 "John."
"Si-- sir?"
"Anong nangyari't pinagtulungan ka nila kanina?" Tanong ko sa kanya habang hinihilot ko ang ulo ko.
"A-- ano po kase Sir, napagkamalan po nila ako na kasali sa grupong kaaway nila. Sinabi ko naman po na di ako yun pero ayaw nilang maniwala saken."
"Are you expecting me to believe that?" Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "I want you to tell me the real reason why para matulungan kita."
"Kinikikilan po nila ako Sir at kapag di ako nakapagbigay e yun po, binubugbog nila ko." I see.
"Kailan pa to?"
"Last year pa po Sir." Sagot niya saken. Tumayo naman ako at tiningnan silang lahat.
"I'll only say this once so listen carefully." Tahimik lang silang lahat. "We are family, okay? Pamilya tayo rito. Ang pamilya nagmamahalan, nagtutulungan, nagdadamayan. Ayoko ng inaapi ang pamilya ko pero di ibig-sabihin non e kukunsintihin ko rin ang mga kalokohan niyo. Kapag napatunayan kong wala kayong kasalanan, ilalaban ko kayo ng patayan. Kaya't hanggang maaari ay umiwas kayo sa gulo, do you all understand?"
"Yes Sir."
"Very good. Lastly, ayoko ng naglilihiman sa pamilya ko. Tandaan niyo yan Section Virgo."
* * *
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Short StoryMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?