Chapter Twenty-two: Revenge

16 3 0
                                    

Hindi ako matatahimik hangga't di ako nakakaganti sa'yo Lance, tandaan mo 'yan. Darating din ang araw ng pagbagsak mo at sisiguraduhin kong ako ang magiging dahilan no'n.

"I need you to do something for me."

"Kahit ano boss, makaka-asa kayong gagawin ko ng walang palya." He is my personal eraser, he erases everything and everyone out of my sight but this time I'll make an exception.

"I want you to bring this man to me." Utos ko sa kanya habang inaabot ang litrato ni Lance. "I'll teach him a lesson personally."

"Areglado boss." Matapos ng pag-uusap namin ay lumabas na ito ng opisina ko. May sarili din akong business gaya ni ate. Kung ayaw niya kong pagbigyan, ako na lang ang gagawa ng paraan.

* * *

Weekends, nasa enchanted city kami ngayon. Kasama ko si ate't ang pamilya niya, maging si Miracle ay nandito rin. Dumiretso na kaming dalawa rito pagka-out namin dahil nangako ako kay ate, mabuti na lang at di nagreklamo tong isa pero mahahalata mong inaantok na siya.

"Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" Tanong ko sa kanya. "Ipagpapaalam kita kay ate." Dagdag ko.

"Wag. Minsan na nga lang tayong makakapag-unwind, di pa natin itutuloy." Sagot niya saken habang papikit-pikit pa ang mata. "Kaya ko, okay?"

"Kelan ba ko nanalo sa'yo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Never kaya wag ka ng makulit." Nawawala ang pagod ko everytime na nakikita ko ang mga ngiti niya.

Pinapanuod lang namin ang mga bata habang nakasakay sa carousel. Gusto kong masolo si Miracle para naman mas makilala pa namin ang isa't-isa. At dahil sa sutil akong kapatid 😂 Hinila ko ng dali-dali si Miracle habang di pa nakatingin sa amin sila ate.

"Huy Lance! Ano bang trip mo ha? Huy!" Tawag saken ni Miracle pero di ko muna siya sinagot dahil di pa kami gaanong nakakalayo kina ate. Ng medyo malayo na kami ay huminto naman na kami sa paglalakad at hinarap ko sya.

"Gusto kitang masolo, okay? I don't wanna waste this chance." Seryoso kong sabi sa kanya.

"O-- okay." Utal niyang sagot. Nginitian ko na lamang ito kasabay ang pagpuno ng mga puwang sa pagitan ng kanyang mga daliri.

Naglakad-lakad muna kami sandali para maghanap ng pwede naming gawin. Habang naglalakad kami ay bigla na lamang siyang huminto at ng tingnan ko ito ay nakita kong nakatingin siya sa haunted house na nasa bandang kanan namin.

"You wanna go inside?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ah, baka himatayin pa ko bigla habang nasa loob tayo." Sagot niya saken na medyo nagpatawa saken 😂

"Seryoso? Eh puro pambata lahat ng nandito e, kaya mo yan. Tara?" Yaya ko sa kanya't sabay hila na rin.

"Hu-- huy teka! Ayoko nga sabi e, huy Lance!" Pigil niya saken pero di ko siya pinansin. Matapos kong magbayad ay agad na kaming pumasok sa loob. Madilim dito, malamang haunted house e. Iba't-ibang klase ng sigaw ang naririnig ko rito sa loob. Di ko sila maintindihan, di naman nakakatakot dito sa loob e.

"Aaahhhh!" Sigaw ni Miracle ng may biglang bumulaga sa amin 😂 Ramdam ko rin ang paghigpit ng pagkakahawak niya saken, sa sobrang higpit nga e parang di magtatagal e mababali na tong braso ko. "Aaahhhh!" Sobrang magugulatin naman nitong babaeng to 😂 "Waaaaahhhh!"

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon