Chapter Eighteen: Confession

40 7 0
                                        

Nabato ako bigla ng sambitin ni Miracle ang mga salitang 'yon. Oo lasing siya pero dama ko ang sincerity niya.

"Pilit kong iniiwasang mahulog sa'yo pero di ko magawa. Ikaw kase, dikit ka ng dikit saken hehe." Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng mas higpitan niya ang yakap saken. "Pero huli na ata ako ng dating, kase--" Napahinto siya sa pagsasalita at naramdaman kong tila unti-unting nababasa ang likuran ko. Kakawala sana ako sa pagkakayakap niya pero ayaw niya kong pakawalan. "Huli na ata ko kase may nagmamay-ari na pala ng puso mo. May minamahal ka na pala. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang pakikitungo mo saken."

Anong ibig niyang sabihin? May alam kaya siya sa amin ni Aspen? Pero paano?

"You're just drunk Miracle, take a rest." Sagot ko sa kanya. "Come on." Dahan-dahan akong kumawala sa yakap niya ng di na sya sumagot, nakatulog na pala. Kita ko rin sa mga mata niya na umiyak siya. Inihiga ko na siya sa kama at kinumutan na rin.

Di ko sukat akalain na may pagtingin na pala tong babaeng to saken. Akala ko puro kalokohan lang ang alam nito e. Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog, napaka-payapa ng mukha niya. Napakaganda niya.

"Miracle." Di ko man lang namalayan na unti-unti ng lumalapit ang mukha ko sa kanyang maamong mukha. At di nagtagal ay naramdaman ko na lang ang pagdidikit ng aming mga labi.

Matapos ko siyang halikan ay lumipat na ko sa couch para makapag-pahinga na rin ako. Gusto kong malaman kung anong alam niya, di niya naman sasabihin yun ng walang basehan. Hays, may amats na ako kanina pero parang bigla atang nawala nung mahalikan ko siya. Teka, ano na naman ba tong naiisip ko? Aish!

At dahil sa ayaw din naman akong dalawin ng antok e napagdesisyunan kong bumaba na muna. Dumiretso ako sa kusina, kumuha ng tatlong canned beer at yung natirang buffalo wings na inorder ko kahapon. Pagkatapos non ay nagpunta na ako sa sala at nagsalang ng movie.

"Siguradong tulog ako ngayon." Sabi ko sa sarili ko habang binubuksan ang canned beer.

Pero parang nagkamali ako, dahil naubos ko na lahat-lahat ay buhay na buhay pa rin ang diwa ko. Malapit na ring matapos ang pelikulang pinapanuod ko't mag aalas-sais na ng umaga. Naman 😑

Umakyat na muna ulit ako at tiningnan si Miracle. Para naman tong bata matulog, ang gulo ng kama ko e. Akala mo dinaanan ng bagyo. Lumapit ako rito't naupo sa tabi niya. Natatawa ako sa itsura niya ngayon, nakanganga pa talaga't tulo laway pa 😂 Mapicturan nga't ng may pangblack-mail ako sa kanya hahaha!

CLICK! 📸

"Nice." Iniusog ko siya sa gitna dahil konting galaw na lang niya e mahuhulog na siya. Baka mawasak pa tong sahig ko kapag nahulog siya, sa sobrang tigas pa naman ng mukha nito e di malabong mangyari yun. Ng maiusog ko siya ay nahiga muna ako sandali, bigla kong narealize na simula ng dumating tong impaktang to sa buhay ko e di ko na masyadong naiisip si Aspen. Di na ko magpapanggap o magde-deny, may nararamdaman na din naman na ko para sa kanya pero ayokong biglain dahil natatakot akong masaktan muli.

"Ang ganda mo." Kahit nakanganga siya habang nakaharap saken ay ang ganda pa rin niya. "You're so beautiful."


* * *


Ano bang nangyari kagabi? Teka, nasa'n ako? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang lugar na di pamilyar saken. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon, wait? Kaninong kamay to? 😧 Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko, may nakadagan pala kaseng kamay saken. Hoy Miracle! Ano ba kaseng pinag-gagagawa mo kagabi ha? Naman oh.

Di ko alam kung iikot ako para makita ang kung sino mang may-ari ng kamay na nakayakap saken o aalis na lang ako e. Tama, aalis na lang ako! Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay na nakayakap saken at dahan-dahan ko rin itong inaangat para maialis sa pagkakadagan saken.

"Konti na lang." Malapit ko na sana itong matanggal ng biglang gumalaw ito sabay yakap at hila uli saken. Ngayon e hindi lang sa bewang ko ito nakayakap kundi sa buong katawan ko na. Kinakabahan na tuloy ako, naguguluhan na ko 😫 Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag napatunayan kong naisuko ko ang bataan, waaaahhhhh! 😭 Pilit ko pa ring inaalis ang pagkakahawak saken pero ayaw maalis e.

"Haaaaaa." Bigla akong nakaramdam ng mainit na hininga sa batok ko. Ganyan na siya kalapit saken? 😫 "Try leaving and you're dead, tss." Te-- teka ang boses na yun?

"Lance?" Di ko alam pero biglang sumaya ang puso ko ng marinig ko ang boses niya. "Lance, ikaw ba talaga yan ha?"

"Ssshh, kanina pa ko walang tulog dahil sa'yo kaya manahimik ka kung ayaw mong anakan kita." Eh? 😳 Agad naman na kong nanahimik at baka mamaya e totohanin niya pa ang banta niya saken. "Better." Halata nga sa boses niya na wala pa siyang tulog. Wala na kong narinig pa mula sa kanya, marahil ay tulog na ito. Medyo di lang ako komportable sa posisyon namin ngayon kase hindi naman kami pero eto kami ngayon at magkatabi sa iisang kama, magkayakap pa talaga.

Hays, pero aaminin ko. Masaya ako dahil ganito kami ngayon 🙂 Kahit na alam kong di naman talaga ako ang mahal niya, minsan di ko na rin maiwasang isipin kung ano ba talaga kami e. Eto kaseng lalakeng to, di mo magets ang ugali, hays!

Nangangawit na ako sa posisyon ko, kanina pa kong naka ganito e. At dahil sa di na ko makatiis ay dahan-dahan akong umikot para sa kabilang direksyon naman ako nakatingin pero sa ginawa kong yun ay nabato ako. Di ko inaasahan na sa pag ikot ko ay magdadampi ang mga labi namin ni Lance 😳 Agad akong napaatras at dahil nasa pinaka gilid ako ng kama ay bumagsak ako sa sahig 😑

"Aray ko naman oh." Sabi ko habang nakahawak sa pwetan ko.

"Get back here." Boses ni Lance yun ah. Sinilip ko siya pero nakapikit naman-- "I said, get back here." Gising pala 😅 Eh sa biglang dumilat e, awtomatiko naman akong tumayo at humiga ulit sa tabi niya. Ewan ko kung bakit ko ginawa yon, siguro dahil gusto ko rin? Yieeee 😂 Hahaha!

"Lance." Tawag ko sa kanya habang nakayakap na naman siya saken.

"Hmm?"

"May itatanong lang kase sana ako sa'yo."

"What?"

"Ano kase e, uhmm. Gusto ko lang sana itanong kung ano, kung ano-- uhmmm, kung--"

"Say it, I hate waiting."

"Kung anong tingin mo saken? Kung bakit ka ganito saken ngayon? At kung ano ba talaga tayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hinila niya ko paharap sa kanya at tsaka ako tinitigan sa aking mga mata. "Ano na?"

"Ikaw ang nagpapasaya saken. Ganito ako sayo dahil mahalaga ka saken. Maging ako man ay di alam kung ano tayo pero sa iisang bagay lang ako sigurado, ayokong itigil ang kung ano mang meron tayo."

* * *

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon