Chapter Four: Seriously?

62 30 0
                                    

Isang linggo na and I'm still jobless. Savings ko na nga lang bumubuhay sa akin and up until now e di pa rin alam ni ate na wala na kong trabaho. Ayoko na rin naman kaseng dumagdag pa sa iisipin niya. Kailangan kong ayusin to ng mag-isa.

BZZT! BZZT!

From: Keilla-ngan ko'y Ikaw 😂

Good morning Sir. Dumating na po ngayon yung bagong teacher namin. Babae po sya and sa tingin ko e mabait naman po sya.

Hahaha! Ganyan talaga ako magpangalan ng contacts ko 😂 Hinahaluan ko ng kalokohan. Anyways, dumating na raw yung pumalit saken at babae pa.

"Maganda kaya? Haha. Mapuntahan nga at ng makilatis." 😂 Baka pwede kong syotain hahaha!

To: Keilla-ngan ko'y Ikaw 😂

I see. Buti naman at mabait pumalit saken. I'll visit all of you in a bit, okay? Just wanna check on you guys.

"And send, yown." Nagpalit na'ko at umalis na. Mabuti na lang at di mainit ngayong araw, di masisira skin ko 😂


* *


"Excuse me Sir." Pigil saken ng guard.

"Why? May problema ho ba?" Tanong ko.

"Pasensya na ho kayo Sir Requiem pero bawal na po kayo pumasok sa loob." What? I don't believe this.

"And why is that?"

"Yun po kase ang utos ng school board e, pasensya na ho talaga kayo."

"I understand. Salamat ho manong."

"Sige po Sir." Pati pagdalaw di na pwede. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa gate at umikot ako sa likod ng school. Akala yata nila e di ko kabisado ang mga pasikot-sikot dito 😏 Over the bakod king ata ako dati hahaha!

"Success." Ng makapasok ako ay naging maingat pa rin ako syempre at baka mamaya e may makakita saken. Malapit na ko sa classroom ko dati at mukhang lumabas ata ang teacher nila gawa ng maingay sila. At tama nga ko, wala ang teacher nila. "Yow!" Natahimik naman silang lahat at napatingin sa kinaroroonan ko. Maya-maya lang e kanya-kanya na sila ng takbo papunta saken.

"Sir!" Stampede, stampede! 😅

"Di halatang miss niyo ko ah. Nga pala, where's your new teacher?" Tanong ko sa kanila.

"Lumabas sandali Sir." Sagot ni Keilla.

"Naku Sir! Ang ganda ni Ma'am, sobra! Kung kaedad ko lang yun, jinowa ko na yun e!" Sira talaga tong batang to 😂

"Pag-aaral atupagin mo Bryan wag pagsyo-syota."

Nasa kalagitnaan kami ng pagkwekwentuhan ng may biglang magsalita.

"What's the ruckuss all about?" That voice.

Ayoko mang mag-assume but that voice is very familiar. I can't move, para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Ma'am. Pasensya na po kayo, siya nga po pala si Sir Lance, Lance Requiem. Dati po naming teacher." Pakilala ni Julie.

"La-- Lance? Requiem?" It's definitely her.

"So it's you." Yan na lang ang nasabi ko ng nilingon ko ang kinaroroonan niya. Dalawang taon, dalawang taon ko siyang di nakita. "Of all places, dito pa tayo muling magkikita."

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon