"Una na po kami Sir, bye po!" Paalam ng mga estudyante kong baliw matapos ang isang araw na puno ng kadramahan sa buhay 😂
"Mag-iingat kayo. Diretso na ng uwi, wag ng lalandi!" 😂
"Yes Sir!" Sabay salute pa nila saken.
"Wag kang mag-alala Sir, kokotongan ko tong mga babaeng to kapag naglandi." Siraulo talaga tong batang to 😂
"Oo na Bryan, ikaw ng bahala sa mga tiyanak na 'yan hahaha!" Matapos naming matawa sa mga kagag*han namin ay napagdesisyunan na naming magsi-uwian.
Malapit lang sa pinagtratrabahuan kong school ang bahay ko kaya para makatipid e nilalakad ko na lang 'to araw-araw. Isa pa, mas nagkakaroon din ako ng oras sa sarili ko sa t'wing naglalakad ako mag-isa.
"Dalawang taon na pala ang lumipas. Ang bilis talaga ng panahon." Mapait na ngiti na lamang ang gumuhit sa aking mukha ng maalala ko kung anong araw ngayon.
PLOP! 💧
"Uy? Mukhang uulan pa ata, makikisabay ka na naman ba saken?" Sira na talaga ata ako, pati patak ng ulan kinakausap ko na.
Binilisan ko na ang paglalakad pero inabutan pa rin ako ng ulan sa daan. Wala pa naman akong dalang payong. Di rin naman kase ako mahilig magdala kaya ang may kasalanan nito ay yung payong 😂
Basang-basa ako pag-uwi kaya agad akong dumiretso sa kwarto para makapagpalit. Ako lang naman ang tao sa bahay na'to kaya naman I'm free to do what I want! Hahaha 😂 Matapos kong magbanlaw at magbihis ay dumiretso ako sa kusina dahil gutom na'ko.
"Hmm?" Teka lang, namimili pa ko kung anong lulutuin ko. Dapat yung masarap, ah alam ko na. "Eto na lang." Magluluto ako ng sisig. Paborito ko to tsaka specialty ko to e 😁
Ng uminit na ang kawaling may mantika of course, ay agad kong binuksan ang lata sabay buhos ng sisig dito 😂 Hahaha! Honestly, di pa ko nakakapagluto ng sisig kaya sa mga de-lata lang ako humuhugot ng lakas pero di naman lage 🤣 Marunong talaga kong magluto, wala lang talaga ako sa mood magluto ngayon.
BZZT! 📱
Uy, may nag-text. Sino kaya 'to?
"Ah." Kahit di ko replyan to e di pa rin niya ko nakakalimutang i-text at paalalahanan. Ngayon ko lang napagtanto na mahal talaga ako ng network provider ko 😂 Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto-- teka, pag-iinit ng sisig pala at ng makakain na ko.
"Alright, everything's set? Wait, one more thing." Pumanhik muna ako sa kwarto ko at kinuha ang isang bagay na matagal ko ng inaalagaan. Bumaba na rin agad ako bitbit ang bagay na yun.
BZZT! 📱
"Istorbo naman tong network na'to oh." Pwinesto ko na muna lahat ng kailangan at ng matapos ako e naupo na ko syempre.
BZZT! 📱
"Aish!" Pasubo na ko e 😑 "Hmm." Si ate pala ang kanina pang nag-tetext. Akala ko network lang kaya dinedma ko.
From: Ate (Katunog ng Tae) 💩
Where are you? Reply asap.From: Ate (Katunog ng Tae) 💩
Hey! Nasa'n ka? Ba't di ka nagrereply?"Wala akong load ate." Itinabi ko na muna ang phone ko at kumain muna. Takte! Kanina pa ko gutom 😤
Tropa ko si "The Flash" kaya ilang segundo lang ang lumipas e natapos na kong kumain. Ng makapagpahinga ako ng konti e kumuha na ko ng inumin at nauuhaw na ko. Special ang araw na to kaya naman magsasaya ako 😂 Party-party! 🎉
* * *
"I have to go." Paalam ko sa mga kasamahan ko sa trabaho.
"Di ka ulit sasama sa'min George?" Tanong ni Lia, bestfriend ko.
"I would love to pero alam mo naman kung anong araw ngayon, di'ba?" Sabi ko at tsaka lang niya na-realize kung anong meron ngayon. "Now, I really have to go."
"Wait, wait." Pigil nito saken. Nilapitan niya sandali ang mga katrabaho namin at maya-maya ay bumalik na ito. "Let's go?"
"Sasama ka?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Ano pa't naging mag bestfriend tayo? Tara na." Agad naman na kaming sumakay sa kotse ko at umalis na.
* *
Medyo natagalan kami dahil na rin sa traffic pero awa ng Diyos e nakarating naman kami ng maayos.
CRASH!
"Ano yun?"
"Tara Lia!" Dali-dali akong lumabas ng kotse at tumakbo papasok ng bahay.
CRASH!
"Aaggghh!" No, no.
"Lance!" Nahuli na'ko. Ng abutan ko sya ay nagwawala na naman siya. Nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay niya.
"A-- ate.." Agad ko siyang nilapitan ng mapaluhod siya sa sahig. "Ate.."
"Ssshhh, tahan na. Ate's here, okay? Everything's gonna be fine." Yakap-yakap ko siya habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya.
"George." Napatingin ako kay Lia na alam kong gulat sa nangyari. Ngayon niya lang kase nakita si Lance na nagkaganito.
"Bakit ate? Ganun na ba ko kawalang kwenta para iwanan niya? Wala ba kong halaga sa kanya?" Lasing na lasing siya kaya siya nagkakaganito pero mas sinisisi ko pa rin ang babaeng yun. "Sabihin mo ate, mali ba na mahal na mahal ko siya?" Paulit-ulit niyang sinasabi yan habang patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak.
"Di ko alam kung anong nangyari pero Lance, you don't deserve someone who doesn't see your worth." Lumapit si Lia sa amin, naupo at hinawi ang buhok ni Lance. "You deserve someone better, okay?"
"Sayang speech mo besty. Nakatulog na si Lance." Napakamot naman sa ulo niya si Lia.
"Minsan na nga lang ako mag-english e." 😅 Natawa na lang kami ng bahagya habang pinagmamasdan ang kapatid ko. Para pa ring bata, kung di lang to teacher e iisipin kong bata pa talaga to.
"Wait, is that her? The reason why Lance--
"Yes." Di ko na pinatapos si Lia. Kinuha ko ang picture frame na hawak-hawak ni Lance at itinabi ito. "Ang rason kung bakit tuwing Valentine's Day e miserable ang kapatid ko."
* * *
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Short StoryMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?