Lunes na lunes pero wala ako sa mood. Hanggang ngayon kase e di pa rin ako nakakamove-on sa nangyari nung birthday ko. Di ko talaga maiwasang di isipin e 😔
"Miracle? Anong oras na? Wala ka pa bang balak umalis? Mala-late ka niyan sa trabaho." Bigla naman akong natauhan sa sinabi ni mama, may trabaho pa nga pala ako 😑
"Una na po ko ma." Nag bless na lang ako sa kanilang dalawa ni papa sabay alis. Di ko na dapat isipin pa ang mga nasaksihan ko. Mas kailangan kong mag-focus sa trabaho, ayokong pati sila mama ay maapektuhan din.
Mabuti na lang ay nakasakay agad ako. May thirty-minutes pa kong natitira ng makarating ako sa building namin kaya di na ko masyadong nagmadali. Isa pa, parang di pa ko ready na makita si Lance.
"Yow Mira, di ka pa ba papasok sa floor?" Tanong saken ni Jinro, kasama ko sa team ng makita niya ko na nakatambay pa sa lobby.
"Mamaya na, may thirty-minutes pa naman ako e." Sagot ko sa kanya, tumango na lang ito at pumasok na pagkatapos. "Hays, bakit ba ko natatakot na makita si Lance? Wala naman akong ginagawang masama ah?" Tumayo na ko at pumasok na rin, sa floor ko na lang gugugulin ang oras na natitira saken.
Ng makapasok ako sa floor at makarating sa area namin ay inakala kong nagkamali ako ng napuntahan. Imbes kase na si Lance ang nasa kabilang station ay isang lalakeng nakadukmo na may pink na buhok ang nakita ko. Chineck ko ang nasa iba pang station at mga kasamahan ko naman 'to, pati si TL nandito rin. Baka bago 'to, eh nasaan si Lance? 🤔
"TL, where's Lance?" Dumiretso na ko sa kanya kase siya ang dapat makaalam kung may absent sa mga agents niya.
"In his station. He's sitting beside you, right? Di mo ba siya nakita?"
"Hindi po e, yung bagong ka-team lang po natin ang nakita ko sa station ni Lance."
"Bagong ka-team? Wala tayong bagong ka-team Miracle." Ano daw? Eh sino yung nakaupo run?
Sumilip si TL mula sa station niya at tiningnan ang station namin ni Lance, bigla naman itong tumingin at ngumiti saken.
"Hey Lance, no sleeping. Get up." Huh? Sinong kausap nito?
Dahan-dahang bumangon ang lalake na nasa station ni Lance at ng makilala ko kung sino ang may-ari ng pink na buhok na yun ay nanlaki ang mata ko.
"Lance?" Oo, si Lance nga.
"Oh? Akala ko ba wala si Lance?" Malokong tanong ni TL, di ko na siya pinansin at agad na kong lumapit kay Lance na nagkakamot ng ulo.
"Huy!" Tinapik ko ito at tumingin naman ito saken.
"What?" Walang gana niyang tanong.
"Anong nakain mo't nagpakulay ka ng buhok ha? Pink pa talaga." Di naman sa panget. Sa totoo lang e bagay na bagay sa kanya, lalo na't maputi naman ito at sobrang kinis pa, lalo na ng mukha. Mas lalo pa nga ata akong nagkagusto sa mokong na 'to dahil sa ginawa niya sa buhok niya e.
"Paki mo?" Aba't-- umiral na naman ang kasungitan nitong lalakeng to ah 😤 "Get lost." Sasagot pa sana ako pero may bigla ng pumasok na tawag kay Lance, tss. Saved by the call ka, humanda ka saken mamaya 😤
At dahil wala naman na akong mapapala sa lalakeng to ay bumalik na ko sa station ko't naglog-in. This week pala ay magkaiba ang sched namin ni Lance kaya nauna siya saken ngayon meaning di kami magkakasabay sa mga breaks at lalo na sa pag-uwi, depende na lang kung hihintayin niya ko 😁 Isang oras lang naman ang difference sa sched namin e pero di na ko aasa dahil mainipin yang si Lance 😏
* *
Mukhang avail na avail kami ah? Magdadalawang oras na kong nakaupo lang dito e. Di naman sa nagrereklamo, okay nga to kase bayad ako kahit walang ganap pero mas mabagal kase ang takbo ng oras kapag ganitong walang ginagawa bukod sa pagtunganga. Di kami nagpapansinan ni Lance, galit ako sa kanya 😤 Sinungitan na naman kase ako tsaka wala ako sa mood na lumapit sa kanya ngayon lalo na't nakapalibot sa kanya ang mga babae mula sa ibang team. Mga bruhang to 😑 Di porket walang masyadong tumatawag e pupunta na sila dito. Eto naman kaseng buhok ni Lance e, center of attraction masyado. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanila habang nag-uusap, actually parang yung tatlong babae lang na lumapit sa kanya ang salita ng salita e. Siya wala lang, ni hindi nga niya tinitignan yung mga babae.
BINABASA MO ANG
Bakit ba Ikaw? (Completed)
Short StoryMadami namang iba dyan pero bakit di kita makalimutan? Bakit di ko magawang palitan ka? Bakit hanggang ngayon e ikaw pa rin? Bakit kahit sa kabila ng mga ginawa mo e mahal pa rin kita? Bakit ikaw pa rin? Bakit ba ikaw?
