Chapter Twelve: First

51 26 0
                                        

"Is there anything else that I can help you with?"

"None as of the moment. Thank you for your help, you made my day."

"Alright. Thank you for calling D&D, this is Lance. Have a nice day!"

Natapos din sa wakas 😑 Kanina pa ko tayong-tayo dito sa kinauupuan ko. Nakakapagod din kapag nakaupo ka palagi.

"Take your break Lance. Be back after an hour, okay?"

"Yes TL." Matapos kong mag log-out ay lumabas na ako at alam niyo na siguro kung anong mangyayari 😏

"LANCENGIT!"

"Why do you keep on calling me that name?" Tanong ko ng may seryosong mukha.

"Wag mo kong daanin sa mukha mong yan at sa mata mong pasingkit-singkit Lance, we both know na di ako tatablan nyan." Sagot niya sabay sukbit ng kamay niya sa braso ko. "Lance + sungit = LANCENGIT, gets mo na? Hahaha 😂" Nagtutunog singit pangalan ko sa kalokohan nitong babaeng to.

"Tss. Ewan ko sayo at bitiwan mo nga ko. Mamaya mahawa pa ko ng kabaliwan mo." Pilit kong inaaalis ang pagkakahawak niya pero agad niya ring ibinabalik kaya di nagtagal e hinayaan ko na lang siya 😑 Takteng babaeng to, sarap sungalngalin ng kutsara.

"Yan ganyan. Palag ka pa kase ng palag, alam mo namang wala ka ring magagawa." Ang lapad lage ng ngiti ng babaeng to, parang walang problema o sadyang sabog lang talaga. "Isang order nga po nitong adobo tsaka isa rin nitong steak tapos two cups of rice." Ang lakas pang kumain 😏 "Huy nakatulala ka dyan? Name-mesmerize ka na naman sa beauty ko no? 😂 Sabi na e, may pagnanasa ka rin saken hahahaha!"

"Ang feeling mo din e no? Nagtataka lang ako kung bakit ka ganyan. Kung anong ikina-ganda mo, siya ring ikina-gago mo." Akmang hahampasin niya ko ng kutsarang hawak niya kaya lumayo ako ng konti.

"Eh ikaw? Kung anong ikina-gwapo mo, siya ring ikina-sungit mo. LANCENGIT!" Isip- bata talaga 😑 Sumigaw pa talaga dito sa pantry.

"Ewan ko sa'yo." Bago ko pa siya mabalibag ay umorder na ko't naghanap na ng pwestong malayo sa kanya. Nakakita nga ko ng pwestong malayo sa kanya pero siya rin namang lumalapit 😑 Anak ng tokwa't baboy naman oo. "Hanggang dito ba naman e walang katahimikan?"

"Baka nakakalimutan mong di pa kita napapatawad sa kasalanan mo saken?" Ako pa ang may kasalanan ngayon 😑 Bilib na bilib talaga ako sa mga babae. Napakagaling ninyong mambaligtad ng mga pangyayari.

"Wala akong kasalanan sa'yo. Kasalanan mo kaya kita napagsabihan ng ganun, di ko kasalanan yun." Kung naaalala niyo, ang ibig sabihin niyang kasalanan ko ay noong napagsalitaan ko siya ng masama sa smoking area.

"Papalag ka na naman ha?" Maangas niyang tanong habang nakatutok saken ang tinidor niya. Ayaw talagang manahimik ng babaeng to, humanda ka saken.

"You know what Miracle?"

"Te-- teka? A- anong ginagawa mo? Huy!" Utal niyang tanong ng ilapit ko ng sobra ang mukha ko sa mukha niya.

"I hate to say this but you're really beautiful." Sa sinabi kong yon ay bigla siyang nag blush. "Your eyes, your nose and your lips." I looked at her lips afterwards and that made her gulped. "Your lips." I repeated.

"Hu- huy! Umayos ka nga, ang daming taong nakakakita sa 'tin huy!" Pilit niya kong tinutulak palayo pero di niya magawa.

"Those kissable lips--

Di ko na natapos ang sinasabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Miracle at maging ako ay nagulat din sa nangyari.

"Ay porn!"

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon