Chapter Twenty-three: His Revenge

22 3 0
                                    

BAAAANNGG!

"Miracle!"

"Tara!" Napakawalanghiya mo Allie!

Matapos niyang barilin si Miracle ay dali-dali silang nagsi-alisan. Kahit na hinang-hina ako ay pinilit kong tumayo.

"Agh!" Dahan-dahan kong binuhat si Miracle at pinilit kong tumakbo palabas ng lugar na 'to. "Miracle, wag kang matutulog ha? Wag kang matutulog." Kinakausap ko lang siya habang pilit akong tumatakbo. "Wag kang bibigay!"

"La-- Lance? Bu-- buti naman at o-- okay ka lang." Bakit kahit nabaril ka na ay ako pa rin ang inaalala mo?

"Wag ka na munang magsalita Miracle, okay? Dadalhin kita sa ospital, steady ka lang." Kahit di na kaya ng katawan ko ay pilit pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa nakalabas kami sa building, patuloy pa rin ako sa pagtakbo dahil walang sasakyan na dumadaan sa kung nasaan kami. "Miracle, malapit na tayo. Konti na lang, okay?"

"Lance, ma-- mahal na ma-- hal kita." Di ko na napigilang maluha pa, di biro ang tama ni Miracle kaya't binibilisan ko ang pagtakbo. "Sa-- sayang, di-- di pa na-- nagiging tayo he-- he."

"Hold on, okay? Wag mo kong iiwan!" Wala na kong pakialam kung magmukha akong tanga kakaiyak dito, ang iniisip ko ngayon ay madala siya sa ospital.

"Ang pa-- nget mong u--miyak." Hinawakan niya ang mukha ko't dahan-dahang pinunasan ang mga luha ko. "Ayo- kong na-- nakiki-- tang u-- miiyak ka."

"Miracle!" Tuluyan na siyang nawalan ng malay at kahit anong tawag ko sa kanya ay di siya gumigising. "Taxi!" Para ko at dali-dali kaming sumakay. "Sa pinakamalapit na ospital po, pakibilis po!"

"O-- opo Sir!" Paulit-ulit kong kinakausap si Miracle pero wala talaga, di siya sumasagot at di rin siya gumigising.

Ng makarating kami sa ospital ay tinulungan ako ng driver na maipasok sa emergency room si Miracle, hindi na rin niya ko pinagbayad. Agad nilang inihiga si Miracle sa stretcher, kinakausap ko pa rin siya.

"Miracle, lumaban ka. Wag ganito, wag ganito Miracle. Mahal na mahal kita Miracle, wag mo kong iwan." Di ako pwedeng sumama sa loob ng e.r kaya naiwan ako rito sa labas.

"Sir, kailangan niyo rin pong magamot. Mahiga na po kayo sa stretcher." Sabi saken ng isang nurse.

"Okay lang ako miss-- agh!" Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya't bumagsak ako sa sahig. "Agh!"

"Ihiga niyo na siya sa stretcher at ng magamot natin siya." May dalawang lalakeng umakay saken at inihiga ako sa stretcher. Di na ko nakapalag pa dahil hinang-hina na ko.

Miracle, di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yo.

* *

"Lance, gumising ka na. Please? Di pa ko nakakabawi sa'yo Lance, di pa."

Sino 'to? Napaka-pamilyar ng boses. Teka, nasaan ba ako?

"Lance, please? Gumising ka na."

Bakit siya umiiyak? Ano bang nangyari saken? Ano bang meron?

"Hmm." Ang bigat ng pakiramdam ko, naninibago ako sa katawan ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko't tanging puti lamang ang naaaninag ko.

"Lance? Gising ka na Lance!" May pigura ng isang tao ang nasa harapan ko ngayon, di ko siya makilala dahil malabo pa ang paningin ko. "Lance, gising ka na." Niyakap niya ko bigla habang umiiyak.

Bakit ba Ikaw? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon