Chapter 2 - Love Story Starts Here

203 4 0
                                    

Pagdating ko ng bahay after school. Dali-dali ako nagayos ng mga damit na dadalhin ko mga pangswimming, pang alis at pang tulog 4 days and 3 nights kami doon. Nang natapos ko na, kumain na ko ng hapunan at naghugas ng plato at pumunta na sa kwarto ko sa taas. Hindi agad ako nakatulog nagpaikot ikot, gulong gulong sa higaan ko naeexcite kasi ako first time ko pumunta doon at sumakay ng airplane halos lahat kami ganun. Kaya nag gm ako sa kanila lahat it's already 11pm na pero nagtry ako baka may gising pa.

me: ei gays gud eve.... wahhh... di ako makatulog... im sooo so excited much.....

gian: oi bakla ako din di pa makatulog iniisip ko yung cutie papa there...

sya nga pala 10 kaming pupunta dun magkakaibigan simula 1st yr. hangang 4th yr. kami magkakaklase maliban dun sa apat na paiba iba ng section. Lagi kasi kami nasa section 1. sila sa section 2 kya ok lng magkalapit lng naman mga rooms namin. Nagkikita kita kami kapag uwian at breaktime. At lahat ng kasama ko puro magjojowa kami lang ni gian ang bukod tanging walang ka lablyf lablyf.

me: leche ka baka pumunta tayo dun para makapagbonding tayong lahat hindi para lumandi at makipagbonding ka sa iba.

suzzie: ako din ga di ako makatulog.

carlo: ako din.

jana: same here

gian: ano ka ba wag ka panira ng moment iniisip ko palang nalilibugan na ko...ahhh...

me: itulog mo nlng yan.

suz, dala ka dami swim wear ah.

carlo, nahanda mo na ba yung trunks

mo??? hahaha...

jana, ui kaw na magdala ng snacks natin ah.

suz: eto na po madam dinamihan ko na ewan ko lang kung di kapa habulin ng boys nyan at nang magkajowa kana..hahaha...

carlo: uu pinaghandaan ko na para makita ni sarah ang sexy body ko.. hehe..'

jana: ge ako na!!!

me: ay gnun ba dapat suzzie. talagang sayo pa nangaling yan ah...haha

carlo, san banda yung sexy body??? hahaha...

jana, thanks

at ayun di ko na namalayan nakatulog na pala ako kakakulitan sa kanila sa text. naalala ko mga 2am na nun nagtetext pa kmi. grabe inumaga na pla aq ng tulog.

tiktilaok...tiktilaokkk.....tiktilaokk... alarm ng cellphone ko, nagulat ako kaya pagpaling ko sa kanan naglaglag ako sa kama... arayyy... sakit sa pwet...

Naku 4am na need ko na maligo 2hours before the flight nandun na kmi 7am pa naman ang flight namin.. eto nagmamadali na ko, after ko maligo may kumatok.. pinagbuksan ni mama.

Oh! ikaw pala Gian.

Gian: hi mudra gud morning si Shin po? (sabay beso kay mama)

Mama: nasa kwarto si Shin antayin mo o kaya puntahan mo nalang kakatapos lang maligo. Ang pretty mo ah..

Gian: thanks mudra, nagsasabi ka talaga ng totoo. lab u talaga. Tagal naman ng baklang yan tatalunin pa ata ako sa kagandahan ko!! dyos ko!!! sige mudra puntahan ko na sya.

Mama: oh, heto pala eh,pababa na.

Gian: tagal mo naman teh, lusaw na kagandahan ko dito.

me: Eto nga po nagmamadali na.. ma alis na po kmi.

mama: ingat kayo dun, gian bantayan mo lagi ang baby ko ah mag-isa lang yan.

gian: opo mudra, keo din po ingat jan gagahasain kayo mamaya ni popsy kayo lang dalawa dyan masusundan na si shin. Babantayan ko po sya pero kapag inagaw nya mga papa sakin tulak ko sa dagat yan... hehe peace mudra.

mama: pilyo ka talagang bata ka. ay sya gabayan kayong lahat ng may kapal sa pag byahe nyo.

At umalis na nga kami. Si Gian malapit lang samin bahay kaya kilala sya ni mama dahil lagi sya na samin. Kapag nasa bahay si mama pinagpapraktisan nya makeupan, kulutan ipedicure, gupitan ng hair, kulayan din ang hair at kung anu-ano pang kakikayan. Payag naman si mama kasi nakakalibre sya at magaling naman si Gian. sakanya lang din ako nagpapagupit ng buhok.

Eto na sakay kmi ng taxi papuntang airport mga 5:45am na kami dumating dun naroon narin ang magjojowa. Ang sweet nila lahat kaya nairita si bakla.

Gian: ano yang ekseno ah? get a room. kainis..

Justine: wag kana maingit may partner ka rin naman eh c Shin. may pagkatomboy ,ikaw bakla bagay kayo.

Gian: nang aasar kaba Pre, gusto patulan kita ha... eeww ka ha... babae yan no kilos lalaki lang yan. Saka maganda pa ko jan no!! boobs lang at perlas nya nilamang sakin.. may boobs din ako pero malaki sakanya. (sabay birong dadakmain ung kay justine)

Napaiwas si justine at nagtawan ang lahat. Sila pala yung mga kasama namin

Justine♥Suzzie, Carlo♥Sarah, Chad♥Jana, Danwin♥Khrystal yan ang magjojowa. nagpacheckin na kami, buti at medyo kaonti palang tao kaya nakagala gala kami at nag breakfast muna. After an hour.

All passenger with flight 5J639 bound to Puerto Princesa please fall in line at the last gate.

Pila kami agad, may mga nakasabay rin kami na ibang mga bagets dun. Hay naku! c gian kalabit ng kalabit dami daw pogi. Nung kami na sunod, kinuha na ung ticket namin at binalik ung kalahti at sumakay kami ng bus papunta sa airplane na sasakyan namin. Pagbaba namin dun di muna kami umakyat pinauna muna namin ung iba nagpicture picture muna kami posing dito posing doon, nung medyo konti na ang umaakyat saka na kami sumunod dahil nasa bandang hulihan naman upuan namin.

ang nakuha ko na upuan 26A ...hehe . tabi ko ang bintana... tuwang tuwa lola mo at kita ko lahat ng view si bakla walang pake at pinagkakaabalahan ang mga boys.

Bali ganito pagkasunod sunod namin ako, gian,justine,suzzie,carlo,sarah, sa likod ko naman si chad,jana,danwin,khrystal.

Habang di pa lumilipad ang eroplano nagdeside aq magbasa basa ng magazine at kung anong meron doon sa bulsa ng upuan sa harap ko. Nung kukuha pa ko ng isa pang magazine pagyuko ko, bigla bumaba ung upuan sa harap ko or pumahiga. Arghhh.... ang sakkeeetttt... napasigaw ako ang lakas, tinadyakan ko yung nasa harap kong upuan.

Hoy! ano ba? magdahan dahan ka naman, hindi lang ikaw tao dito ah, meron pa sa likod mo. Imbis na magsorry sya ...

Ang ingay mo kasi!!!!

Bigla nagpantig ang tenga ko sasapukin ko ng....

Naku!!! awatin nyo si Shin baka mapurnada pa lakad natin.

Hinawakan ako ni bakla kaya di ako agad nakabwelo. Tapos may bigla nagsalita yung nasa tabi nya.

Miss Beautiful, pasensyahan mo na itong kaibigan ko ah.,ako na humihingi ng sorry. (sabi ni kuyang cutie)

Naka shades sya kaya di gano kita ang face nya pero kahit ganon alam mo na gwapo xa. Kaya lang nasa loob na ng eroplano naka shades pa. Si bakla eto kumikereng keng. Sya sumasagot para sakin.

Okey leng yun cuthie... Shege ok lang...(si gian yan parang may braces lang ang gaga)

Ano Gian??? ok lang sayo kasi di ikaw nasaktan, landi mo talaga bakla. inisnaban ako ni bakla at inirapan pa ko.

Tusukin ko mata mo dyan eh, sabi ko.

Ikaw naman kuya bakit ikaw nagsosory sakin di naman ikaw may kasalan. Buti nlng at may mabait na kaibigan itong mokong na nasa harap ko. (parinig ko sa mokong na nasa harap ko)

Pero wala deadma sa barangay. Sa madaling salita nag okey na umupo na kmi dahil ayoko rin masira moment ko hinayaan ko na at nagsorry naman na yung kasama nya at palipad na eroplano.

Nung nakalipad na grabe namangha ako sa mga nakita ko, yung mga bahay at building paliit ng piliit tapos hindi narin makita yung mga tao. Yung ulap ang ganda parang cotton candy, may parteng maaraw, makulim at kalmado lang. Tapos ung mga isla ang gaganda tignan, halos di maalis paningin ko sa ganda ng mga nakikita ko. Di ko na namalayan malapit na pababa na pala kami sa Palawan... so nagready na ko ginising ko na si bakla nakatulog, tulo pa nga laway eh..ewww...

Mr. Sungit meets Sassy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon