RED'S POV
Nakakairita na si jay ah panay bigay ng bulaklak kay shin, eto naman si shin parang gusto naman. Nang narinig ko na si jay yung tumawag sa kanya parang gusto ko kunin yung phone nya at sabihin kay jay na wag na sya magpadala ng bulaklak at tumawag, pero sino naman ako para gawin yun.Maigi nalang at kinuha ng papa nya yung phone kaso bigla ako nanlambot sa narinig ko.
hello papa ni shin ito, oo pwede ka manligaw sa anak ko pero dapat pumunta ka dito sa bahay ng makilala ka naman namin.
Para akong nanlata sa narinig ko yung babaeng mahal ko liligawan na ng iba. Nalungkot ako bigla maya maya. Pagkatapos magusap ng papa ni shin at jay may binitawan itong salita.
ang bagal kasi ng manok ko?
Pagkasabi nun nagtinginan yung mga kaibigan ko at inulit yung sinabi ng papa ni shin na nakatingin sakin, alam na kaya nila na gusto ko si shin pero pano mangyayari yun wala naman ako sinasabihan sa kanila. Nang nagaya na maguwian nauna ako lumabas sumunod papa ni shin. Tinapik ako sa balikat.
papa: ano na, naunahan ka na ng iba. nagpaalam ka sakin na liligawan mo anak pero di ko maramdaman.
pano po? di ko kasi alam kung san magsisimula, kapag may gusto ako sabihin na maganda para sa kanya napupunta sa pang aasar, nahihirapan po ako sabihin kung ano nararamdaman ko.
papa: edi gawin mo nalang iparamdam mo, o kaya isulat mo, ikanta mo. maraming paraan na pwede mo gawin para maipahayag ang iyong damdamin
sige po tatandaan ko po yan. magiipon po muna ng lakas ng loob. cge po alis na po kami maraming salat.
papa: bilisan mo pag ipon baka kapag nakaipon kana wala kana mapaglaanan, oh bukas ah, wag mo kalimutan before lunch punta kana dito ah. sama mo narin yung mga kaibigan mo.
At sumakay na ko, si rein nalang pinagdrive ko, maya maya sumunod narin sila at umalis na kami.
rein: pinsan bakit kasi ang bagal mo naunahan ka tuloy ng iba.
huh? ano sinasabi mo?
aris: hay naku brad! ano akala mo samin manhid kahit di mo sabihin alam namin na gusto mo si sheena.
di no? yung amazona na yun magustuhan ko.
lester: talaga di mo sya gusto? sigurado kaba dyan? kasi balak ko ligawan si sheena.
rein: ako nga din eh.
subukan nyo lang...
aris: subukan na namin manliwag tama ba?
tatamaan kayo lahat sakin kapag ginawa nyo yun.
rein: di ibig sabihan gusto mo talaga si sheena? wag mag denay aminin?
oo na gusto ko sya di lang gusto mahal na mahal ko sya.
lester: yes josh and jerome gusto daw nya pano bayan?
joshua: wag kayo magdiwang di pa sila usapan yung magiging sila.
mga loko kayo pinagpupustahan nyo pala ako.
aris: wag kana magalit isipin natin yung unang step na gagawin mo para kay shin.
di ko nga alam eh, alam nyo naman na wala pa ko niligawan na kahit na sino.
rein: diba pupunta tayo bukas sa laguna?
oo..
rein: dun natin sisimulan ang first move
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Novela JuvenilSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...