RED's POV
Ako nga pala si Frederick Prince Villamayor Jr. oh! diba haba ng name ko. 17 yrs. old. College na ko ngayon, kaso di ko nagustuhan ung una kong course na ComSci kaya ngayong pasukan magshift ako ng Computer Engineering. Tahimik lang ako na tao,minsan napagkakamalan akong suplado dahil di daw ako namamansin. Sa ganito na ako eh ano magagawa ko.Dahil bakasyon pa naman napagpasyahan naming magbabarka na pumunta sa Palawan, mga 6 kami yung 2 dun pinsan ko, yung 4 mga kababata namin.
Nung nasa airport na kami may umagaw ng pansin ko, isang napakagandang babae kaso ang daldal nya may kasama syang bakla at iba pang kaibigan, habang nakaupo kami dahil inaantay yung boarding namin. Tinitignan ko sya at nakikinig sa mga kinukwento nya, nasa tapat lang namin sya na upuan pero medyo malayo di naman tapat na tapat. Di rin nya mahahalata na sya ang tinitignan ko dahil nakashades ako nagkukunwari lang akong tulog. Nakakatuwa sya kasi dami nyang kwento parang di sya nauubusan naaliw tuloy ako sa kanya. Nang tinawag na kami para pumila na at sumakay sa bus na maghahatid samin sa eroplanong sasakyan namin, napansin ko iisang eroplano rin pala sasakyan namin. Pagbaba sa bus ang kulit nya, sya pa nauna sa picturan, nagpapicture din ako sa pinsan ko mga dalawang beses lang tpos sila rin at umakyat na kami sa eroplano. Nang nakaupo na ko at nakapasok na lahat nagdeside akong ibend ung upuan para makahiga ako konti kaso may nataman ako. Magsosorry sana ako kaso naririnig ko ung boses nung babaeng maganda pero madaldal. Kaya sabi ko sa pinsan ko kay Rein sya na kumausap, ayun naayos naman ang sunget grabe. Nang umandar na ang eroplano at nasa ere na kami sumilip ako sa gilid ng upuan malapit sa bintana para tignan yung nasa likod ko. Para syang bata ang cute nya tigna makikita mo sa magagandang mata nya na namamangha sya sa mga view.
Nakalapag na ang eroplano sa Palawan may binitawan syang joke ang corny pero mabenta sa mga kaibigan nya. Nauna cla bumaba picturan nanaman sila.
Nagpicturan din kami magbabarkada. Pero di kasing tagal nila nasa loob na kami sila natatanaw mo pa sa labas. Sinundo kami ng van ng resort na tutuluyan namin. Nag City Tour, lunch , City Tour ulit then sa resort na. Pag dating sa hotel nagbihis lang ako tapos pumunta sa tabing dagat umupo sa ilalim ng puno nag gitara at kumanta. Maya maya may narinig akong pamilyar na boses, isang babae may kausap na kano, kaso nakikipagtalo ata ng makita ko sya yung babaeng maingay na makulet na masungit. Lalapitan ko sana, pero tingin ko di nya kailangan tulong ko para syang amasona sa tapang at dumating yung guard at kinausap sila at umalis na yung kano. nakita ko sya paalis na ng bigla naman akong tinawag ni Rein, pinsan ko .
Nung nasa balcony na kami nakita ko sya sa kabilang side dun pala kwarto nila nagkatinginan kaming dalawa tapos pumasok na sya sa kwarto nila. Kami ng mga pinsan at barkada ko, kwentuhan at kantahan at maya-maya natulog narin kami. Habang nakahiga iniisip ko kung bakit ganito naramdaman ko nung nakita ko sya, di ko maexplain.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Teen FictionSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...