Maaga kami umalis ng bahay para maaga kami makarating doon sa laguna, sa sasakyan namin nila mama ako nakasakay yung sasakyan nila red kasunod namin at dun nakasakay ang mga kumag. Pagdating namin sa laguna abala ang lahat dun, nagalmusal muna kaming lahat.
mama: mamayang gabi may sayawan kanila mildred lahat ng mga dalaga nandun para isayaw ng mga kalalakihan, syempre ang kada sayaw sa mga kadalagan may katumbas na halaga.
rein: tita pwede ba kami dyan.
mama: oo naman, lahat ng mga binata kasali.
ma anu yun parang g.r.o lang ang peg. lumalabas nanaman yung pagkababaero nito ni rein.
rein: babaero agad, basta excited din kami.
mama: baby ganun talaga kasi yung pera na maiipon dun para yun sa mag-asawa.
marami naman sigurong dalaga dun kaya di na ko sasama dun.
mama: hindi pwede, lahat ng kasama sa abay dapat nandun rin. Dapat naka dress ka excited na ko anak.
hays... bakit ba gustong gusto nyo ako magdress.???
mama: di ka kasi nagsusuot nun simula pagkabata, kaya excited si mama.
hoy anong pinagbubulungan nyong lima dyan.
lester: waala..
rein, aris: tama wala.
talaga lang ah, saktan ko kaya kayo.
joshua: mapanakit ka talaga noh!!! tita baka napulot nyo lang sa gubat yang si shin amazona.
oi ikaw ah...
mama: tama na, kumilos ka kasi ng kilos babae, para kang maton tapos kapag inasar kang amazona nagagalit ka. kayo talaga mga kabataan..
HA!!! HA!! HA!!!!
mama oh nagtatawanan sila. pati si papa din...
mama: hoy kumain na kayo kapag di kayo nagsitigil ako uupak sa inyo lalo kana papa ah tanda mo na nakikisali kapa.
Pasigaw na sabi ni mama na ikinagulat naming lahat, natulala kami pero si joshua napabulong pero narinig ko.
joshua: di ka ampon shin! mag ina nga kayo.
Sabay sipa sa paa sa ilalim ng mesa umaray sya pero kami nakatingin lang kay mama. Ngayon lang kasi sya nagsungit ng ganun.
mama: bakettt???
Lahat kami bumaling lang ng tingin sa kung sansan. Na napapangiti kapag nagtatama yung mga paningin namin pati si papa.
After namin magalmusal sinamahan kami ni mama sa nagtahi ng isusuot ng mga abay para maayos yung sukat ng damit namin ni red. Si beking lucy ang nagasikaso sa amin.
lucy: ang gwapo naman ng jowa mo sayang single pa naman ako.
red: subukan mong lumapit uupakan kita!
lucy: yan ang mga tipo kong lalaki pa hard to get.
di ko boyfriend yan no!!!
lucy: ay may pag-asa na ako pwede na kita iuwi samin mamaya at magpakasal narin tayo bukas.
Akmang yayakapin sya ni lucy pero nagmadali itong nagtago sa likod ko.
red: hoy hoy... teka lang nagbibiro lang baby ko no, girlfriend ko to!
Magsasalita sana ko kaso tinakpan nya agad bibig ko at kinasabwat pa si mama.
red: tita diba girlfriend ko anak nyo???
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Teen FictionSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...