Sa wakas nasa manila na kami back to reality. Mga 8pm na ko nakarating dito samin. Si mama at papa wala pa nasa work pa sila... hays siguro kung may kapatid ako baka sila sumalubong sakin, di naman ako kumain busog pa kasi ako nalala ko yung binigay sakin nila rein. Una kong binuksan yung kay lester... lagayan ng ballpen na kahoy inukitan ang design nya anito, nagandahan ako kaya nilipat ko dun yung mga favorite ballpens ko. Sunod naman yung kay joshua 3 pairs of pearl earings,...huwow... color white,black and dirty white, nung tinignan ko ito sa botique alam ko sinukat ko pa nga itong mga ito eh, nagkakahalaga lang naman sya ng 3k
grabe binili nya talaga yun. Sunod naman yung kay jerome shawl assorted color, tae lahat na ata ng kulay pinakyaw nya..galit ba sya sa shawl mga 5 piraso.. sunod naman kay aris ibat-ibang klase ng mga shells yung katamtaman ang laki, sakto ito sa aquarium ko, next kay rein naman ..huwow again pearl necklace color black and white, nyeta mahal nito ah... last kay pandang sungit.. huwhat... kaya pala malaki at jewelry box pala yun at may laman narin isang set ng jewelry earings, ring, bracelet at necklace... maloloka ako sa mga pinagbibigay nila, kailangan ko maibalik ang mga ito, mamaya may ibang kapalit ito. Pumunta ako sa study table ko para gumamit ng computer at magopen ng facebook, may 6 messages ako at may 6 na gusto mag add sakin yung anim na kumag iniaccept ko na kasi naging friends ko na sila. Si pandang sungit pinagisipan ko muna bago ko inadd ..hehe may kasalanan pa kasi sakin yun. Nagbasa ako ng message lahat ng messages nung anim na mokong ay "nagustuhan mo ba gift ko??" sinagot ko silang lahat maliban kay pandang sungit, "ibabalik ko sa inyo dahil sobrang mahal ng mga ito di ko matatangap ito ano ba kapalit nito?" kay red naman "wala akong nagustuhan kasi tinapon ko na" nagreply silang lima "walang kapalit yan binigay namin ng bukal sa puso kaya wag kana mag-alala kung ayaw mo tapon mo nalang, di rin naman magagamit yan" sabi nila. Si red naman "tama lang ginawa mo kung di mo nagustahan, wala naman akong pagbibigyan nyan.kaya tama lng ginawa mo" ., Parang bigla naman akong nalungkot sa mga sinabi nila, nagusap b silang lahat, lalo na kay panda. Di ko na sila ulit nireplyan, nagupload nalang ako ng mga photos namin sa palawan, yung mga pictures namin na kasali yung mga kumag tinag ko narin... Maya maya dami ko ng mga notifications 100 agad after 30mins. ko nagupload sa dami ng pictures. May tinag sakin si Aris yung kuha ko sa bangka na katabi ko si pandang sungit na nakayakap sya sakin, daming naglike at nagcomment. Merong kinikilig ,may mga nagtatanong kung ako yung gf nya? or kaano ano nya ko, grabe nasa 50 likes agad. Nalala ko eto yung pinicturan kami na perfect daw. Si bakla nakipagsabayan din ng upload, bwiset tong bakla na to yung picture ko na nasa life guard tower ako tapos nakatingin kay red habang nakangiti at umiinom sya ng buko juice, nakakahiya. Wala na ko magawa dami na nakakita, ginawa ko sinave ko lahat ng pictures na wla kami, yung mga picture na nandun si pandang sungit itinabi ko at ginawan ko ng sarili nyang folder, PANDANG SUNGIT yan ang name ng folder.
After downloading all the pictures and segregating all the pictures, tinignan ko ulit yung mga pictures last yung kasama si pandang sungit,sinama ko yung video nya dun sa folder na yun, habang tinitignan ko yung picture nya napapangiti ako na kinikilig na ewan tapos nung tinignan ko yung video nya na natutulog sya napatingin ako sa lips nya at napapalapit ako para halikan to.... syet nahalikan ko yung monitor, inalis ko agad yung mukha ko pinagsasampal ko, ano ba tong nangyayari sakin, nagopen ako ng Y.M ko chinat ko si bakla.
gangster_sisa: hoy bakla, ano binigay sayo ni lester? :)
maganda_ako: figurine na crocodile saka shawl..
gangster_sisa: ah ano nagenrol ka na ba?
maganda_ako: oo, nauna pa nga ko sayo, H.R.M kinuha ko, ikaw?
gangster_sisa: well, comtech kinuha ko at guezz what???? puro boys ang classmate ko at wala kaming p.e.
maganda_ako: gusto ko jan, amp.... :)) ay friend may number nila akong lahat, saka lahat sila nakaadd sa fb ko at ym.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Teen FictionSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...