Dito na kami sa next island the Lulubog Lilitaw Island (LuLi), maputi ang sand dito, di gaya sa Star Fish Island Mabato. Syempre walang katapusang picture nanaman. May nakita akong diving board, inaya ko sila dun kaso yung mga lalaki ko lang friends ang naaya ko yung mga girl friends ko, picture picture nalang daw sila natatakot daw sila saka di marunong lumangoy, ayun magkakasama sila nila Gian, sinabihan nlng ako ni Gian na mag-i ingat at binilin ako doon sa apat.
Pagalingan kami ng dive dun, kung ano gawin ng isa kailangan gawin ng lahat ang di magawa may pitik sa noo, sumali rin yung anim sila Red. Patambling naman ang gagayahin namin yung ginawa ni Chad, sunud-sunod na kami, si Danwin, Jerome, Justine, Aris, Rein, Carlo, Joshua, Red, Lester at ako... nahuli ako sabi ko kasi kay Sarah picturan aq. Ginawa naman nya.
Pagdive ko masyado ako napalalim napataas kasi talon ko, may nakita ko ang gagandang Corals ang lalaki, kaso ng paahon na ko yung damit q sumabit isa sa mga corals may matalas kasi na corals dun, tinatangal ko kaso di ko matangal di rin ako makamulat maigi dahil ang hapdi na sa mata ng tubig kaya kinakapa ko di talaga matangal, maya maya may dalawang lalaki lumapit sakin, una ko napansin si Red sunod si Rein tinutulungan nila ko tangali, ayaw matangal, kaya senyas ni Red hubarin ko na lang daw,ganun din si Rein sumenyas naman ko na ayaw ko kaya pinipilit ko din tangalin ayaw talaga, wala na akong choice kinakapos narin kasi ako sa paghinga kaya hinubad ko na. At umahon na kami agad naka bra nalang ako at shorts, pag ahon namin at nakarating na kami sa pampang, lumapit agad si Gian at yung mga girl friends ko niyakap nila ako. Alam ko pinagalala ko sila, nagsorry ako sa kanila. Sarap nga sa pakiramdam eh, kasi alam mo na napakahalaga mo rin sa kanila.
gian: Sheena diba sabi ko mag-ingat ka!!! wag mo na ulitin yan ah..naiiyak nyang sabi.
Opo Beautiful Mother of all Pearls... sabi ko.
Natawa tuloy sila at niyakap nila ako ulit.
gian: buti nalang nan dyan si papa Rein at Papa Red. At dahil dyan ikikiss ko kayong dalawa kasi niligtas nyo friend namin.
nang umakto na si gian ng panguso..
sige subukan mo, pagbabanta ni Red.
gian: ang sungit....eto naman di mabiro joke lang.
Rein: ok lang, pero kung kiss pa ni Sheena yan, okey lang.hahaha... asar nya
Thank you ulit ah.... sabi ko
rein: ok lang basta ikaw, ms. sexy..
nahiya naman ako dun, kaya bigla ko tinakpan yung dibdib ko ng aking mga kamay si Rein nagsmile lang ng konti tapos hinubad yung sando nya, syett... mamula mula kutis di naman macho di rin naman payatot, sakto lang katawan nya. Pagkahubad nya lumapit sya sakin, napaatras naman ako. Pero lumapit pa sya at sinuot sakit yung sando nya.
Naku!! wag na wala ka na damit, sabi ko
red: don't worry, it's okey! baka manyakin ka ni rein, joke lang.
rein: grabe ka pinsan, itong gwapong ito.
nagka ngitian kami and i thank him, marunong rin pala syang magjoke, may side din pala sya na mabait. Medyo maluwang yung sando pero ok lang kesa naman naka bra lang ako, kahit papano di naman nakakailang.
Sumakay na kami ulit ng bangka, papunta naman kami sa Cowrie Island ang last island na pupuntahan namin. Nang makarating na kami dun. Hyper parin ang lahat namumula na balat ko sa init at sobrang babad sa dagat, sinulit namin maigi ang bakasyon. Malapit lapit na kami umuwi mga 15mins. nlng at aalis na kami kaya umupo muna ako ako saglit sa tapat nung anim na mokong hapdi na kasi ng balat ko. Dahil pala naka shades yung anim, nung tinangal ni Lester yung salamin nya bigla ko natawa sa kanya mukha kasi syang panda, nagtinginan yung 5 sakin bakit daw ako bigla natawa...
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Ficção AdolescenteSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...