Chapter 16 - Happy Moments

88 3 0
                                    

Ang sarap ng tulog ko, anong oras na kaya, 6am palang pero parang ang haba ng tulog ko.

Teka pano ko napunta dito, eh nasa bahay kami nila red. tanong ko sa sarili ko.

Paglingon ko sa kanan may nakahiga sa upuan si red yun ah, nilapitan ko tinusok ko ng daliri ko si Red sa mukha. Bigla syang dumilat at tumingin sakin.

totoo sya nahahawakan ko sya..

kinurot ko sa sarili ko, masakit ibig sabihin di ako nananaginip totoo ito.

wahhh...ahhh... sigaw ko.

Bigla pumasok si Gian sa kwarto.

gian: bakit anong nangyari??

bakit nasa kwarto ko yang pandang sungit na yan...

gian: gaga!! taas kaya ng naglagnat mo kagabi, sya nga nagbantay sayo magdamag, kung makaarte ka dyan. Sige na iwan ko na kayo at nagluluto ko ng almusal natin.

gian wag mo babangitin kanila mama na may sakit ako ah, ayoko mag-alala sila eh.

gian: alam ko na yan bata pa tayo nun.

At umalis na nga si Gian. Kami nalang ulit nasa loob ng kwarto.

ah.... eh... salamat ah...

red: tsss, dapat lang bigat mo kaya tapos pinuyat mo pa ko.

ah kasalanan ko pa yun, sinabi ko bang buhatin mo ko at bantayan ako magdamag.

red: wag ka mag-alala bayad ka naman na.

huh!!! sabay lagay ng kamay ko sa dibdib ko.

red: hoy! hoy! ano kala mo sakin rapist kung mga arte ka dyan.

pano naman ako nakabayad sayo?

red: simple lang. nakita ko lang naman itinabi mo yung music box na bigay ko, kuntento na ko at magsmile ka at di nagsusungit.

wow sino kaya masungit sating dalawa. saka pano mo nasabi na sayo galing yang music box.

red: nilagyan ko kaya ng palatandaan yan kaya alam ko sakin galing yan. Di nya alam pinasadya ko talaga yan kaya wala yun katulad.

Pumunta ko sa table ko binali baliktad ko na yun pero wala ako nakitang palatandaan. Niloloko ata ako nitong kumag na ito ah.

red: Wala ka talagang makikitang palatandaan dyan dahil ako lang ang nakakaalam nun.

tsss...

gian: kainan na baba na kayo.

red: tara na bumaba na tayo.

Bigla ako na out of balance parang nahilo kasi ako nakaramdam nanaman ako ng masama. Hinawakan ni Red yung noo, braso at kamay ko.

red: nilalagnat ka nanaman,wag kana bumaba dadalhan nalang kita ng pagkain dito.

kaya ko, sa baba nalang ako kakain.

red: hindi ang kulet mo ah, dito ka lang kukuha kita ng pagkain ng makainom kana ng gamot.

whatever pandang sungit..

At kinuhanan nya ko ng pagkain, nagluto daing na bangus si gian at sotanghon soup.

red: kumain kana.

pwede bang sabay tayo, ayoko kumain mag-isa.

red: sige.

Mr. Sungit meets Sassy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon