Chapter 25 - Special New Year

76 2 0
                                    

Ang saya ko nandito silang lahat, tapos ang ganda pa dito sa mansion nila Lester, para sakin mansion na ito sa laki at ang lawak nasa mataas na lugar kami tanaw ang dagat dito, sa bandang baba naman ung swimming pool nila at meron din dun pwesto na pwede magdaos ng party pero mas maganda ang view dito sa taas, namiss ko tuloy yung tagaytay.

Padating na pagdating namin sila mama dumiretso na agad sa kusina syempre tinukungan ko din sila at syempre di naman nagpahuli yung mga boys tumulong din para mapadali ang paghahanda after 3hrs. okey na dahil sa dami namin na tumulong kasama yung limang maids nila.

lester: tito, okey na po ito sila na bahala magprepare nyan mamaya magpahinga po muna tayo or kubg gusto nyo po maglibot libot po muna kayo.

papa: siguro maglibot muna kami mukhang magaganda view dito.

At ayun nagsolo si papa at mama dun sa may veranda nakaupo magkahawak pa kamay, matapos maglibot sa paligid. Ang sweet nila sana maging ganyan din ako ang magiging asawa ko.

gian: hoy beki tara punta tayo dun sabi nila red may magandang view daw dun.

At sumama ako padating namin dun sa garden nila ang daming flowers tapos may red, white and pink roses tapos may daisy, may orchids grabe para akong nasa fairy land tapos kitang kita yung lawak ng dagat, sky blue na kalangitan, tapos ulap na parang cotton candy, tapos yung hangin ang sarap ng amoy walang halong polusyon... this is what you call Heavennn... sigaw ko ng malakas habang umiikot feeling ko ako lang magisa dito. Pagikot ko naman nabangga ako kay red bigla kasi sya lumapit sakin, napatumba tuloy ako pero agad nya ko nasalo nahawakan nya ko sa bewang.

red: mag ingat ka.

Yun yung narinig ko na salita sa kanya kaya lang parang iba msy halong pag-aalala at napaka seryoso ng mukha nya. Di ko pa natutuloy yung sasabihin kong salamat, bigla nya nilagay yung rosas sa gilid ng tenga.

red: bagay sayo kasing ganda mo mga bulaklak dito.

Grabe pakiramdam ko pulang pula na mukha ko sa sinabi nya.

ahh...ehh..ssaayang nam..man pin..nittas moo pa..

Nauutal kong sabi, pero nginitian nya lang ako, sa malayo sumigaw si rein tinatawag kami,meryenda muna daw.. After namin magmeryenda may mga nakahandang palaro na si gian grabe puro kaberdehan, nandyan yung trip to jerusalem,pero imbis na pagaagawan yung upuan sa zipper ng boys hahawak, at eto pa sinali pa si papa at mama,pati yung mga maids at gardener nila dun kadali kaya ang saya, may basagan ng itlog,putukan ng lobo, pabilisan kumain ng saging,basta ang dami, ang saya... after ng mga ginawa namin nagrosary kami sa garden nila kung saan may rebulto doon ni mama mary na pinangunahan naman ni Aris, may pagkarelihiyoso rin pala sila,di halata...hehe.. After 1hour ng pagrorosary..inaya kami ulit ni lester sa garden nila pero pinapatay nya yung mga ilaw, ang dilim liwanag lang ng buwan at mga stars pati yung fireworks nung ibang excited na mapaputok. Nakaupo kami dun habang maririnig mo yung mga kulihlig at yung putukan sa bandang ibaba... sakto may dalang gitara si Red.. tumugyog sya ng mga pangpasko at nagkantahan kami. Maya maya...

lester: red stop mo muna yan ayan na sila.

gian: sinong sila??

lester: hoooshh... wag ka maibgay ayan na..

gian: baby lester new year ngayon hindi halloween wag ka manakot..

lester: sira ka talaga di ako nananakot no,magantay ka saglit dadami na sila.

Mga ilang saglit pa yung mga bulaklak at puno nagkikislapan ani mo may mga christmas lights ito. Ang ganda pagmasdan ng mga alitaptap. May lumapit sakin ng huhulihin ko nagkasabay kami ng paghuli ni red kaya nahawakan nya ang kamay ko, nagkatitigan kami yung alitaptap nasa loob ng kamay namin parehas , malapit na magkalapit mukha namin nabaling lang ang tingin namin nang may iba pa na alitap pumalibot samin,sabay namin binuksan  ang aming kamay at sinilip ang nahuli naming alitaptap, napakaliwanag nito st ang ganda,sabay namin syang pinakawalan, di kami magkamayaw sa palibot ng aming paningin dahil sa ganda ng aming nakikita pakiramdam ko isa akong fairy. Maya maya pa ay malapit na mag 12am.

lester: guys dito tayo sa may sofa masmaganda panoorin dito.

At umupo kami sa malaking sofa nila na nasa labas na malabong magkasya sa bahay namin sa laki. At nacountdown na kami. ...

10

09

08

07

06

05

04

03

02

01

At ayun na nagputukan na at naglabasan ang magagandang fireworks, napapicture kami ng walang kasawa sawa, pati sila mama at papa tuwang tuwa.

Napasigaw ako sa ganda ng mga fireworks na hinanda nila lester.

ANG GANDAAHH...

red: maganda ka talaga.

anong sabi mo red?

red: oo nga maganda..

ewan ko pero parang iba yung sinabi nya sa lakas ng mga paputok at torotot di ko na gaano narinig.. after ng putukan may binigay sakin si red nasa bote na may nktakip na telang manipis.

red: para sayo shin.

anotong naka bote.. oi bk palaka to ah..excuse me kaw lang takot dun.

red: di no! takot na nga dun yun pa bibigay ko.

hahaha.. oo nga naman.

Hinatak nya ko papunta sa madilim na parte sa ilslim ng puno at doon nakita ko may umiilaw sa bote.hinuli nya yung mga alitaptap at nilagay sa bote marami rami din.

bakit dito mo nilagay baka mamatay.

red: di yan mamamatay iuwi mo sa onyo mabubuhay yan sa garden nyo.

wow thank you.. sa gift mo.

red: your just like a firefly,whenever i look and stared at you, you are glowing.

thank you. yung lang nasabi para kasing nablublush na ko sa mga sinasabi nya.

red: i'm amaze how you glow, i can't help myself.

Napaka siryoso ng mukha nya, di ko alam ang isasagot o itatanong ko sa kanya. Bigla sya ngumiti iniba ang usapan at inaya na ko pumunta sa dinning area to join the others. Hangang sa makarating kami dun nakita ko paring maaliwalas mukha nya mukha syang happy di sya nagtataray siguro new years resolution nya na ang di magsungit.

Kinabukasan ng hapon sabay sabay na kami nag uwian pabalik ng manila, hinatid muna nila kami bago sila dumiretso sa kanila.

papa: salamat sa inyong lahat sa pag invite sa family ko, we're all happy. Until next time. ingat kayo sa byahe.

lester: anytime tito, we also enjoy spending christmas and new with your family, naramdaman naming kumpleto ang aming pamilya at pinaramdam nyong member din kami ng family nyo. Thank you din tito.

The boys are all agree sa mga sinabi ni lester. Ako eto dala yung jar nakita ko si red nagbabye sya sakin, nginitian ko naman sya. Pagdating ko sa garden agad ko pinakawalan yung mga firefly. Tama si red habang tinitignan mo lalo syang lumiliwanag at di mo mapigilang mamangha. Napaisip tuloy ako kung ano obig sabihin nya, naguguluhan tuloy ako, pumunta na ko sa kwarto ko, bubuksan ko pa lang tung bintana may tumapat na firefly ang ganda ng liwanag nya, binuksan ko yung bintana at pumasok sa kwarto ko, diko muna binuksan ang ilaw naaliw kasi ako tignan. After ko mahbihis ng pantulog saka ako humiga at pinagmamasdan yung alitaptap hinayaan ko rin nakabukas yung bintana ko para kung gusto nya bumalik sa garden makalabas sya, may iba ding pumasok na alitaptap kaya natuwa ako kakatingin. Syempre bago matulog nag post muna sa facebook.

"watching fireflies inside my room, i wish this fireflies stays last long glowing, to amaze me on it's glow."

[sensya na sobrang busy ko kaya di makapagupdate. Salamat sa mga nahbabasa.  ]

Mr. Sungit meets Sassy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon