RED'S POV
Nasa MRT ako ngayon papunta ako kay Aris sa bakeshop nila may bibigay daw, nakaupo ako agad maluwag kasi, naglalaro ako sa cellphone ko habang nakikining ng music di pa kasi umalis agad. Nakailang station na may nagtangal ng headset ko, nainis ako.
Ano ba..?? pagsabi ko nun si Shin pala yung nasa harapan ko, nabigla ako kasi tinapakan nya paa, lintik na babae yung ano kaya problema nun, sinundan ko sya nung lumabas, pumasok nanaman sya sa MRT papasok din sana ako kaso nagsara na. Pagabante ko may natapakan ako, ID ni Shin kapag sinuswerte ka nga naman. Sakit ng paa ko talaga,pagdating ko sa bakeshop ni Aris..
aris: napano ka?
naapakan yung paa ko yun nalang sinabi ko sa kanya.
At binigay nya yung nakaplastic na maliit pinababalik daw ni Shin may letter daw sa loob, nung nabasa ko pang asar lang. Umuwi agad ako sa bahay at ang sakit ng paa ko parang nagkapasa sya di ko naman gano pinansin dahil kaya ko pa ang sakit. Nagopen ako ng fb nakita ko naka online si amazona, chinat ko sya.
amazona bakit mo ko inapakan kanina???
ikaw kasi eh ginulat mo ko. sabi nya
ha pano kita ginulat???
basta.
binalik na sakin ni aris yung binigay ko. binigay ko nalang sa kapatid kong babae.
edi mabuti.
tapos nagend na yung conversation namin. Wala narin ako masabi kaya di narin ako nangulit. Kinabukasan pinuntahan ko sya sa school nya para ihatid yung id nya tutal wala naman akong pasok ngayon. Pagpasok ko hinarang ako ng guard. Tinanong kung san ako pupunta. Sinabi ko nalang na naiwan ng kapatid ko ang id nya ihahatid ko lang sa room nya. Kaya pinapasok nya ko, ang liit lang ng skul nila kaya madali ko nahanap room nya, nagpunta muna ako ng registrar office kaya nalaman ko kung anong room sya ngayon. Kumatok ako at binuksan ang pinto puro lalaki..
excuse me sir i'm looking for Ms. Sheena Barbie Romua? nandito ba sya ngayon?
prof: she is... di pa natatapos ung sasabihin biglang umepal yung nakasalamin..
wala sya dito di sya pumasok..may sakit..
ok thank you, sorry for the disturb.
At bumaba na ko sumakay na ko sa kotse ko tinawagan ko yung papa nya ang sabi nasa skul di ko na binangit na wala sya dun, inisip ko baka nakita nya ko kay nagtago yun, kung anu-ano nang haka-haka pumasok sa isip ko kaya bumalik ako ng skul nya. Nakakahilo dami ng studyante kahit maliit dami parin nagaaral, marami na nakalabas, may lumapit saking lalaki at tinuro si Shin may mga kasama sya pero di ko na naabutan nakasakay na sya ng jeep. Tinawagan ko nalang yung papa nya na pupunta ako dun sa kanila, natuwa naman yung papa nya, pagdating ko sa kanila sinalubong ako ng pagkamay at pagyakap sakin, naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama, dahil di naman yun ginagawa sakin ni papa, naguusap lang kami pero walang mga ganun.
Pumunta kami sa garden nila dun kami umupo at nagkwentuhan.
mr.romua: sa wakas at nakita rin kita at nakilala, gusto ko magpasalamat ng personal sayo sa pag aalaga mo sa anak ko. maraming salamat .
di na po ninyo kailangan magpasalamat ginawa ko lang po ang dapat.
Napatingin ako dun sa may simento na pinalilibutan ng mga bulaklak..
mr.romua: nagtataka ka siguro kung anu yan. dyan kasi nakalibing yung pinakamamahal nyang aso araw araw nya nilalagyan ng bulaklak yan.
Nangiti lang ako at iniba ko usapan. Nagalangan pa ko itanong sa papa nya at baka magalit pero nilakasan ko lang loob ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Fiksi RemajaSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...