Yes wala na pasok sa January na balik ng klase, dito ko sa bahay inaalagaan ko si panda wala kasi akong lakad ngayon. Nasa garden ako nakikipaglaro kay panda, nakita ko si Gian papunta samin nagmamadali.
gian: girl bukas may lakad tayo kaya handa mo na yung mga damit mo.
san naman tayo pupunta?
gian: sa tagaytay, mga kulang kulang 2 weeks tayo dun balik tayo before christmas eve.
sinu-sino naman tayo?
gian: edi buong barkada.
so ibig mo sabihon kanton?? hehe sigurado kasama nanaman dyan sila pandang sungit.
gian: tama, barkada narin naman natin sila.
okey fine, whatever brando..hahaha.
Sumimangot si gian.
joke lang lambing lang yun.
gian: okey lang barbie and the flying shoes...hahaha..lambing lang yun.
Loko tong bakla na to naisahan ako dun ah. At umalis na sya inayos ko na yung mga damit ko, Nagpaalam na ko kanila mama at papa pinayagan nila ako tutal sa 24 pa uwi nila ng umaga. Dahil marami ring order sa kanila kapag ganitong season. Maaga kami umalis papapuntang tagaytay mga 4:30 am dumating si Red at sinundo kami ni Gian, dala nya yung van nila kaya kasya kaming walo dun, pero pupunta muna kami sa may mcdo dun daw kami magkitakita, pagdating namin dun sakto nandun narin sila kasabay lang namin ng dating kaya umorder nalang kami para kumain sa kotse habang bumabyahe. Ako inorder ko, chicken na may spaghetti tapos yung bigmac at hot chocolate. Yung iba burger at coffee, humirit pa ko ng large fries.
lester: wow sweet mo naman para sa inyo yan ni red.
baliw kaba akin lang to ah,andun sya oh umoorder, tseh..
joshua: ang takaw mo talaga buti nalang nadadala ng ganda mo yung katakawan mo.
gusto mo ng kutos 10x? dyan na nga kayo at sumakay na ko sa car ni red.
Si danwin nagdala rin ng sasakyan na van kaya dun magkakasama yung mga magjojowa. Palitan nalang ng magdradrive kagaya kanila red. Nang nakaorder na lahat pumunta na kami sa kanya kanya naming sasakyan, si Red ang magdradrive ngayon dun nila ako pinaupo sa harapan, okey lang naman sakin dahil madami akong food may mapapagpatungan ako. Nangnakapasok na kaming lahat, si Red biglang lumapit sakin yung mukha nya lumapit sa pisngi ko, namula tuloy ako.
red: matuto ka ngang magseatbelt.
Hay naku yun lang pala yun, pwede naman sabihing magseatbelt kana,talagang sya pa naglagay kinabahan tuloy ako bigla kala ko kung anu na.
At umalis na kami syempre ako eto kumakain na.
umm...sarap.,.
red: oi amazona baka gusto mo naman mamigay dyan.
huh diba bumili ka ng iyo?
red: di ko makain nagdradrive ako.
uu na alam ko na ibig mo sabihin.
At inalis ko sa balot yung burger nya at sinubuan ko sya at pinainom ng kape buti nalang dalawa yung straw na nakuha ko.
oh ayan na may lord,
red: thank you my highness.
Click...click.click...
Yung mga loko pinagkukunan kami.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Teen FictionSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...