GIAN'S POV
Grabe naman itong si Shin di mabiro, lalo na kapag ang mahahalang bagay ang nakataya... Babalik ko na nga baka magaya pa ako dun sa classmate namin ng elementary tinapon yung pantali sa buhok na bigay ko sa kanya. Di manya tinatali sa buhok nya yun, laging nasa kamay nya at dala dala. Kumuha sya ng dust pan at kumuha ng lupa na may langgam na pula at nilagay sa loob ng uniform ng classmate nami. Galit na galit sya dahil napaka halaga daw sakanya. Natouch ako nung narinig ko yun, Bakla na kasi ako since birth. Di na namin nakuha yung ipit dahil inagos na ng tubig. Kaya binigyan ko nalang sya ng bracelet na gawa ko parehas kami, kahit hangang ngyon nakatago pa rin sakanya. Ganon sya magpahalaga ng mga bagay at tao sakanya.
RED'S POV
Grabe tapang naman nitong babae na ito, pero astig. Ang ganda nya parin kahit galit pero sa lahat ng maganda sya nakakatakot magalit.
May tumabon sa mukha ko na tela, sabay inalis at bumungad ang mukha ng isang babae malapit sa mukha ko. Bigla ko nalang nasabing ""sa susuood magingat ka"" na may pagkasuplado. Naiinis ako sa sarili ko bakit yun ang lumabas sakin, nabigla rin ako dahil sya yung babae na nasa eroplano, lalo ako nagulat nung nakasama namin sila sa van, halos di ako umiimik nun at nakatalikod sa kanya parang ayaw magpakita sa kanya. Natawa ako sa kaibigan nyang bakla lalo na kung pano nya pinakilala si Shin.
Nahihiya naman ako kung pano ko papakilala sarili ko sa kanya, buti nalang pinakilala ako ni rein. Nang tumagal nakipagkwentuhan sakanya si Rein ung pinsan ko, sana kagaya ko sya na madali makipagkwentuhan sa iba na hindi na hihiya.
Di naman talaga kasi ako pala kwento, saka puro kasungitan din nasasabi ko. Saka nahihiya ako sakanya di ko alam pano ako magsisimula kung kakausapin ko sya.
Kung anu-ano na sinabi ni Rein puro pambobola nanaman kasi nagsbi aq ng …Tsss.... alam ko na alam na nya ibig sabihin nun.
Nandito na kami sa Honda Bay nagpicture na kami pati mga kabarkada nya. Nung nag offer sya na sya daw magpicture samin, ngumiti ako sa unang picture sa pangalawa ngumiti ulit at nagtangal ng shades dahil pintangal nya, mas maganda mag papicture na kita mukha mo. Sa totoo lang bihira lang ako ngumiti ng ganun sa picture, ngumiti lang ako kasi gusto ko magsmile sa kanya na di ko magawa kapag katabi at kaharap ko na sya. Ang weird ko na nga eh, dami naman nagkakagusto sakin sa school mas maganda sa kanya pero di ko naramdaman yung ganitong feeling. Nang nakasakay na kami sa bangka,nakita ko inalalayan sya ni Rein sa pag akyat at nahawakan nya ang kamay ni Shin, sana ako nalang sabi ko sa sarili ko. Nakapasok na sila ng bangka paupo palang ng bigla nagkaalon ng malakas, napaakap sakin si Shin, halata ko sa boses nya na natakot sya dahil tinawag nya kong mama at yumakap sya ng mahigpit. Nung niyakap ko sya parang ang sarap ulit-ulitin parang ang sarap nya mahalin... nagsabi nalang ako na hindi ako ang mama nya, kaya humiwalay sya agad at nagsorry...
Ano ba naman ito ang dami kong sasabihin bakit yun pa, pwede naman na , wag kana matakot nandito naman ako, o kaya humawak ka lang sakin di kita bibitawan para di kana matakot...wahhh... anong kabaduyan nanaman tong naiisip ko dahil sakanya.
Si Gian nagpapicture kunan ko daw silang dalawa, di ko alam kung anong pumasok sa utak ko kaya si Shin lang kinunan ko, ang ganda nya kasi magsmile. Nung tinignan na ni Gian sumimangot "bakit putol ako si Shin lang kinunan mo" maalon kasi yun nalang dahilan ko. Maya maya nagkagulo na sila isa-isa sila nagpapicture ng solo sa kanya. Nagulat nalang ako kasi nakipagpalit si Aris sa kanya para picturan kaming dalawa, pero gusto ko rin, di lang ako nagpahalata kalmado lang, at nagpost na ko na parang nasa bahay lang na nakaupo sa sofa. Parang nailang nga sya nung nilagay ko yung kamay ko sa may upuan na parang nakaakbay sa kanya pero patay malisya lang ako, bigla kami nakasalubong ng alon na malaki kaya pag picture napaatras sya sakin at napayakap ako sakanya, naamok ko yung mabango nyang buhok. At nagkatinginan kami buti nalang nakashades ako di halata masyado nung nahiya ko bigla nung humarap sya, binitwan ko sya agad at sinabi nalang ni Aris perfect daw, kahit ako curious sa picture, pero si Shin na nangulit kaya hinayaan ko na.
May nadaanan kaming magandang view. Nakita ko nanaman yung cute nyang mukha na parang bata kung magappreciate ng mga bagay. Kakatingin nya di na nya namalayan nahawakan na nya yung kamay at braso ko, nakadantay kc ako s inuupuan nya. Nagpicture sya tinabig pa nga mukha ko, grabe naman gwapo kong to pinagpalit sa mga bundok, kaya lalo ko syang nagustuhan. Nung tumapat sya kay Gian pinatabi nya rin nakakasira daw ng view biro nya. Sa ginawa naman ni Gian, parang bigla nagiba si Shin ang talim ng tingin nya parang kakainin nya ng buhay si Gian, kaya nasindak yung isa sa mga sinabi nito na alam na nya mangyari. Nakarating na kami sa isla. Gusto ko sana sya alalayan pero nauunahan ako ng hiya.
Pano ko kaya uumpisahan, gusto ko makilala ko sya maigi gusto ko maging parte ako ng buhay nya. Naaadik na ako sayo Shin....
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Novela JuvenilSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...