Hays.... Back to reality na... Nagpacheckup ako regarding sa scoliosis ko, mabuti naman ang finding di ko na need operahan dahil naagapan basta ituloy ko lang daw yung vitamins ko at mga gamot, pero bawal parin sakin ang masyadong mapwersa ang likod. After ko pumunta sa doctor pumunta naman ako sa national bookstore para bumili ng mga kailangan ko bukas pag pasok sa skul. Pagdating sa bahay iniready ko na mga kailangan ko para wala na akong makalimutan.
Yes, start nanaman ng klase at excited sa new classmates at new skul together with my friends. Good luck saming magbabarkada. Sabay kami ni Gian ngayon computer engineering ang kinuha ko na course si Gian HRM parin. At last nandito na kami sa skul ang ganda dito daming students di gaya dun sa pinanggalingan ko nakakasawa mukha ng mga tao. Habang naglalakad kami kinawayan kami nila danwin ayun kumpleto na kami si suzzie, sarah at khrystal magkaklase same course kasi sila management ang kinuha nila. Si danwin at carlo naman architechture si chad fine arts at si justine medicine.
Nasa gitna kami ng skul kaya kita kami ng lahat ng mga nakaupo sa waiting area at dun sa may upuan para sa mga students, Parang may sumisigaw ng pangalan ko, familiar yung voice nya, lumingon ako kaso sa dami ng tao di ko makita kaya dinedma ko nalang. Lumakas yung tawag sa pangalan ko.
rein: Sheena Barbie Romua
putek si Rein bakit kailangan isigaw yung buong pangalan ko nagtinginan tuloy yung mga students samin.
At eto nandito silang anim ano ginagawa nila dito, nagtago ako kanila chad tutal matatangkad naman sila kaya di ako gano mapapansin, papalapit na sila, nang bigla sa likod ko.
aris: bulaga!!!! magtatago kapa dyan ah.
Ano ba tong mga to, skandaloso..si Joshua naman ang sumigaw ng buong pangalan ko inulit pa ni Jerome isa pa to si Lester. Sila chad naman lumayo sakin kaya paglapit nung lima..
Pok...tok..,pok..tok...tok... kontong candy kayong lima.
bakit kailangan nyo pa ipagsigawan pangalan ko, nakakainis kayo ah, at bakit nandito kayo?
red: kami nga dapat magtanong bakit nandito kayo?
eh ano naman kung nandito kami dito kaya kami nag-aaral no!
lester: talaga eh dito rin kami nag-aaral last year pa.
huwat???? alam ko na!!! Geronimo Brando Diaz diba kaw nagaya sakin dito, ipaliwanag mo nga sakin!
gian: sorry friend nalaman ko kasi dito skul ni papa lester kaya dito ko narin gusto mag-aral,saka umoo ka naman na dito tayo diba?
di mo naman sinabi sakin na dito sila nag-aaral eh. naku nakakainis ka Brando.. dahil sa ginawa mo brando na itatawag ko sayo habang buhay.
gian: friend sorry na, wag kana magalit. nandito na tayo nakapagbayad na tayo ng full payment. next sem ka nalang lumipat kung ayaw mo dito.
whatever BRANDO..
Tawanan silang lahat, ang totoo ok lang kung dito rin sila mas marami kami mas masaya. Nagpunta muna kami sa canteen tutal maaga pa naman para sa klase namin lahat, bumili muna kami ng snacks namin pero ako mukhang di snacks parang hangang mid night snack na ata yung binili ko, may mamon,biskwit, sitsirya, dark chocolate,juice, siopao at burger. Nauna na sila dahil nahuli ako sa dami ng binili ko, paglingon ko pakanan para pumunta na sa pwesto namin may lalaki akong nabangga yung hawak nyang coffee tumalsik sa damit nya pero di lahat nagkamantsa tuloy. Grabe ang tangkad nya hangang kili-kili lang ata ako nito matangkad konti kay pandang sungit.
sorry miss, nasaktan kaba?
ah eh naku, hindi ako nga dapat masorry natapunan ko pa tuloy damit mo, ay wait lang ah.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Teen FictionSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...