Sa haba ng kwentuhan at tawanan namin, nagdeside na silang magsiuwi at pinadalhan namin silang lahat ng rambutan at lansones si Aris at Red di na nagdala. Sabagay nadalhan ko na sya sa kanila pero si Red bat kaya di na nagdala. Nang nakaalis na sila.
papa ano yung pinag usapan nyo ni Red.
papa: wala nag thank you lang sya sakin, pinadalhan ko kasi sya ng lansones at rambutan sa kanila.
huh! closed kayo pa? saka pano mo nalaman bahay nila? pumunta ka dun? dami kong tanong diba.
papa: pina LBC ko. tinawagan ko sya at tinanong address, pa thank you ko yun dahil pinasaya nya ang baby ko.
wow ha!! talagang sayo pa papa nang galing yan ah. yung sungit na yun mapapasaya ako.
papa: kilalanin mo muna kasi sya baby. Saka magpakababae kana ng kilos, dalaga kana pano ka maliligawan nyan.
papa naman eh wala pa sa isip ko yung ganun dapat makatapos muna ako ng pag-aaral ko.
papa: alam ko yun, di naman sa sinabi ko na magboyfriend ka agad anak ang akin lang babae ka di ka lalaki kay kumilos ng naaayon sa kasarian mo, lagi ka nakapantalon kahit magsimba di ka manlang nagdredress, sayang yung mga binili sayo ng mama mo.
okey dad itry ko pero di ko masasabi na magagawa ko lahat yun, parang di narin kasi ako yun kapag binago ko lahat.
papa: kilos lang ang babaguhin mo anak di ang pag uugali at pagiging baby namin.
i love you papa.
papa: love karin namin ni mama mo.
Nag kiss na ko kay papa at mama,pumunta na ko sa room ko at humiga sa napakasarap ng bed ko.
ahk....ahk....ahkkk .... may nagtext
pandang sungit: sorry kanina, pero masarap talaga yung desserts mo minsan lutuan mo ko ah..gud nyt my highness..
Anu daw??? epekto ba ng sobrang tamis yun?? Nireplyan ko lang sya ng..
okey,thank you..
At natulog na ko bukas may klase nanaman.
RED'S POV
Ang aga aga ng nang gigising sakin si amazona pala, di muna ako gumising nagpapapilit lang ako, gumanda umaga ko sya kasi una kong nakita, nagpatulong ako sa kanya magpahilamos at magtooth brush pero totoo napilitan lang sya. Sarap sa pakiramdam nung mga ginagawa nya sakin lalo na nung sinusubuan nya ko nung niluto nya, sarap nya magluto kaya napasarap kain ko muntik ko na nga sya maubusan. Nung nagbihis ako tinulungan nya rin ako, di ko naisip yun pwede pala yung ganun na di na sirain yung damit, napapalagay ako ng pulbos sa kanya kaso ayaw naman nya inispray nalang nya yung pabango nya sakin, di naman ako umangal para ko narin kasi sya naamoy.
Sinama ko sya samin pauwi nung pinalabas na ko sa ospital. Pagdating ayun nakipaglaro sya kay chloe, at nung lumapit sakin si chloe at umiiyak bigla akong nagalala baka may nangyaring masama kay shin pero nakita kong papalapit ito naiyak daw sya dahil naalala nya yung aso nya. Naalala ko yung kinukwento ni Gian nun nung nasa palawan kami, kung anu-anong kulitan ginawa nila ng kapatid ko, naabutan ko pa sila sa kwarto nakita kong namanha sya sa mga collection figures ko na ang nakaka appreciate lang nun eh si chloe, ngayon dalawa na sila. Sila dad at mom kasi laging sinasabi na nagaaksaya lang ako ng panahon at pera sa mga ganung bagay. Naisipan ko bigyan sya ng puppy maigi nalang at nagustuhan nya, napayakap pa sya sakin naramdaman ko yung sarap ng yakap nya parang gusto ko rin syang yakapin.
Pag uwi nya tinawagan ako ng papa nya at may bibigay daw sakin,tapos si Gian naman nagtext magkita kita daw kami sa bakeshop ni Aris, natangap ko naman yung pinadala ng papa nya kinabukasan tinawag sakin ni manang ising, nasa bakeshop na ko nila Aris si Shin at Gian nalang ang wala, nang dumating sila inalalayan ni Rein si Shin sa pag upo na ginagawa nya sa lahat ng girls. Nakakaramdam ako ng inis lalo na kapag nakikita kong nagpapacute sa kanya si Rein at kapag magkasama sila.Nagpaalam si Shin na gagawa daw sila ng ice cream ni Aris, sinundan ko sila at tumulong din ako, ngayon kay aris naman ako naiinis masyado ata silang close, nahihirapan ako magbalat ng rambutan kaya tinuruan nya ko kung pano, hinawakan nya kamay ko na nagpabilis sa tibok ng puso ko kaya napisa ko maigi yung rambutan eh makatas yun napatalsik sa mukha nya, kaya dali dali kong pinunasan ang mukha nya, naghiwalay lang kami nung nangasar na si Aris. Nung dumami customer nila nagsuot si Shin ng apron at tinulungan yung mga crew pati kami napagaya sa ginawa nya, ang saya nga eh, may mga babaeng tumawag sakin para kumuha ng order, napansin kong nakatingin sakin si Shin kaya pagkakuha ko ng mga order nila pumunta agad ako sa kitchen at sa crew ko nalang pinadala, baka isipin pa ni Shin babaero ako kagaya ni Rein.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit meets Sassy Girl
Novela JuvenilSi Shin makulet, madaldal at minsan nasasangkot na gulo, kababaeng tao laging gulo ata ang hanap. Si Red naman na kabaliktaran ni Shin. Magkakakilala sila sa di inaasang lugar. Una di sila magkakasundo dahil sa magkaiba sila ng ugali, pero di nila n...