Chapter 1 - Puro Kemeng Kwento Lang

219 2 0
                                    

Tanghaling tapat ng nagenroll ako. Grabe pawis na pawis ako pagdating ko dun. Buti nalang malakas ang aircon nila kaya madali rin natangal ang init sa katawan ko, kaso mga ilang minuto nilalamig naman ako.wahhh pulmunya abot ko netoh...

Habang nag aantay ako sa sofa dahil may kausap pa si Ateng Maganada na nasa front desk, nagbabasa basa muna ako ng magazine nila. Naaaliw ako sa mga nababasa ko doon,hangang sa nakita ko ung mukha ni ateng maganda Joy pala ang name nya. Sya ang naging Ms. 2003 taray kaya pala siya artistahin. tpos yung kapartner nya na lalaki Mr.2003 na si Gerald ang pogi nya. Mamaya maya may lumabas galing sa office si Gerald grabe nganga ako sobra sa kagwapuhan nya ang kinis ng balat nya ang puti nya, kinabog nya kutis ng mga babae grabe ang ganda at ang gwapo nila kaya mapapaenroll ka kpag sila nasa front desk.

hayyy... nagulat ako kasi bigla ako tinanong ni Gerald pogi.

Hi Miss how can i help you?

Tangina english yun, dugo ilong ko di ko alam isasagot ko.

am..ahhh... sir maginquire sana ko kung magkaso po per sem. ang COMSCI?

Tapos sinabi nya yung price at mga miscellanous,downpayment,monthly at kung anu-ano pa in english. Habang nakanganga. May pumasok ulit para mag inquire lalaki naman, may mga inoffer sa kanya wala daw subject na P.E. aba gusto ko un. 2yrs course nga lang DCET (Diploma in Computer Electronics and Technology) sa madaling sabi un na ang kinuha.

So on that day nagenrol narin aq sinundan ko ung step by step procedure nila, akyat baba. Kinuha ko ang block section para di iba-iba ang mga classmates ko saka wala naman ako ibang pagkakaabalahan. May 2 subjects aq per day hangang friday except thursday 3 ang subject q nun, every friday washday namin.

Grabe maghapon ako dun, dmi rin kasi nageenroll may orientation pa na 1 hour kaya ayun gabi na ko nakauwi samin traffic narin kasi nasakto sa rush hour.

nagmamadali rin ako kasi may flight pa ako bukas papuntang palawan kasama ko mga highschool friends ko. Nakuha pa namin sa piso fare sa Cebu Pacific tinaon tlga namin before magstart ang class kasi alam namin magiging busy na kmi lahat after nito.

Mr. Sungit meets Sassy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon