Chapter 2

828 44 8
                                    





Kylie

"Kylie, bulalak daw para sa'yo" sambit ni Mama sa akin at tsaka tinignan ang card bago niya ibinigay sa akin ang bouquet ng orange tulips.

"Kanino nanaman to galing ma?" tanong ko kay Mama.

"It's from Mr. Z again. Hindi ko alam kung humahanga lang nga ba to sa'yo o secret admirer muna worst baka stalker pa. Sa loob ng isang araw ang daming napapadalang bulalak pwede na natin gawin flowershop tong hospital room mo" reklamo ni mama.

Napangiti na lang ako habang umiiling sa reaksyon ni Mama. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Halos araw-araw may dumadating dito na flowers galing sa kanya.

I look at the card and read what was written in there.

I just wanted to let you know that I have been thinking about you lately. I am reminded of you as I go through my day and I smile. I hope these flowers make you smile too.

- Mr. Z

Napangiti ako sa message at tsaka umiling bago iniligay ang bouquet ng tulips sa table sa gilid ng kama ko.

"I hope one day, I'll meet this Mr. Z" nakangiti kong sabi.

"Ky, baka nakakalimutan mong may asawa ka" pagpapaalala sa akin ni Mama.

Napatingin ako kaagad kay Mama "Of course not Ma! I just want to thank him for sending me these flowers every single day. I want to thank him for lightening up my mood"

"Kung bulalak lang pala ang magpapakilig sa'yo sasabihan ko na lang si Ezekiel na dadalhan ka niya rito ng bulalak" sambit ni Mama sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang kinuha ang cellphone sa bulsa niya "Ma!" sigaw ko.

"Joke lang, nak. Ikaw naman napakaseryoso mo" natatawang sambit ni Mama sa akin "Hindi ko alam kong papaano na inlove sa'yo si Ezekiel kung masyado kayong opposite"

Natigilan ako sa sinabi ni Mama.

Kung di niya alam papaano na kaya ako?

"Anak" she sounded worried "I'm sorry, I didn't mean - -"

"Ma, it's alright hindi mo na kailangan magapologize" sambit ko at tsaka ngumiti bago umalis sa kama na kinauupuan ko at umupo sa may window.

Asan na kaya si Ruru?

It's been one week since hindi siya pumupunta dito.

Naririnig ko naman nakausap niya si Mama sa phone but Mama didn't even bother to give me the phone and so that I could try to talk to him.

Siguro ay galit pa rin siya sa akin.

Hindi ko naman gustong humingi ng annulment eh. All I wanted is a space between us so that I could find myself because I know magiging unfair sa kanya kapag nanatili ako sa tabi niya without even knowing him.

I wanted us to take one step at the time. Siguro baka kahit papaano ay may maalala ako kapag ganun ang nangyari.

Sa loob ng isang linggo, hindi siya nagpakita. And you know what? I am so lucky that even though my friends are busy most especially sila Glaiza, Sanya, Gabbi, Mikee and Kate they are always here to support me.

Yun nga lang di ko nasabi sa kanila ang away na naganap sa amin ni Ruru.

"Ky, masyado atang malalim ang iniisip mo"

Napatingin ako kay Mama at tsaka ngumiti.

"Wala Ma, iniisip ko lang sila Mikee sabi kasi niya kahapon ay pupunta siya rito ulit" sambit ko kay Mama.

You're Still The One [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon